read.cash Log in

@Jhen28

Joined 8 September 2022 · 284 posts

Lets be friends.🤗🇵🇭

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Jhen28

Good morning saturday, thanks god its saturday laba day haha, ngayon ang laundry day ko kaya maaga ako gumising alas syete.🤣 ang aga e anu haha, habang nagpapaikot ikot sa washing tara muna uminom ng gatas para may energy kakatapos ko lang mag breakfast hindi ko na nakuhanan ng pic, tamang tama mainit ang panahon ngayon kailangan kong matapos before lunch para matuyo mga isasampay ko..Ingat kayo sa mga may lakad dyan, have a nice day!! ❤❤

@Jhen28

Time check 11PM 🇵🇭 Hello sa mga gising pa, hindi pa makatulog dahil gising pa si bunso naglalaro pa, nadaya ako nito alanganin natulog kanina 5-7 ng gabi kaya ngayon hyper na hyper pa, antok na ako pero no choice kundi sabayan sya maglaro ako naman mag nonoise muna hehe, marami pa bang gising dyan? Happy weekend!

@Jhen28

Good Morning sa lahat, friday na agad kumusta mga ka noise? eto ako kakatapos lang sa mga gawain kaya may oras na para mag dotdot hehe, maaga pa para magluto ng for lunch kaya tambay muna ako dito sa noise, nagsagot ako sa WODL sagot sa 8 Letters POSITIVE para sa mga nagsasagot sainyo ng WODL try nyo, naka 3wins na 2wins pa para makakuha ng reward bukas ulit sana mahulaan ko ulit minsan kasi hindi ko mahulaan huhuhaha. Bilis lang ng araw eh, weekend na ulit. Ingat lagi mga mate, God bless. Happy friday!!

@Jhen28

Yon oh! Naka two wins din, 3 wins pa para makakuha ng rewards, ay salamat sa nagbigay ng Idea sa sagot hahaha. May kudigo🤭 Nakapag laro ang ferson hindi masyadong busy at maaga nakaluto kaya tamang dotdot cp muna dito. Good vibes lang tayo mga ferson!! Taboy natin mga bad vibes.😂 Thanks sa ❤ and support!! Happy Thursday!

@Jhen28

Payaman na ko sa noise.app. 😂 Payaman sa unread haha, ako lang ba ang natambakan ng unread? Di gaanong makatambay dito parami ng parami kada araw may dagdag hihi. Hindi na din maka comment sa ibang user. Busy lang sa life mga mate..hehe. Kumusta po? Sana ayos lang kayo mga mate! Bed time na! Goodnight! ❤❤

@Jhen28

Snack time Potato lang ahaha! Hello! Gandang hapon, Happy teachers day pala sa lahat ng mga teachers dito sa platform mabuhay kayong mga teacher saludo ako sainyo sa sipag tyaga at mahabang pasensya lalo na kong may pasaway na studyante mga maiingay haha. Kumusta po kayo mga ka noise? Dito Sobrang init ng panahon ngayon mabuti na lang at malakas ang hangin hindi ko masyadong ramdam ang init medyo presko sa loob ng bahay kahit mainit sa labas. Mamaya papasyal kami ni bunso sa labas kapag hindi na mainit ng marelax relax naman ang isip hehe. Masaya na naman nyan si bunso basta makalabas kami. Happy wednesday! Ingat po lagi mga ka noise god bless manatiling ligtas ang lahat. ❤❤

@Jhen28

Magandang umaga! 🇵🇭 Kasing ganda ng sikat ni haring araw, kumusta ang umaga nyo ka ingay? Sana maganda ang umaga nyo, breakfast po muna bago magtrabaho para may energy, kakatapos ko lang mag breakfast maaga ko gumising. Good vibes lang tayo sa umagang kay ganda. Happy tuesday! Ingat po mga mate. ❤❤

@Jhen28

Kumusta ang lahat? Di gaanong active buong araw pasilip silip lang, ngayon ko lang nasilip Bitcoin wallet ko feeling blessed wala akong masabi kundi salamat ng marami kong sinuman ang mga nasa likod nyan pumunta sa harap, haha naalala ko talaga yong nagsabi nyan e isang user dito, salamat po kahit di gaanong active may blessing parin na pumasok sa wallet from noise app lahat ng yan mapapangiti ka naman talaga eh. Ayiee happy si ako. Dinner time anu ulam nyo? Magandang gabi!

