Moles will make you rich
Naniniwala ba kayo sa swerte?
Ako, oo. Naniniwala ako. Pero mas naniniwala ako sa sipag at tiyaga, samahan mo pa ng tamang diskarte sa buhay.
Sabi nila, kapag may nunal ka daw sa kanang kamay, swerte ka. Madali lang ang pera sayo, madali kang yumaman at hindi mo daw poproblemahin ang pera.
Para sa akin, hindi naman masamang maniwala. Kung ang paniniwala mo ay sasamahan mo ng pagpupursigi sa buhay. Ika nga "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa." Naniniwala ka nga na yayaman ka sa nunal mo sa palad, pero tamad ka naman. Nonsense din.
Ako? Ang nunal na nasa kamay ko ay nagsisilbing inspirasyon para sa akin. Baket? Kase kada nakikita ko to, naiisip ko na aasenso kami sa buhay. Naniniwala ako na swerte ito kaya ang ginagawa ko ay nagsusumikap ako sa buhay. Trabaho dito, sideline duon. Basta lahat ng puwedeng pagkakitaan papasukin ko. Lahat naman ng yumaman nagsimula sa pinakababa diba? Sa tuwing nahihirapan ako, napapatingin ako sa palad ko ba may nunal at napapasabing, "pagsubok lang ito, malalampasan ko rin 'to para sa pamilya ko".
Hindi tayo aasenso sa puro pangarap lang. kKailangan natin ng gawa. Kaya ikaw? Tama na kaka-ml mo hahahhaa mag-aral ka ng mabuti. Kubg tapos kana mag-aral, wag ka tamarin pumasok sa trabaho. Kase para sa atin din yan at sa pamilya naten. Wala namang instant millionaire. Kailangan nating magbanat ng buto. At alam mo ba kung ano ang sikreto sa tagumpay? Ang pagiging mapagkumbaba at masayahin. At syempre ang pagiging mabuti. Kapag meron ka nyan, napakagaan ng buhay.
Sabi nga ni Tinay sa my little nanay, "dapat happy langgggg." Kaya alam mo na ang gagawin mo ha? Hihi k.bye ๐คฃ
Ang Makabagong Kuwento ni Tipaklong at ni Langgam
Disclaimer: Ito ay gawa ng aking kaibigan. Naaliw ako kaya inilagay ko siya dito para maibahagi rin sainyo. Kung susuriin, nangyayari ito sa kasalukuyang buhay natin ngayon. Enjoy reading ๐ฅฐ
Alam niyo ba yung kwento ni TIPAKLONG AT LANGGAM? Alam Kong alam nyo na iyon, luma na Yun e, meron ng bago. ๐
Narrator: Isang umaga, habang nagbubungkal ng lupa si langgam upang taniman ito ng palay ay taas noong dumaan si TIPAKLONG sa kanyang harapan.
TIPAKLONG: oh, langgam, bakit ang aga-aga nagbubungkal ka kaagad diyan ng lupa.
LANGGAM: kasi kailangan ko ng ma kapag tanim ng palay at upang may makain ang aking mga anak sa pagdating ng tag tuyot.
TIPAKLONG: Ang hina hina mo kasi langgam eh, sinabihan na kitang mag apply ka sa Dswd para maging benefitiary ng 4ps ang mga anak mo e.
LANGGAM: Pumunta na sa bahay namin yung validator ng 4ps at na interview na ako, Syempre hindi ko naman pwede e asa yung lahat ng pangangailangan namin doon,
TIPAKLONG : tingnan mo ko, naghihintay lang ako ng pera na ma kukuha ko sa 4ps, ganda ganda ng buhay namin ng mga anak ko, bahala na ang gobyerno magpakain sa amin.
NARRATOR: makalipas ang tatlong buwan ay masaganang nag ani si langgam ng kanyang tinanim na palay, ang Iba ay benenta nya at ang Iba naman ay pinakiskis nya na maging bigas at tinago sa kanyang kamalig upang reserbang pagkain nilang mag anak sa tag tuyot. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari hindi lang pala tag tuyot ang tatama sa kumunidad nila Kundi isang salot na sakit. Maraming nagka sakit nito at namatay, halos lahat ng kanilang mga ka URI ay nasa loob lamang ng kanya kanya nilang bahay at pinag babawalang lumabas, na bahala si langgam baka hindi sapat ang naimpok nyang bigas para sa kanilang mag-anak, kaya ang ginawa nya ay pinulong nya ang kanyang limang anak.
LANGGAM: Mga anak, alam nyo ba Kung ano ang dinaranas natin ngayon na kapighatian, nais ko lamang na hilingin sa inyo na wag kayong magsasayang ng pagkain at matutung magtipid.
