Lahat naman siguro tayo ay may karanasan sa isang guro? Matatandaan natin yung mga istrikto, masungit, hindi nagtuturo, mababait at nagbigay ng motivation at inspiration sa atin no?
Madami akong guro na tandang-tanda ko ang mga pangalan.
Si Miss Guiao, na sobrang sungit at pinahiya ako sa buong school.
Si Miss de Leon, na kung magturo ay parang lasing, kaya wala kaming naiintindihan hahahah
Si Mr. Ibañez na sobrang sungit pero mabait, sakanya ako natuto sa math at dahil sakanya, minahal ko ang math.
Si Mr. Punzalan na mabait din pero may paborito. Hayy kahit anong effort ang gawin mo di niya mapapansin. Biruin mo lang ha, panay ako nagrerecitation, matataas lagi ang mga quizzes ko duon sa favorite niya pero mas mababa ang grade ko hayy
Si Mr. Alcarioto, isa sa mga paborito ko, laging nakasmile tapos kapag p.e time na, tutok na tutok talaga siya. Eh noong high school ako, gustong gusto ko naglalaro e hahaha at dahil sakanya, nawala ang bilbil ko.
Si Mr. Bingcang, crush ng buong campus haha paano ba naman, maliban sa maapil, macho, pogi at mabait. Sobrang husay din niyang magturo. Wala man siyang dalang kahit anong papel o libro. Pero kabisado niya ang ituturo niya, madami din siyang naiambag sa school. At daig pa ang principal sa pagpplano, kaso dahil nga hindi siya kurakot at maganda ang plano niya sa school, hayun, medyo di siya bati ng ibang faculty member kase favorite siya ng mga estudyante, parang barkada na nga niya e.
Si Miss Lesley, sobrang bait din nun, hindi nambabagsak. Duon ako natuto sa i.c.t. paano ba naman na hindi ako matututo, eh sariling sikap ang ginagawa namin? Lagi siyang wala, kung anjan man, uupo lang at magbibigay ng mga babasahin at bahala nakaming magkalkal sa computer. Siling grade din ito e. Pero mabait naman haha
Si Mr. Gantan, isa sa mga the best teacher talaga ito e. Okay naman siya sa pagtuturo. Pineprepare nya din kame para sa college. More on music siya, kase di daw siya talaga marunong sa p.e, kaya wala man kame masyadong exercise nuon at mga palaro. Pero ito yung teacher na kada salita niya, tagos sa puso mo. Maka-Diyos din siya at sobrang galing maggitara at magpiano. Wala din dalang kahit anong libro o kodiko ito kapag nagtuturo siya, pero alam niya ang kanyang ituturo. Pero more on life lessons talaga ang tinuturo niya. Ngayong di nako nag-aaral duon ko naappreciate ng sobra ang mga sinasabi niya dati. Na importante ang pag-aaral ang academic, pero mas importante ang marunong tayo sa buhay. Maclose siya sa mga estudyante niya at laging nakikipagbonding gamit ang pagkanta at tugtog, kumbaga jaming. Tapos lagi niyang pinaparealize ang mga pagkakamali natin sa buhay at ang mga dapat nating iappreciate.
Si Miss Nicdao (hs teacher ko, chubby) sobrang bait at sobrang istrikto at prangka rin. Siya yung teacher na, nagpamulat sakin na ang ganda pala ng Filipino subject. Na ang sarap palang magbasa, na gumawa ng tula. Naluluha ako ngayon habang sinusulat to, kase wala na siya. Namatay siya year 2019, nagkasakit dahil sa sobrang katabaan niya. Pero kahit mataba siya, mataba din ang puso niya. Kapag may training kame sa journalism nun, kahit wala na siyang pera, papabilhan kame ng miryenda at tutukan kame ng sobra. Maliban sa pagiging teacher niya, naging kaibigan din namin siya. Hindi man ako nahing close sakanya, pero sobrang kong naappreciate ang mga sinabi at mga ginawa niya dati.
Heto ang pinakahuli, si Miss Nicdao the second (college teacher, sexy) isa din siya sa mga best teacher ko. Sobrang bait at ang galing magturo sa math. Yung tipong sobrang complicated ng math pero pinapadali niya lang. Pero alam mo kung bakit mas nagustuhan ko ang teacher na ito at hindi ko malimutan? Kase siya lang yung natatanging teacher ko na, kinausap ako sa walang tao na room at tinanong kung kamusta ako at kung okay lang daw ba ako? Simpleng pangangamusta lang, pero nakakatouch ng sobra. Kinausap niya nun ako kase di ako pumapasok, palagi akong absent. That time kase depressed ako kaya di ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Ilang ulit niya akong binigyan ng chance. Pero inabuso ko. Iniisip ko nga kung naaalala pa niya kaya ako? Gusto ko nga siyang kamustahin pero nahihiya ako, kase ang laki ng kasalanan ko sakanya. Sobrang mahal ko yun kahit na (baka) hindi na niya ako maalala.
Madami pa din akong teacher na hindi nabanggit pero sila kase talaga ang pinakatumatak sa isip ko at pumukaw ng atensyon ko at nagmarka sa puso ko.
Kayo ba? Anu-anong mga karanasan ninyo sa mga teachers ninyo? At sinu-sino ang mga naging paborito at kinaiinisan ninyo? 🤭😊