@Jhen28

Blessed sunday!! Magandang hapon noisemates! Pagoda ang person sa labadami labango kakatapos lang magsampay. Kumusta sunday nyo guys? Nakapag relax relax na ba? Me: ngayon palang mag rerelax at mag iingay. Snack muna tayo chicharon (2nd photo) yan yong piniprito na biglang lumalaki bisuto kong tawagin. Share ko din yong niluto ko kaninang lunch (3rd photo) Ginataang Gulay "Laksa" tawag ni hubby ko dyan ako naman hindi ko alam ang tawag basta ginataan lang ang alam ko hihi, may sahog na tuyong dilis at fresh alamang sarap. Kayo ba anung tawag nyo dyan? Happy weekend! Ingat po!

@Jhen28

Good morning! Ang saya naman pwede ng mag download ng noise.app sa playstore kaya agad na din akong nag download kaabang abang ang mga susunod na update. Kumusta ang lahat? Happy saturday! Happy weekend!

@Jhen28

Meryenda time ka ingay! Toasted bread & Dirty ice cream meryenda namin ni bunso, nung makita ni bunso yong ice cream biglang inayawan yong toasted bread haha bata talaga bentang benta ang ice cream mainit na ang panahon dito kaya pinagbigyan ko na mag ice cream sana lang huwag ubohin minsan lang naman, akin ay toasted bread dalawang sliced sapat na sa kumakalam kong tiyan tubig na malamig na lang ang panulak solb na meryenda. Magandang hapon po! kumusta dito?

@Jhen28

Sinigang na hipon.😋 Nakapag Lunch na ba lahat? Sana oo ang sagot nyo dahil hapon na kami tapos na sakto sa oras ng pananghalian tamang pahinga muna dahil nabusog ako ng husto haha sarap kasi ng ulam namin share ko lang ulit dito na i-share ko na to sa kabila e dito din ito na lang haha..magandang hapon.

@Jhen28

Umagang kay ganda! Araw ng huwebes Kumusta ang umaga mo ka ingay? Sana maganda ang gising ng bawat isa, good vibes lang tayo para masaya bawal ang sad lalo at maaga pa nakakapangit yarnnn ahaha. Mainit na ang panahon dito ang ganda ng sikat ng araw pasok sa loob ng bahay ang init, yan ang maganda pumapasok sa loob ng bahay ang sikat ng araw sa umaga sarap sa pakiramdam maaliwalas ang paligid, maliwanag ang loob ng bahay..mukhang nakalimutan ni hubby ang payong kita nyo sa unang larawan? pasensya na malabo haha, Sana huwag umulan mamaya pag uwi nya..o sya huwag kalimutan mag agahan para may lakas tayong gawin ng mga dapat gawin, ingat tayo sa buong araw..magandang umaga.

@Jhen28

Barbeque. 😋 cravings ni asawa bago matulog hehe, share ko lang dito kumain muna bago natulog pati ako kumain din kulang na lang san mig light haha, sarap ng sauce sweet & spicy kaya naman ubos agad hahaha..cravings satisfied eh, minsan lang naman kaya oks lang yarnn.. Salamuch ulit sa mga donations nyo noisemates. Good night! Tulugan na.

@Jhen28

Hello, umagang kay ganda sa lahat, makulimlim na umaga sa lugar namin sana huwag umulan ahaha. Huling miyerkules na sa buwan ng september ilang tulog na lang ay oktubre na talaga naman napaka bilis talaga lumipas ng araw :) Galaw galaw na para hindi antukin hehe, sa sobrang aga ng gising siguradong aantukin kaya galaw-galaw at kulang ang tulog ng mga nanay na may mag aaral di naman pwede matulog ulit maraming gawain kain muna ng breakfast para may energy. Bawal ang sad lalo at umaga palang smile lang tayo sa umagang kay ganda dapat good vibes..maganda pa kayo sa umaga..ingat always guys.