Narrator: tumango lamang ang limang anak ni langgam, at kahit na meron silang naimpok na pagkain, nagtatanim parin sila ng mga Iba pang halamang ugat sa kanilang bakuran. Ilang buwan na ang lumipas, ang salot na sakit ay ma's lalong lumala at lumaganap pa sa karatig baryo nila. Kamusta kaya si TIPAKLONG? Tanong ni langgam sa kanyang sarili, mayamaya'y may narinig si langgam ng isang maliit na tinig, sinilip nya ito sa maliit na butas ng kanyang bintana, laking gulat nya na makita nya si TIPAKLONG.
LANGGAM: oh, TIPAKLONG Kamusta kana, at bakit ka napadalaw?
TIPAKLONG : (umiiyak), langgam, hindi nako magpapaligoy ligoy pa, kakapalan ko na ang aking mukha, pwede mo ba ako mapahiram ng kahit kunting pera, naubos na kasi namin ang nakuha namin sa 4p's, yung bunso ko ay hinihika, kailangan namin syang madala sa ospital.
LANGGAM: (kumuha ng isang libo sa kanyang bulsa) pagpasensyahan mo na yan lang ang aking maitutulong ko sayo ah.
TIPAKLONG: maraming Salamat langgam, babayaran kita pag kami ay nakaraos na.
Panuto: Bigyan ng isang magandang katapusan o ending ang kwento ni TIPAKLONG AT LANGGAM, E komento lamang ito sa ibaba๐
Gabi ng Lagim
Disclaimer: Isa itong malayang tula. Walang sukat at tugma. Isinulat ko ito noong panahon na di ako makatulog sa kakaisip sa mga bagay-bagay. At lagi nalang binabangungot sa sa sobrang pag-iisip. Sana ay maenjoy ninyo. Di ko na rin po inedit. Salamat ๐
Nakakatakot, nakakalungkot.
Gusto kong maramdaman ang mga magagandang panaginip ngunit bawal,
Lungkot ang nadarama sa tuwing makakasama na kita,
Nakakabinging katahimikan kapag anjan kana.
Nababahala't natataranta kapag oras mo na,
Gabi ng Lagim anjan na siya.
Kapaligiran, puso't utak ko'y binabalot mo nang dilim.
Ginawa na lahat para ika'y maiwasan,
Ginawa ko na lahat para hindi kana masulyapan,
Ginawa ko na lahat para aking tulog ay maging mahimbing.
Ngunit wala na siguro akong magagawa, pumasok kana sa aking mundo,
Pumasok kana sa aking sistema.
Sa tuwing darating na ang oras mo,
Pinipilit kong iwasan na ika'y makasama,
Pinipilit kong pinipikit ang aking mga mata,
Ngunit duon ka ata masaya,
Kapag dilat ang aking mata.
Kapag anjan kana,
Para bang 'di nako makahinga,
Lahat ng sakit iyong pinapadama,
Lahat ng sakit ng kahapon ay iyong binabalik pa.
Heto ako ngayon,
Wala nang magagawa,
Dahil sayo'y nakadikit na.
I don't know that my sister is depressed
Hello! I want to start this story to Greet all of you and I want to say take care of your health and always pray and have a good day everyday. ๐ฅฐ
Last week, I invited my sister to write some stories or articles here in read.cash so she can have some money to provide or to spend in her education.
Me and my sister are so closed. We are often sharing each others problems and advices each other. Specially when we have a night talks, we have a special moment to bond with. That's why I know all of her friends and problems. But I was wrong. One thing that she didn't mentioned is that she's having anxiety and she didn't know that she's depressed already.
So when she writes her first article here, I immediately read it, I thought it's only a story of wattpad because of the interesting title. She didn't know that I read it and she also don't know that I know her username here. I saw her username thru her phone and I search it so I will support her articles here but she don't want to.
She writes in her article that she was so stressed. That sometimes she's hurting herself physically so she will feel a pain because her mind was already tortured by her emotional stressed. She's also not getting a nice sleeping, she will sleep by 2am or 3am. I thought because of the phone that's why she's not sleeping early, but no! I was wrong. She's only entertaining herself by her phone so all of the problems she's facing will suddenly remove to her memory. And sometimes, she's crying silently, that's why sge have this sore eyes every morning. We thought it's because she's not getting enough sleep that's why her eyes are sore.
After I read her article, all that happened came back to me. That she have this scratches in her arms, she's saying that she's having allergies but no. She's doing it intentionally to she will feel some physical pain. And sometimes we hear a bang on a wall and she would say that she'd banged her head unintentional because she didn't saw it when she will lie down on her bed. But what? She's doing it, intentionally.
Based on her article, she always says that she's not depressed she's only stressed because of the modules. But no! She's getting an anxiety and depression and she's unaware. How would I know? Because I've been in her shoe before! I got depressed, I did everything so I won't feel the pain in my heart and in my mind. I hurt myself and also I tried to do a suicide but it was all failed. Thanks to God I am alive right now. While writing this, I know the purpose why God didn't let me die. Because he want me to guide my sister so she won't walk in my path like before. And my other friends too. They got depressed but I am their listener anf advicer that's why they are doing good now.
