Gusto nyo ba ng nakakarefreshing na pagkain na inumin pa? Sa palagay ko magugustuhan mo ito. Narito ang mga sangkap na ating gagamitin.
3 sachet of Milo
1 sachet of unflavored jelly or jelatin
3 tsp of instant coffee
1 can of Angel kremdensada (magkasama na ang evaporated at condensed milk dyan)
2 cups of Small sago
Procedure:
1. Magpakulo ng 4 cups ng tubig sa isang kaserola at hintayin itong kumulo.
2. Kapag kumulo na ilagay ang 1 sachet ng jelatin at haluin.
3. Ihalo din ang 3 tsp ng instant coffee at haluin itong mabuti para hindi magbuo buo. At kapag okay na ay patayin ang apoy sa stove at palamigin ang itinimpla.
4. Kumuha ng panibagong kaserola na may 4 cups na tubig at pakuluin.
5. Kapag kumulo na ito ay ihalo na ang sago takpan ito ng 15mins at buksan at lagyan ito ng 1/4 cup ng asukal para may konting tamis.
6. Kapag luto na ay patayin na ang apoy at takpan ang kaserola para maluto pa ang gitna ng sago.
7. Kapag hindi na masyadong mainit itranfer sa mga microwavable or llanera ang jelly mixture. At hintayin itong mabuo at lumamig. Pwede din ito ilagay sa refrigerator para lumamig kaagad.
8. Kapag buo na ang jelatin ito ay ihawin ng sa katamtamang laki ng pakwadrado sa container. At ilagay sa isang bowl.
9. Kapag natapos na itong hiwain at nailagay na sa bowl, isunod ng ilagay ang Angel kremdensada at ang 3 sachet ng milo. Isama na din ang sago at haluin ito ng mabuti.
10. Itransfer ulit ang milo jelly sa mga container at palamigin ng 5 to 6 hours. At ready to serve na ito.
Happy eating Everyone!
Thank you so much for always supporting my recipes. Hope you like this.
Wow! It looks very delicious! I will try this at home.