@Jhen28

Salamat sa mga santa..more blessings to come sainyo. ramdam na ramdam ko ang ingay dito sa noise app pakiramdan ko talaga mas maingay dito, nandito na siguro lahat ng nasa noise cash. Biruin nyo yon natatambakan ako ng unread haha kailangan laging bisitahin para hindi matambakan at nakakahilo magbasa pero ayos lang keri yarnnn. Hindi ko na pahahabain ito gusto ko lang talaga magpasalamat, salamat ng marami sainyo guys,pasko na sa noise app..ingat lagi.

@Jhen28

Good morning guys, kahit hindi naman talaga good ang umaga haha, busy busy-han muna tayo, gumawa ako ng project ni anak hindi nagawa nung weekend at hindi nagsabi anak ko na may project sya, banig na gawa sa ginupit na magazine o dyaryo, gusto daw ng teacher yong kasing laki o haba ng anak ko, susme mataas pa yong anak ko sa akin haha wala na akong magazine na magupit kaya bahala na maliit lang itong ginawa ko, si bunso ang kasya dito sa ginawa ko, pwede na siguro yan, maganda ba gawa ko? haha nangawit batok ko nakatungo. Kumusta po kayo? Mukhang madilim na naman kalangitan uulan na naman ito maya-maya. Ingats po! Happy tuesday.

@Jhen28

Wew! Palakas n ng palakas ang ulan at hangin, sana huwag mag brown out, at ayoko ng madilim lalo at may bagyo, himbing na ng tulog ng mga kasama ko, ako ito ay nakikiramdam pa sa paglakas ng bagyo, humahagupit na mag ingat po at mging alerto ang lahat, di bale ng di makatulog ang mahalaga ay ligtas naka alerto sa maaaring mangyari :)

@Jhen28

Energen Choco para sa malamig na panahon. Nararamdaman ko na ang malakas na ulan at hangin, huwag naman sana lumakas ng todo at nakakabahala, hindi naman bahain sa lugar namin pero syempre huwag paka kampante maging alerto tayo kaingay, dapat iready na ang mga alternatibong gamit kong sakali mag brown out. Inum muna tayo ng pampainit pass sa kape kaya energen na lang. Ingats mga ka ingay. Manatiling ligtas ang lahat.

@Jhen28

Makulimlim na araw ng linggo mga ka ingay! Sa mga madadaanan ng bagyo ingat kayo. At sana walang masaktan at mapinsala. At sa mga hindi ingat din po. Sa ngayon wala naman ulan o hangin dito sa lugar namin nananatiling makulimlim lang, may babala na ang NDRRMC na mag ingat kaya mag ingat po ang lahat..sana nga malusaw na lang ang bagyo ng wala ng mapinsala. Kumusta sa lugar nyo noisemates? Happy weekend!! Manatiling ligtas ang lahat!! Ayun lamang po! God bless!!

@Jhen28

Tsarannn.. Ice Cream! Sobrang init yata ngayon tamang tama bumili si hubby nitong ice cream nag crave ata at biglang naisipan bumili sabi nya walang malaki kaya ito daw nabili maliliit lang pwede na yan kako kong walang malaki happy na naman mga bagets. Kumusta kayo guys!? Parang balita kagabi sa tv may bagyo daw o baka hindi lang dito abot himala ngayon araw hindi umulan, pabor naman at naglaba ako kanina siguradong tuyo na mga sampay ko..mamaya na magtupi medyo pagoda pa katawang lupa ko..hihi. relax relax muna tayo...gandang hapon sa lahat!:)

@Jhen28

Thank You! Thank You! Ang babait ninyo thank you! Maraming salamat sainyo noise mate sa mga donations nyo..sinuman nasa likod nito mamats. Huwag sana kayong magsasawang mag donate..hihi. Si Lord na ang bahala sa kabutihan nyo. Pagpalain kayo ni Lord. Happy weekend!