Hopefully my sister will surpass this test. Until now, I don't want to mention to her that I already read her article. And I will just observe now and guide her secretly without her knowing that I already know her secret. I will give her freedom here to write all she wants. I will just observe silently. And I don't want her to feel that she's alone. Let me do my own tricks here so her life will not be miserable as mine. I will save her and walk her to God so she will surrender her worries and will love God forever.
Kwentong Pusa
Iba't ibang uri ng pusa.
Kung may alaga kang pusa, sigurado akong makakarelate ka dito. ๐
Pusang tahimik - ito yung pusa na bibihira mo lang marinig umiyak. Yung tipong di mo alam na nasa tabi mo na pala siya or naapakan mo o nadaganan, di man yan iiyak. Maririnig mo lang yan umiyak kapag sobrang gutom na at pikon na pikon na siya sa paglalato mo sakanya. May pusa kaming ganito, ang pangalan ay PUPIN (puspin dapat yan dahil pusang pinoy, kaso hirap kami sa S. Kaya pupin nalang hahaha)
Pusang Sindikato - ito yung pusang anak ng anak. Ngiyaw dito, landi duon. Bibihira mo lang itong makita sa bahay dahil nga laging nakikipaglampungan sa mga lalaking pusa. At kapag sa hapag kainan, number 1 sa pagnanakaw ng ulam. Malandi na nga , magnanakaw pa. Hmp! ๐คฃ . May pusa kaming ganito, ang pangalan ay LULU.
Pusang Pasipsip - kung sa tao may mga pasipsip, aba'y syempre! Meron din sa mga pusa! Ito yung pusa na kapag kakain na, magpapakandong sayo at sobrang tahimik. Magagawa mo lahat ng gusto mong gawin sakanya, halikan, haplusin, buhatin at ihug. Basta ba, pagkatapos mong gawin yun e, bigyan mo siya ng makakain. Hahaha . Ang ganitong pusa namin ay pangalanan nalang natin na LUNA, kakambal siya ni LULU, kung si lulu ay haliparot pero panget. Ito namang si Luna ay mahinhin, malambing at dalagang Pilipina este pusang pilipina hahahaha
Pusang Iyakin - ito yung pusang di ka lang makita o maamoy , ngaw-ngaw ng ngawngaw. Yung tipong gustong-gusto mo nalang siyang ibalibag sa sobrang ingay niya. Lalo na sa madaling araw. Iyak ng iyak at mangangagat pa yan kase gustong lumabas sa kwarto okaya ay gustong magpalambing sayo. Ang ganitong pusa namin, sarap itapon e hahaha ang pangalan ay LUNOX, ipinangalan sa character ng mobile legends. HAHAHA
Pusang Ligawin - hindi ito yung tipo ng pusa na laging nililigawan ha? Ligawin, baket? Kase siya yung tipo ng pusa na laging naliligaw HAHAHA Paano ba naman, pupunta lang kami sa likod ng aming bahay at sasama siya, tapos iiyak ng pagkalakas-lakas. Feeling niya nawawala siya kaya ang ending magmamadali kami sa pagdidilig ng halaman at bubuhatin namin siya papasok sa loob ng bahay. Kapag ito ay nakakalabas na ng bahay, naku po! Siguraduhin mong, makakarinig ka ng malakas na iyak dahil sa akala niya siya ay naliligaw kaya magmamadali kang lumabas para kargahin lang siya hahaha . Ang pangalan nito ay PUTOT, putot dahil putol ang kanyang buntot, hindi na tumubo saka ang kapampangan ng PUTOL ay PUTOT.
Oh? Heto na ang huli. May idadagdag ka pa ba sa mga pusang yan? Ikaw? Anong kwentong pusa mo? Hihi
Kwentong Kamote
Ang kamote ay parang buhay natin.
Hindi ito yung parang mga rider o driver. Kapag walang masiyadong alam sa daan, tatawaging kamote rider/driver.
Kaway-kaway jan sa mga may tanim na kamoteee! Awoohh! Haha
Kung napapansin ninyo, habang tinatalbos mo ang kamote lalong lumalabong diba?
Kagaya yan ng buhay natin, habang mas hinahasa ka ng buhay, mas lumalabong ang ating kaalaman.
Isang araw, kinain ng mga kambing ang mga tanim kong kamote, sobrang labong na nun. Kaso hayun nakalbo, nasira nila yung ginawa kong bakod na gawa sa stick ng talahib. Ilang beses nagkakadahon pero laging sinisira at kinakain ng kambing hanggang sa natutuyo na at napagod na rin akong magdilig at pinabayaan ko na. Pero mga nakaraang araw, inayos ko na rin naman yung bakod at dinidiligan ulit, at hayun, nabuhay ulit sila.
