Dati, noong nagtatrabaho pa ako sa 7/11 masaya nako sa mamabang sahod ko pero syempre hindi pa rin sapat at naghangad ako ng mas malaki. Kaya lumipat ako sa jollibee, lumaki naman kahit papaano ang sahod ko compared sa 7/11. Pero alam mo yung pakiramdam na, oo, masaya ako, pero hindi pagiging masaya ang pinunta ko sa isang trabaho, kundi ay para magkapera, matulungan sina mama at matustusan ang pag-aaral ko dati. Edi pagkatapos ko duon , nagcall center ako. Natuwa ako kase nakapasa ako, tapos yung training na 2months malaki na ang bayad, tapos nakaupo lang kami at nakikinig sa trainor. So noong nasa production na kami, nakikipag-usap na sa mga customers, ilang months din akong nagtagal duon, nagsawa ako. Bakit? Oo, mataas ang sahod, madaming incentives at minsan may libreng pagkain dahil sa mga events at may mga regalo at tshirt din. Pero hindi ako naging masaya. Nastress ako, muntikan madepress kase hindi ko kinaya ang prrssure sa call center, yung mumurahin ka ng customer tapos ibibigay mo ang best mo para matulungan siya pero , iiskoran ang service mo ng zero or low score. Ang mangyayare, wala kang incentives, apektado ang team at pwedeng hindi din sila makakuha ng incentives at ako ang masisisi. Tapos sabay pa ang masesermon pa sa TL at sa Operation manager. At bababa din ang standing ng buong cluster dahil sa mga low scores na natatanggap ko o natatanggap namin. Hindi naman kase talaga maiiwasan yun kahit gawin mo pa ang best mo. So ang ginawa ko, nagresign nalang ako. Naging payapa na ang buhay ko, gusto ko sa susunod na work ko, saktong sahod lang. Hindi mababa at hindi rin mataas pero masaya ako at nag-eenjoy ako. Yun naman talaga ang kayamanan natin diba? A peaceful mind leads to a happy life 🥰 kuntento nako, kung hindi man ako yumaman atleast hindi nagkakasakit at may masayang buhay at walang alalahanin. 🥰😊
0
48