Malakas na hangin ulan kulog at kidlat nanaman ang nangyayari ngayong hapon. Nakakatakot nakakabahala dahil sobrang lalakas ng kidlat. Naalala ko tuloy noong nakaraang taon.Halos ilang buwan na walang ulan dahil nga tag init sabik na sabik ang mga tao sa ulan upang mahimasmasan naman sa labis na pagkainit ng panahon. Isang araw umulan ng pagkalakas lakas at ang mga bata mga nanay ay naligo sa ulan andun yung saya at galak. Subalit isang napakalakas na kidlat ang nangyari natutulog ako noon pati ang anak ko na isang taong gulang nagulat at imiyak sa sobrang lakas nh kidlat pati ako na masarap ang tulog napatayo. Pagkatapos ng kidlat na yun maraming sumisigaw sa labas ng bahay namin dahil natamaan ng kidlat ang tatlong mga bata na naliligo sa ulan. Kasama ang kapatid ko sa naliligo at salamat sa Diyos nakatakbo ang kapatid ko, ngunit may tatlong naisugod sa ospital at ang isang bata ay malubaha siya talaga ang napuntirya ng kidlat wala na syang buhay nang itakbo sa ospital. At ang dalawa naman ay kritikal laking pasalamat ng pamilya at hindi grabe ang tama sa kanila. Ngunit ang kaibigan ng kapatid ko ang syang pumanaw na. Sobrang nakakalungkot. Kaya ngayon nakakaranas nanaman ng kidlat hinding hindi ko na talaga pinapalabas ang mga kapatid ko at buong pamilya ko. Sana kildat wag kana kumuha pa ng buhay ng tao.
0
16