Ganyan din tayo, parang kamote. Madalas dumating ang mga pagsubok sa buhay natin, may maninira sa atin, mga pinag-ipunan o pinaghirapan natin pwedeng mawala, iyong trabaho natin pwede ding mawala kahit na sobrang tagal mo na at umasenso kana duon.
Dahil walang permanente sa mundo, balang araw sisibakin ka sa trabaho dahil mahina na ang kitaan okaya ay kailangan mo ng umalis dahil matanda kana at may nakita na mas bata. Yang mga negosyo, pwedeng malugi dahil di naman araw-araw ay malakas ang bentahan jan. Yang mga bahay, lupa, kotse o anu man naipundar mo, pwedeng mawala yan kung may magkasakit sainyo or magkasakit ka at kailangan niyo ng malaking halaga.
Pero alam niyo? Kagaya ng kamote na kahit na maubos ang lahat ng dahon niyan ay laging magsisimula sa umpisa, diligan mo lang at tutubo ulit yab. Kagaya natin na tao, mawala man ang lahat-lahat, wag tayong mawalan ng pag-asa dahil sa lahat ng pagbagsak ay may matututunan tayo at babangon tayo. Sa lahat ng pagbagsak, makakapagsimula tayong muli.
Iyong bakod ay sumisimbulo din ng ating katatagan, kung mahina ka, madali kang masisiraan ng iba at ikaw din ang kawawa sa bandang huli. Pero wag kang mag-alala, manalig ka sa Diyos dahil igagawa ka niya ng sarili mong bakod na wala ng makakatibag o makakasira sayo at syempre kailangan mo ring tulungan ang iyong sarili. Ika nga "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."
Sa lahat ng pagsubok, wag kang sumuko, kung paulit-ulit kang bumabagsak at sinsisiraan, wag kang magsawang bumangon dahil habang may buhay may pag-asa. Kagaya ng kamote na namumunga kapag tumagal, lahat ng paghihirap mo lahat ay matutumbasan ng saya at ginhawa. Kaya tara! Lagi na nating diligan ang ating kamote, patatagin ang bakod natin at ng madami tayong uulamin na talbos at makakain na bunga ng kamote. Oppsss! Wag magpasobraaaa, baka kapag ika'y mautot. ๐
Motorsiklo
Kanina habang naghihintay kame na maluto yung pizza, ang daming dumadaan na sasakyan at napatingin ako sa motor namin, luma na pala, ang dami ng kalawang noong tambutso at sa makina. Kailangan ng palitan o pinturahan.
Napaisip ako at parang naiugnay ko sa buhay natin. Kagaya nalang ng mga mag-jowa o mag-asawa.
Ang motorsiklo para sa mga normal na tao ay pangservice, pangnegosyo. Malaking tulong sa atin ang mga sasakyan, tipid sa oras sa byahe at pamasahe pero sakit sa ulo kapag nasira at nadisgrasya.
Sa mga riders naman, ang motorsiklo ay parang jowa na daw nila. Kaya sobra nila itong inaalagaan at iniingatan. Ayaw nga magasgasan at laging pinapaliguan at pinapaganda e. Haha
Sa buhay, di naman natin maiiwasan na, masira ang motorsiklo, minahal natin sila, inalagaan kase kailangan natin sila sa buhay natin lalo na kung nagnenegosyo ka or pinagseservice mo nga. Kapag ba nasira kailangan na nating bumili ng bagong masasakyan? Parang sa jowa o asawa, kapag ba sira na ang relasyon ninyo, kailangan na bang palitan agad at maghanap kana ng bago? Hindi diba? Kailangan muna natin, malaman kung anong sira ng motor, para maayos ito. Kagaya sa relasyon, kailangan muna nating pag-usapan kung ano ang pagkukulang ng bawat isa, kung bakit nasisira na ito. Para malaman natin kung paano ito ayusin.
Yung mga rider jan, sobrang alaga mga motor nila, pero papalitan na kapag may mga sira na kahit gasgas lang or pinagsawaan na at may bagong labas na motor.
Parang sa buhay natin yan, kapag ba luma na, kailangan ng palitan at maghanap ng bago at mas maganda? Paano naman ang inalagaan mo ng ilang taon? Minahal mo din naman diba? Kung naluma na ang motor, pwede naman yang pagandahin ulit e, bili ka ng ibang parts kung gumagana pa naman ng maayos ang makina, hindi naman kailangang palitan kase nagsawa kana. Isipin mo yung nilaan mong oras jan at mga memories na kasama ang motor mo diba?
