Tinapang Bangus
Grabe! Ang sarap ng ulam namin ngayon! Simula bata ako di ko pa ito natitikman. Kase nga nagtitipid kame kase mahal ang tinapang bangus.
Hindi ko sukat akalain na sobrang lambot at linamnam pala ng tinapang bangus, sa kada subo at nguya mo mapapapikit ka sa sobrang sarap. Isabay mo pa ang maanghang na sawsawsan toyo at kalamansi syempre, pwede rin ang bagoong alamang at suka okay ay suka at asin na may sili.
Noong piniprito ko kanina ang sakit, kase grabe ang pagtalsik ng mantika pero noong luto na, sawakas! Makakaganti na rin ako! Yiipii! Kumuha nako ng isang platong kanin na bagong saing. Wow! Sobrang init at lambot! Sakto, gutom na gutom ako. Edi heto na. Nilapag ko na ang kanin at yung tinapang bangus, agad kong kinuha yung bandang tiyan at ginawa ang paborito kong sawsawan na toyo, suka at sili.
Ang ginawa ko, kumuha ako sa part ng tiyan sabay sawsaw sa sawsawan at lagay sa kanin na mainit. At sinubo ito ng pagkasarap-sarap 🥰😍😋 Alam mo yung feeling na napapa-MMMM ka at pikit-pikit at gusto mong kumanta sa sobrang sarap, ang lambot ng laman, malinamnam at sumasabay ang alat, asim at anghang ng sawsawan. Kakaibang lasa na matitikman mo. Sa sobrang sarap napa-extra rice pa ko. Kaya heto ako ngayon, bondat na. Kahit gusto ko pa, kailangan magtira para sa pamilya na susunod pang kakain.
Kayo? Anong ulam nyo?