"Dear ex"

1 12
Avatar for Jemz
Written by
2 years ago
Sponsors of Jemz
empty
empty
empty

Akala ko ay tulayan na akong nakalimot sa ating nakaraan. Sa sakit na iyong idinulot, sa kabila ng tapat na pagmamahal at pagtitiwala ko sayo,nagawa mo din kaming talikoran. Akala ko wala na akong mararamdaman, sakali mang mag kros ulit ang ating mga landas. Napakatagal na ng tatlong taon, ngunit bakit nagbalik ka pa? Pero alam mo, yung sakit na nararamdaman ko ay hindi na sakit ng panghihinayang, kundi sakit ng tiwala na iyong sinayang.

Bakit nga ba bumalik ka pa? Pero sabagay hindi ko naman pag aari ang buong Leyte para matakot kang bumalik pa. Pero lam mo, kahit kelan hindi ka makakalapit sa anak ko. Hindi ka nya makikilala, at wala ka din namang karapatan na makita siya. Buong buhay nya ako lang ang kikilalanin nyang magulang, dahil para sa kanya patay ka na. Hindi mo naman siya kelangan diba?

Oh nakita ko nga din pala ang bago jowa na taga maynila. Mukha din naman pala siyang probinsyana, maputi nga lang, pero hindi naman lahat Ng maputi maganda. Bitter ba? Hahaha, Naku hindi naman ako bitter, pawang katotohanan lang naman ang aking nabanggit. Balita ko buntis na siya kaya inuwi mo dito sa probinsya, kaya ba nya ang buhay ng walang sagana?

Sabi pala ng nanay mo may gusto ka daw sabihin sakin? Ano naman yun? Sorry? Hindi na, hindi mo na kelangan pang sabihin yan, napatawad na naman kita eh, hindi ko pa nga lang nakakalimutan ang pang goghost mo sakin. Wala na tayong pakialamanan pa, maging responsable ka nalang sa jowa mo na magiging nanay ng anak mo. Wag mo na kaming gulohin pa, para wala na tayong maging problema. Masaya na Ako kasama ng anak sana natin, pero dahil iyong tinakbohan, naging anak ko nalang.

Oo nga pala, dati nung mga dalawang taon palang siya, minsa nababanggit nya ang salitang Papa. Hindi ko nga alam kong saan nya natutunan yun, baka sa mga pinsan nya. Tapos alam mo bang minsan pag naririnig niyang tinatawag ng pinsan nya yung Tito nyang papa, papa na din tawag nya sa tito nya. Medyo masakit yun, kasi feeling ko hinahanap nya ang pagmamahal at pag aaroga ng isang ama, pero wala ka eh. Parang tinutusok ng kutsilyo yung dibdib ko nun, pakiramdam ko kasi naiinggit siya sa mga pinsan nya. Kaya sana sa magiging anak nyo, magpakatatay ka na. Hindi naman deserve ng anak ko na lumaki na walang ama pero hindi ko hinahangad na may isa pang bata ang mawalan ng ama, kaya sana umayos ka na, mahalin at alagaan mo sila.

Salamat nalang sa lahat lahat at pananakit mo. Salamat sa anak kong napakapogi dahil nagmana sakin. Salamat at paalam.

Author's message:

Hello po sa lahat, kumusta po kayo? Ang tagal ko din pong hindi nakapag post sa sobrang busy ko sa trabaho. Laging pagod at wala din akong maisip na isusulat. Ganito pala dito, hindi pala madaling mag isip Ng topic. Kaya sobrang saludo talaga Ako sa mga Araw araw na nakakapagsulat, sana ako din. Sobrang challenging kasi mag English kaya Lalo akong walang maisip, hahaha pero ok lang,laban lang hindi ako susuko.

Maraming salamat po sa magbabasa, ingat po tayong lahat, God bless.

November 27,2021

Lead image source:

3
$ 0.02
$ 0.02 from @Jeansapphire39
Avatar for Jemz
Written by
2 years ago

Comments

Hello po.. Kababalik mo lng pala dito at yes di bsta bsta mkgwa ng everyday article ksi drained na tlga ako sa 3months ko dito hahaha. Bitter din ako sa ex husband ko ksi eresponsable din yun at gusto non happy go lucky lng. Kaya ayw ko syang pnsinin pg nkikita ko sya grrr...

$ 0.00
2 years ago