Kung mahalaga sayo ang isang bagay, hindi mo agad ito maipagpapalit ng bago. Kagaya ng kahalagahan ng jowa o asawa mo sayo. Madami na kayong pinagdaanan, tao tayo na tumatanda. Kung pumapanget man siya dahil sa katandaan, pwede mo naman siya pagandahin kagaya ng pag-mmake up mo sakanya okaya ituring mo ulit siya na siya ang mundo mo. Pasayahin mo siya, kase kapag masaya ang isang tao, gumaganda ito.
Trabaho
Dati, noong nagtatrabaho pa ako sa 7/11 masaya nako sa mamabang sahod ko pero syempre hindi pa rin sapat at naghangad ako ng mas malaki. Kaya lumipat ako sa jollibee, lumaki naman kahit papaano ang sahod ko compared sa 7/11. Pero alam mo yung pakiramdam na, oo, masaya ako, pero hindi pagiging masaya ang pinunta ko sa isang trabaho, kundi ay para magkapera, matulungan sina mama at matustusan ang pag-aaral ko dati. Edi pagkatapos ko duon , nagcall center ako. Natuwa ako kase nakapasa ako, tapos yung training na 2months malaki na ang bayad, tapos nakaupo lang kami at nakikinig sa trainor. So noong nasa production na kami, nakikipag-usap na sa mga customers, ilang months din akong nagtagal duon, nagsawa ako. Bakit? Oo, mataas ang sahod, madaming incentives at minsan may libreng pagkain dahil sa mga events at may mga regalo at tshirt din. Pero hindi ako naging masaya. Nastress ako, muntikan madepress kase hindi ko kinaya ang prrssure sa call center, yung mumurahin ka ng customer tapos ibibigay mo ang best mo para matulungan siya pero , iiskoran ang service mo ng zero or low score. Ang mangyayare, wala kang incentives, apektado ang team at pwedeng hindi din sila makakuha ng incentives at ako ang masisisi. Tapos sabay pa ang masesermon pa sa TL at sa Operation manager. At bababa din ang standing ng buong cluster dahil sa mga low scores na natatanggap ko o natatanggap namin. Hindi naman kase talaga maiiwasan yun kahit gawin mo pa ang best mo. So ang ginawa ko, nagresign nalang ako. Naging payapa na ang buhay ko, gusto ko sa susunod na work ko, saktong sahod lang. Hindi mababa at hindi rin mataas pero masaya ako at nag-eenjoy ako. Yun naman talaga ang kayamanan natin diba? A peaceful mind leads to a happy life ๐ฅฐ kuntento nako, kung hindi man ako yumaman atleast hindi nagkakasakit at may masayang buhay at walang alalahanin. ๐ฅฐ๐
Minsan ang sarap magpost dito kase nailalabas mo ang mga gusto mong sabihin. Pero madalas nakakainip rin e no? Kase wala ka man nakakausap dito. Tamang share ka lang sa experience mo. Oo, nakakakuha nga ng pera pero parang walang masyadong interaction, feeling ko tuloy walang nakakaappreciate sa mga gawa ko. Robot lang ang nakakaappreciate saken haha
Teacher
Lahat naman siguro tayo ay may karanasan sa isang guro? Matatandaan natin yung mga istrikto, masungit, hindi nagtuturo, mababait at nagbigay ng motivation at inspiration sa atin no?
Madami akong guro na tandang-tanda ko ang mga pangalan.
Si Miss Guiao, na sobrang sungit at pinahiya ako sa buong school.
Si Miss de Leon, na kung magturo ay parang lasing, kaya wala kaming naiintindihan hahahah
Si Mr. Ibaรฑez na sobrang sungit pero mabait, sakanya ako natuto sa math at dahil sakanya, minahal ko ang math.
Si Mr. Punzalan na mabait din pero may paborito. Hayy kahit anong effort ang gawin mo di niya mapapansin. Biruin mo lang ha, panay ako nagrerecitation, matataas lagi ang mga quizzes ko duon sa favorite niya pero mas mababa ang grade ko hayy
Si Mr. Alcarioto, isa sa mga paborito ko, laging nakasmile tapos kapag p.e time na, tutok na tutok talaga siya. Eh noong high school ako, gustong gusto ko naglalaro e hahaha at dahil sakanya, nawala ang bilbil ko.
Si Mr. Bingcang, crush ng buong campus haha paano ba naman, maliban sa maapil, macho, pogi at mabait. Sobrang husay din niyang magturo. Wala man siyang dalang kahit anong papel o libro. Pero kabisado niya ang ituturo niya, madami din siyang naiambag sa school. At daig pa ang principal sa pagpplano, kaso dahil nga hindi siya kurakot at maganda ang plano niya sa school, hayun, medyo di siya bati ng ibang faculty member kase favorite siya ng mga estudyante, parang barkada na nga niya e.
