Active pa ba kayo sa Facebook? Kasi ako di na talaga at sumisilip lang ako tuwing birthday ng mga pamangkin ko. Sa sobra kung busy di ko na talaga alam ang petsa kaya pag tumatawag mga kapatid ko na birthday ng anak nila eh tsaka lang ako nag oopen hehehe. Dami toxic sa facebook kaya messenger lang ako. Late ako sa mga ganap sa facebook at nauubos oras ko kakascroll don eh wala naman tayong kikitain diba. Sa noise.cash na lang ako magpopost may benipisyo pa.
Minsan na lang ako nagchecheck ng memories ko sa facebook at eto pa nakita ko. Naalala ko tuloy nong naoperahan ako ng dahil sa CYST. Eto lagi kinakain ko na super nutritious talaga, pagkain ng camel hahaha. Yan po ay lettuce, carrots, apples,mangoes at mayonnaise. Napakasarap po niyan at umiiwas na din ako sa mga bawal na pagkain gaya ng manok pero kung bisayang manok ay okay lang.
Di na rin ako masyado kumakain ng barbecue,lechon manok at chickenjoy. Isa kasi yan sa mga cause ng cyst kaya tripleng ingat na ako pagdating sa pagkain. Pag operada ka na di mo na lahat magagawa lalo na ang magbuhat ng mabibigat. Konrolado ko lagi ang lakas na pwede lang kasi sasakit ang opera ko.
Dapat may disiplina tayo sa katawan natin, wag abusuhin kasi tayo rin ang kawawa. Mahal magkasakit at lalo na ngayon na may pandemic. Ang ospital lang ang yayaman sa totoo lang. Kawawa din ang mga mahal natin sa buhay pag naging cancer ang cyst na tumubo sa katawan natin. Walang pinipili yan kasi pwede din yan sa mga lalaki.
Di ko talaga inakala na magkakaroon ako non ng cyst sa right breast ko na sa lower part. Bawal na din ako magbreasfeed kasi nagka infection ako last year of November so nag bottlefeed na lang si bb kulot. Sayang gatas ko non at ang dami talaga. Na ospital kaya ako, kasi ang sakit talaga at may lumabas na fluids or nana siya. Apat na araw din ako na confine sa ospital at dinala ko si bb kulot don. Kala tuloy ng mga nurses ang baby daw ang pasyente hehehe.
Kaya kung may nararamdaman kayong bukol sa katawan mas maiging magpa check up agad kayo. Lalo na kung masakit siya at para maagpan din at di lumala. Masarap po mabuhay sa mundo at lalo na pag may pamilya na tayo. Ayaw natin silang iwanan basta basta diba. Kaya mag ingat po lagi at panatilihing malusog ang katawan. Wag balewalain ang nararamdaman sa katawan.
Mahalin po natin ang sarili nating katawan at tiyak mkakaiwas po tayo sa mga sakit na makukuha natin. Salamat po sa inyong lahat at ingat kayo lagi.
November 19,2021 Friday
9:49pm
Philippines
The fighter mom,
Jeansapphire39
Truth sis our health is our wealth talaga,kaya pag may nararamdaman pacheck up talaga,para maagapan pa,dahil sayang ang buhay Kung pababayaan lng.