Ikaw si araw at ako si buwan, at ang ating tagpuan ay si dapit hapon.

3 40
Avatar for Jemiama24
4 years ago

Ikaw si araw at ako si buwan, at ang ating tagpuan ay si dapit hapon.

Isa kang tala na pinaka maning ning sa buong kalawan. Ikaw ang liwanag ng aking buhay pag wala ka'y ako'y malumbay.

Ako si buwan na laging nais na nakadikit sayo, eka nga nila, oks lang na masaktan sa init mong taglay makasama ka lang.

Nilikha tayo ng may kapal na mag kahiwalay, pero lagi mong tatandaan, nandito lang ako nag aantay. Kahit sumapit pa ang umaga di ako nawawala, nandito lang ako kay dapit hapon hinihintay ka. Hinihintay ang liwanag mo upang sa dilim ay mag ningning ako. Mag ningning tayong dalawa.

Pero sa di inaasahang pagkakataon, tila nawalan ng gana, na paso sa init mong taglay, nasilaw sa liwanag mong dala. Hanggang sa na tabunan nalang ako ng mga ulap, umiyak ang langit para sa'ting dalawa.

Lumipas ang ilang oras, araw at buwan. Eto nanaman tayo muling pinag tagpo sa tahanan ni dapit hapon. Tila wala ng magawa dahil iyon ang utos ng may likha ang ipakita sa lahat na kahit ang magkalayo ay pinag tatagpo, na ang nasaktan ay nag papatawad, na ang sugat ay gumagaling. At nung araw din nayon tila naging kalmado ang kalangitan, nakiisa ang mundo sa pag mamahalan nating dalawa.

10
$ 0.00

Comments

😍😍😍😍😍

$ 0.00
4 years ago

Love it po. Keet it upp

$ 0.00
4 years ago

Nice 😉 keep it up

$ 0.00
4 years ago