Si Miss Lesley, sobrang bait din nun, hindi nambabagsak. Duon ako natuto sa i.c.t. paano ba naman na hindi ako matututo, eh sariling sikap ang ginagawa namin? Lagi siyang wala, kung anjan man, uupo lang at magbibigay ng mga babasahin at bahala nakaming magkalkal sa computer. Siling grade din ito e. Pero mabait naman haha
Si Mr. Gantan, isa sa mga the best teacher talaga ito e. Okay naman siya sa pagtuturo. Pineprepare nya din kame para sa college. More on music siya, kase di daw siya talaga marunong sa p.e, kaya wala man kame masyadong exercise nuon at mga palaro. Pero ito yung teacher na kada salita niya, tagos sa puso mo. Maka-Diyos din siya at sobrang galing maggitara at magpiano. Wala din dalang kahit anong libro o kodiko ito kapag nagtuturo siya, pero alam niya ang kanyang ituturo. Pero more on life lessons talaga ang tinuturo niya. Ngayong di nako nag-aaral duon ko naappreciate ng sobra ang mga sinasabi niya dati. Na importante ang pag-aaral ang academic, pero mas importante ang marunong tayo sa buhay. Maclose siya sa mga estudyante niya at laging nakikipagbonding gamit ang pagkanta at tugtog, kumbaga jaming. Tapos lagi niyang pinaparealize ang mga pagkakamali natin sa buhay at ang mga dapat nating iappreciate.
Si Miss Nicdao (hs teacher ko, chubby) sobrang bait at sobrang istrikto at prangka rin. Siya yung teacher na, nagpamulat sakin na ang ganda pala ng Filipino subject. Na ang sarap palang magbasa, na gumawa ng tula. Naluluha ako ngayon habang sinusulat to, kase wala na siya. Namatay siya year 2019, nagkasakit dahil sa sobrang katabaan niya. Pero kahit mataba siya, mataba din ang puso niya. Kapag may training kame sa journalism nun, kahit wala na siyang pera, papabilhan kame ng miryenda at tutukan kame ng sobra. Maliban sa pagiging teacher niya, naging kaibigan din namin siya. Hindi man ako nahing close sakanya, pero sobrang kong naappreciate ang mga sinabi at mga ginawa niya dati.
Heto ang pinakahuli, si Miss Nicdao the second (college teacher, sexy) isa din siya sa mga best teacher ko. Sobrang bait at ang galing magturo sa math. Yung tipong sobrang complicated ng math pero pinapadali niya lang. Pero alam mo kung bakit mas nagustuhan ko ang teacher na ito at hindi ko malimutan? Kase siya lang yung natatanging teacher ko na, kinausap ako sa walang tao na room at tinanong kung kamusta ako at kung okay lang daw ba ako? Simpleng pangangamusta lang, pero nakakatouch ng sobra. Kinausap niya nun ako kase di ako pumapasok, palagi akong absent. That time kase depressed ako kaya di ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Ilang ulit niya akong binigyan ng chance. Pero inabuso ko. Iniisip ko nga kung naaalala pa niya kaya ako? Gusto ko nga siyang kamustahin pero nahihiya ako, kase ang laki ng kasalanan ko sakanya. Sobrang mahal ko yun kahit na (baka) hindi na niya ako maalala.
Madami pa din akong teacher na hindi nabanggit pero sila kase talaga ang pinakatumatak sa isip ko at pumukaw ng atensyon ko at nagmarka sa puso ko.
Kayo ba? Anu-anong mga karanasan ninyo sa mga teachers ninyo? At sinu-sino ang mga naging paborito at kinaiinisan ninyo? ๐คญ๐
Pancake
When I was a highschool student, I only have 20 pesos for my recess. So I was always buying, 1 pancake worth 5 pesos, 10 pesos kwek-kwek (quail egg with flour that is deep fried) and 5 peso buko juice. Sometimes I will just buy 1 pancake and a buko juice and the 10peso, I will keep it. Because I know, one of the days, my mom can't give me money for my expenses in school and other stuff , atleast I can help her by saving some money from my meal.
We are not rich nor poor, we are an average earner family. But way back then , my mom have a lots of loans and my dad for a tear or 2 don't have a job because he was only a on-call house painter. We are 4. And we are all studying. My 2 brothers are in college, my younger sister is in elementary and I am 2nd year high school student. That's why we really struggle in life.
Since the pancake saves me everyday to not be hungry at school and I was also closed to the vendor I asked her how to make a pancake what are the ingredients. Then, she taught me.
After a week, I told my mom that I want to make a pancake because it is delicious and in just 1/4kg. of flour and just 1 egg we made more pancake. So my mom had an idea, why not to sell a pancake? Atleast there will be an extra income.