@Jhen28

Hello and hi sa mga mababait at generous users dito thank you sainyo, na appreciate ko talaga to hindi ko inakala na may mag donate grabe nakaka happy makatanggap maliit man sya pero ang saya ko talaga totoo yan..nakangiti talaga ko ng makita ko to.. Anyway happy Lunch time.

@Jhen28

Yong tipong ang lamig na ng panahon dahil maulan buong araw then pagpasok ko sa room naka ON parin yong AC, mga balat nitong mga kasama ko balat kalabaw.🤭 Giniginaw na nga ako sa ibaba walang efan na bukas susme kailangan ko ng makapal na makapal na kumot nito..huhu. Magandang gabi po kaingay! Kumusta naman tuesday? Happy ba? Happy? Sana happy ang lahat. Tambay muna dito habang hindi pa inaantok. Pag inantok tulog na. Good Night.

@Jhen28

Maulan na hapon noise mate! Nakakatamad yong ganitong panahon walang magawa pag ganitong maulan sarap lang humilata o kaya kumain ng kumain ahaha. Sa totoo nyan hindi pa ko nakaligo ang lamig kaya sobra, kaya sa pamaya maya ko nito baka abutin ng gabi ai huwag naman..hihi. Wait ko lang matulog si bunso at ng makaligo na, panay nood na naman colors & numbers ngayon ang pinapanood nya, marami na syang alam sa alphabet, colors and numbers kaya nakakatuwa bilis nya matuto, mainam pala yan sa bata nakakatulong ang channel na yan sa mga toddlers. Anung ganap nyo noise mate? Sarap mag Nap malamig.

@Jhen28

Add a donation address. Anung address ang inilagay nyo kaingay? Nakita ko lang doon sa settings. May inilagay na ba kayo dyan na address? Maganda gabi! Happy monday!

@Jhen28

DUNKIN' DONUTS Bumisita si kapatid na bunso last saturday may pasalubong na dunkin donuts dalawang box yan isang dozena bali ang laman may tatlo pa na natira kaya ito may meryenda ako kami ni bunso ubusin na bago pa abutan ng panis hihi, tubig na lang ang panulak at matamis solb na kami dito, pero parang ang sarap magkape.😁 Gandang hapon noise mate! Maulan ang panahon biglang lakas kaya ang lamig, tipid kunsumo sa kuryente no need gumamit ng efan, sana huwag ng lalakas pa ng sobra at hindi na nakakabuti..hihi. Kumusta panahon dyan sainyo? Ingat kayo ka ingay!

@Jhen28

Mapagpalang araw ng biyernes mga ka ingay. maganda ang sikat ng araw ngayon, yay friday na agad bilis lang lumipas ng araw weekend ulit, kumusta ang umaga nyo? Sana good vibes ang lahat..Lakas maka good vibes sa akin nitong bulaklak ng gumamela pagsilip sa bintana agad kong nakita kaya picture agad..hihi. Iwas muna sa pag iisip ng mga bagay na nakaka stress hindi nakakatulong sa atin yan haha..hayaan natin si stress ang lumayo. Dasal lang din lagi nakakasiguro ko na laging masaya at maganda pakiramdam natin. Medyo na relax ako kahapon sarap sa pakiramdam buong araw ako sa bayan sa mga in law ko..mababait kasi sila kaya saya dun tumambay, hindi lang pwede na lagi dun medyo magastos haha, alam nyo na ibig kong sabihin. Gandang morning! Good vibes lang po tayo!

@Jhen28

Two days ago na pala last update ko dito nakalimutan na mag post. Padaan lang po ang bebeloves ko.

@Jhen28

Magandang gabi po! Pilipinas! Biglang bumuhos ang malakas na ulan, kanina buong araw na mainit ang panahon kaya parang wala sa isip ko na uulan ngayon. Okay din to para malamig matulog at sana tumagal para kahit papanu lumamig ang paligid. Oras na ng hapunan kakatapos ko lang maghugas ng mga pinggan, aga namin kumain walang meryenda maaga nagutom kaya maaga ang hapunan, tamang nood na lang ng news sa tv para updated..happy dinner po sa mga naghahapunan. ingat yong mga nasa labas pa.. Advance goodnight na din sa lahat.. Bukas ulit.😉