Naging mag girlfriend boyfriend na kami ang saya sa pakiramdam kasi Yong taong naging kasintahan ko ay subrang mahal ako.Hindi ako mawala sa priority niya.Kahit kami na nanliligaw parin sya SA akin.Hatid sundo parin niya ako at pagkatapos date lang kami ng date Ang saya lang ng relasyon namin.
Nang maging kami walang tumotul kahit na mga magulang namin Kasi both sides eh gusto kami para sa isat isa.Yong feeling na suportado kami ng mga magulang namin sa ano mang desisyon na gagawin namin.Pero minsan may mga bagay din kami sa isat Isa na Hindi nagkakaintindihan at minsan ay Hindi kami nag uusap.Hindi Naman maiiwasan na Hindi makaintindihan o mag away minsan umiiral Ang pagiging selosa ko kasi may mga babae nagkakagusto sa kanya.Kailan man Hindi nya ako niloko.Minsan maraming problema kaya umiinit yong ulo kopero buti nalang kasi hindi sya ma pride na lalaki,siya Yong unang kumikibo SA aming dalawa eh minsan nman talaga tayong mga babae e kapag may dalaw mainit ulo,mood swings kumbaga.Kaya Lang Hindi ko sya matiis Hindi ko kayang Hindi makipagbati sa kanya lalo na kapag kinakantahan nya ako.Subra nyang tapat SA akin kahit na may mga magandang babae o sexy na nang hihingi ng number nya Hindi sya nag binigay o Hindi nagpakita ng mutipo para sa ibang babae.
"BUKO"Yan ang lagi nyang kinakanta pag mainit ulo ko SA aming dalawa sya yong malabing mapagkumbaba at ma effort.Masasbi Kong maswerte ako SA kanya ka kasi kahit na girlfriend nya palang ako yong sahod nya binibigay niya sa akin kahit Hindi dapat ayokong tanggapin pero talagang binibigay niya sa ako sabi ko sa sarili ko bakit kaya?SA tagal naming magkarelasyon maraming mga ugali nya Ang nadedescover ko.Sya yong tipo ng isang Husband Material.
Yong pagmamahal nya na binibigay sa akin subra subra.Marami man kaming hindi pagkakaunawaan pero kahit ganun sabi namin sa isat Isa mag aaway lang tayo pero walang hiwalayan kaya masasabi ko sa sarili ko sya na talaga para sa akin.
Hanggang ngayon kami paring dalawa.7years going strong parin kami kahit na ang Covid 19 hindi kami kayang paghiwalayin.Malayo man kami ngayon sa isat isa nananati parin ang pagmamahal tiwala at respito sa isat Isa.Walang connection,babae,pandemia na sisira o makapaghiwalay sa amin tangging dios Lang.
I'm very thankful dahil sya ang naging boyfriend ko.Wala na talaga akong mahihiling pa nasa kanya na talaga ang pinapangarap ko.Sya yong unat huling lalaking iibigin ko.Sana soon nagkita na kami in person hindi puro videocall lang namimis kona sya.
Hanggang dito nalang
See you soon my love😘
Nice story. Nice article. I liked it. Keep it up. You may be a good writer.