By monday, my mom, bought 1kg of flour and only 4 eggs, and we have a stock of sugar and milk in our house so we made a pancake to sell it to the school. Btw. She is a elementary teacher but they are underpaid and also she's earning only 2k-4k pesos because she have alot of loans because of us. That loans are because of my late younger sister. That's why until now she's paying it. But going back , haha so after that she also sell some juice. But the juice and the pancake didn't clicked or still have a lot of left over. But still my mom, wakes up early by 3am or 4am to make some pancake and juice, I also helped her because sometimes she was getting late because of cooking too much pancake. And after tge 3rd day of selling, most of the students loves the pancake and some juice. So the money has doubled and we have some money to for our everyday living. And she did it for a month also she also sell some candies and chocolates that worth 1 peso each.
But after a month , the principal told her that she should stop selling instead, the whole school will make a canteen so the earnings will go to the school. My mom, was so sad that time because she don't have enough money for our everyday expenses and her earnings, she's recieving it monthly. That's why she starts to borrow some money again for her co-teachers and we have a loan in some sari-sari store.
But no worries, today? We don't have some loans in sari-sari store, and my mom wasn't borrowing some money anymore, though she still have some depts/loans to pay because of the death of my late sister , but my dad and my older brother supports us for our everyday living/expenses.
Back then, we struggle so much in our past life but we never give up , until now, we are still striving for a better life.
Hopefully, you enjoyed this story of our life. The pancake story. ๐
Tinapang Bangus
Grabe! Ang sarap ng ulam namin ngayon! Simula bata ako di ko pa ito natitikman. Kase nga nagtitipid kame kase mahal ang tinapang bangus.
Hindi ko sukat akalain na sobrang lambot at linamnam pala ng tinapang bangus, sa kada subo at nguya mo mapapapikit ka sa sobrang sarap. Isabay mo pa ang maanghang na sawsawsan toyo at kalamansi syempre, pwede rin ang bagoong alamang at suka okay ay suka at asin na may sili.
Noong piniprito ko kanina ang sakit, kase grabe ang pagtalsik ng mantika pero noong luto na, sawakas! Makakaganti na rin ako! Yiipii! Kumuha nako ng isang platong kanin na bagong saing. Wow! Sobrang init at lambot! Sakto, gutom na gutom ako. Edi heto na. Nilapag ko na ang kanin at yung tinapang bangus, agad kong kinuha yung bandang tiyan at ginawa ang paborito kong sawsawan na toyo, suka at sili.
Ang ginawa ko, kumuha ako sa part ng tiyan sabay sawsaw sa sawsawan at lagay sa kanin na mainit. At sinubo ito ng pagkasarap-sarap ๐ฅฐ๐๐ Alam mo yung feeling na napapa-MMMM ka at pikit-pikit at gusto mong kumanta sa sobrang sarap, ang lambot ng laman, malinamnam at sumasabay ang alat, asim at anghang ng sawsawan. Kakaibang lasa na matitikman mo. Sa sobrang sarap napa-extra rice pa ko. Kaya heto ako ngayon, bondat na. Kahit gusto ko pa, kailangan magtira para sa pamilya na susunod pang kakain.
Kayo? Anong ulam nyo?
Noise.cash made me sick
2 months ago, I found this wonderful website that can give you a free BCH for free. All you have to do is post something meaningful or "quality content" they say.
For the past 2 months, I am so happy to earn in that website because I can say what I want to say. I can feel the freedom. When I am sad, frustrated or happy, I can share it someone. I can talk freely to the strangers without judging me and also while enjoying in the website I am earning.
Everyday, I always follows the rules of noise.cash, I didn't violate any of the rules so I won't ve marked as spam because the money that I am earning there is so precious to me. I can use the money in the future, especially for my education.
But suddenly, this day, noise.cash made me broken.
For a month, I accepted that I only get a few tips from the website. It is okay for me because atleast I am still getting tips and my friends/strangers are giving me also.
But now? I am marked as spam. I don't know if someone marked me as spam or noise.cash made a mistake.
I am so sad, I can't sleep because of what happened. I always make sure that I am following the rules.
Hopefully, whoever the admin of noise.cash, will review my account. Because I need that website for a part-time job for my education. If I have a job, I will not brag about what happened, but no. It's so hard to get job because of pandemic and noise.cash is my only hope to survive.
I am so stressed and frustrated and I didn't do anything wrong. Atleast if I am marked as spam they can state what is the reason why I marked as spam, right?
But the thing is, they already marked me spam without a reason. What the fff?!
Ughhh! I am hoping that the website will improve and detect the real spammers. ๐ฅ๐ฅบ
Ayuda
Napakasaya lang. Baket?
Since nagstart ang pandemic, di po kame nabibigyan ng ayuda dahil maayos daw po ang bahay namin, may sasakyan din tapos teacher daw si mama ko.
Pero di nila naisip na pare-parehong nawalan ng trabaho, partner ko nawalan ng trabaho, si papa ko pinastop muna sa pagcoconstruction dati.
May maayos kaming bahay kase nagsusumikap ang parents ko, inuuna ang needs bago wants, wala kaming masyadong gadgets, di kami masyadong kumakain sa labas, wala din kaming wifi at kung magpapaload man, yung kailangan na kailangan lang tapos nakikihotspot lang. Pag maggrocery kame, NEEDS ang binibili namin at hindi WANTS.
