Mahalaga ka at mahal ka n'ya!

4 13
Avatar for Jemiama24
3 years ago

Kasabay ng pag buhos ng ulan ang pag patak ng luha sa aking mga mata

Di ko na kaya.

Pinipilit ikubli ang mga pagkakamali

Pinilit itago ang mga pag babago

Hindi alam kung kelan nagsimula

Basta bigla nalang lumuha

Bigat na nadarama'y di na makayanan pa.

Kelan ba ito matatapos?

Pag patalim ba'y akin ng naitulos?

Kelan ba ito matatapos?

Pag luha ba'y ubos na?

Kelan ba ito matatapos?

Pag ulan ba'y tumila na?

Kelan ba ito matatapos?

Pag buhay ba'y kinitil na?

Kung ang sagot ay pag tulos ng patalim sa aking dibdib, ay handa na kong itarak ito ng paulit ulit

Kung ang sagot ay pag ka-ubos ng luha, ay handa akong umiyak hanggang sa matuyot itong mga mata

Kung ang sagot ay pag tila ng ulan, handa akong mag dasal araw araw, sumayaw at mag ritwal matigil lang ang bagyong sa aki'y patuloy na nananalanta

Kung ang sagot ay ang pag kitil ng aking buhay, handa akong mamatay ng paulit ulit mapawi lang ang pagod na nadarama

Nakakapagod na.

Gigising kang tulala

Babangon ka para sa wala

Umaga'y tila napakahaba

Liwanag ay nakakasilaw na

Pwede bang langit ay muli ng magdilim?

Ayaw makita itong si haring araw

Tila kaibigan na si luna

Masyado ng mabigat.

Oo alam ko. Di mo na kaya, pagod kana at masyado ng mabigat. Kaibigan, naiintindihan kita

Kung ang lungkot ay sobra na

Yung tipong hindi na maalis pa

Huwag kang mag dalawang isip

Lumapit ka sakan'ya.

Kukunin n'ya ang mga dinadala mo

Pupunasan n'ya ang mga luha mo

Papatilain ang ulan para sayo

Gagamutin n'ya ang mga sugat na sanhi ng pag hihirap mo

Kaya pakiusap, lumaban ka!

Lagi mong tatandaan na ma-

Ma-halaga ka!

Ma-hal ka nya!

Ma-galing ka!

Ma-husay ka!

Ma-tatapos din to!

Ma-kakayanan mo rin to!

Ma-mag paka tatag ka! Dahil,

Ma-magiging masaya kang muli!

Kaya pakiusap,lumaban ka! kumapit ka! at maging malakas ka! dahil may nag ma-mahal sa'yo at higit sa lahat, ma-mahal ka nya!

3
$ 0.00
Avatar for Jemiama24
3 years ago

Comments

Nice

$ 0.00
3 years ago

nangyayari yan sa tunay na buhay, yung sobrang sakit na na parang wala ng katapusan maiisip na lang nila ang wakasan na magpatiwakal na, akala nila yun na yung sagot sa kanilang dinadala. Ang mga negatibong bagay na yun ay bawal isipin man lang dahil napakabigat na kasalanan. Binigay ng Diyos ang ating buhay upang pahalagahan at gamitin ng makabuluhan. Love life😊

$ 0.00
3 years ago

Yes! Keep fighting even the pain is pulling us down. We have a big God that is always here to help us. ❤️

$ 0.00
3 years ago

Good!

$ 0.00
3 years ago