Magandang gabi ulit kaingay. Ako ulit to hahaha. Isang tahimik na gabi kaingay. Nakasanayan ko na ang may bonding kami tuwing linggo ng gabi habang nanonood ng KMJS with snacks..pero ngayon wala munang bonding maaga nagsitulog ang mag aama, nasira kasi yong tv namin kaya napaka tahimik ng gabi ko ngayon, ako na lang ang gising..dipa antok eh. Kagabi napansin ko may guhit na itim yong screen ng tv tapos tuloy padin sa panonood gang sa pinatay ko ng matutulog na ako. Paggising ko ng umaga kanina pagbukas ko ng tv fully black na ang screen pero may sound, sabi ng anak ko naging radio na daw yong tv hahaha. Ang boring ng walang tv eh. Kaya buong araw kanina walang tv. Mahal siguro pagawa ng flatscreen. Sabi ng biyanan ko bili na ng bago. Wala pang budget para bumili ng bago. Magtatanong pa si hubby magkano bayad sa pagawa. Chinika ko lang sainyo kaingay. Naalala ko kasi may kmjs ngayon.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Same here mate.. ngayon lang uli nakanood ng kmjs.. namissed😁
Namissed ko nga agad manuod mate haha..ang saya kasi manuod nyan.
dto samin sis mahal magpagawa..cloud lng nasa screen ng tv nmin sabi 2700 daw ang bayad..kaya ayan hinde nmin pinagawa..ala kaming tv dotdot cp n lng..