Ngayon april, wala pa sahod si mama at si papa medyo nalugi sa construction.
Ngayong araw, napadaan sila sa highway, binigyan sila ng grocery nung mga pulis. Ang sabi ni papa "Ito na ba yung community pantry? Ang saya pala no?" Ang saral daw sa pakiramdam. Tapos ngayong araw din, nakatanggap sila ng 5k dahil nakaregister si papa ko sa toda, tricycle driver kase siya dati.
Napakasaya lang. Napakablessed namin kase di kame pinapabayaan ni Lord ๐๐ฅฐ
Upvote
Wow! I can't believe it! After I published my first article it was upvoted within 24 hours!
Thank you so much!
I am not good in writing, but because of read.cash it improves my writing skills and may grammars.
You know what? I really appreciate this read.cash because someone upvoted my article and they appreciate my work.
Before, most of my friends, co-workers and family, classmates, don't appreciate my works or whatever I do, they are always commenting something bad without saying a good word eventhough I did my very best.
I am really touch to you guys, I am so overwhelmed. Thank you so much! ๐๐ฅฐ๐
Read.cash saves my life
Before, I don't have any dream. But because of read.cash and noise.cash I already know what I want in my life or what I want to be.
I want to be a TRADER!
These 2 platforms helps me to build my confidence, because there is no toxic people here, I can do what I want to do and I can say what I want to say. Also, it improves my grammar, sentences and my thinking skills that I can use at my future work.
I want to be an Online English tutor or Call center agent because I can earn more there so that I can trade money in crypto world.
You know what? Because of these 2 platforms, I already experience what is like in crypto world. I already have a BCH, I can observe more and I know how it works.
Whoever the admin is, thank you so much! I got some funds for my studies this year, it's a little amount but it will help me alot. Thank you ๐
Near Group
This is a real story on how we met. ๐๐
Year 2018, I am using the Neargroup in messenger. A lot of strangers using it.
One day, I tried to chat one of them because I am so stressed. I was a working student that time. And then I found this one stranger, we enjoyed chatting together and I can feel alive because of her. But the thing is, I told her that we shoudn't give our names and adresses and don't send pictures atleast we stayed as "stranger friends" and we will be comfortable with each other.
For about a week, we exchanges mobile number because in chat we don't have the same time.
One night when I was about to go to sleep, someone is calling me and I answered the call and told the caller "Hello, (My name) is already sleeping this is her sister." And the other line laughed. I was shooked because the caller is the one that I was chitchating on NearGroup. Well, I don't have a choice, I already said my name.
Time past by, I am falling in love with her. She have a sweet voice, she's always comforting me. And boom! After a month or two, we are already together and we met.
I don't know how to go in her place because I am in a province and she lived in a city. And that was my first time to travel. When I entered the bus, every stopped I was always asking the conductor to dropped me off in the (place she lived) so I took 3 buses and the travel was more than 6hours.
When we met, I was shaking. We don't know how to greet each other or what to do. We are both shy. But the thing is, she is so lovely. She already caught my eyes.
After a month to be together, we lived-in! So fast right? Haha we already lived in on our house. And until now we are together. For me she is the one. She always took care of me and when I was depressed she didn't leave my side, her love is so unconditional. And I love her so much. ๐
Hopefully you will also find your "The one". haha
Why you should NOT use NOISE.CASH?
Why you shouldn't download/use noise.cash? Because you will be addicted on it and you will get a real money. ๐
Hi! This is Jeanne02 in noise.cash.
I want to share my experience in noise.cash and how that website helped me alot. ๐
One day, while I was scrolling on my facebook, I saw some post that they are earning real money by just posting and commenting like twitter. I got really curious and I started to search the website. On my first day upto 3rd day I didn't get any so I thought it was a scam and I wasted my effort, but I never give up. I found myself enjoying the site for a week because no one can judge me there whatever I post and then, I recieved alot of message. So I checked it, then there you go, I got my first tipped in noise.cash! ๐ฅฐ๐ Until now, I am using the noise anf I am so happy because the money that I am getting from it, I will used that for my study this year.
Way back 2019 I got dropped out of school because I can't balance my schedule for being a working student so I chosed my job because that's the one that can support us. And now, I wil continue my studies to get a better job. I got inspired by noise. Why? Because I am getting BCH. Why? Because I got really curious how cryptoworld works. ๐
Before I don't have a dream. I don't know what will I do in my life. But because of noise.cash, I want to be a trader in cryptoworld that's why I want to study, get a good job and invest in crypto.
Thank you so much noise.cash! Btw. Because of noise.cash, I found this read.cash, hopefully it will be also a new start that can support my basic needs.
I hope you enjoy my journey ๐