Ginising upo w/ daing tuyo.. Hello noisemates.. Magandang gabi..kumusta po ang bawat isa? Share ko lang po itong nakayanan kong lutuin kanina hapunan namin yan, ginisang upo w/ daing tuyo.. Nag harvest ng upo ang butihing kapitbahay binigyan ako ng isang malaki na upo, hinati ko lang lutuin dahil sayang di mauubos.. Sakto may daing tuyo kaya ginisa ko at sinahugan ng daing favorite ni hubby ko ang luto na katulad nyan kaya ginanahan kami kumain masaya at nakalibre sa ulam..salamat kay kapitbahay. Simpleng ulam ngunit nakakagana iulam sarap. Yong kalahati plano ko sahugan ng sardines bukas tapos pritong GG sigurado solb na ang bukas namin nyan..tipid tipid mahal ang bilihin.. Kayo kaingay nakapag hapunan na?
1 comment
This is super delicious!🤗♥️👍