Kanina habang naghihintay kame na maluto yung pizza, ang daming dumadaan na sasakyan at napatingin ako sa motor namin, luma na pala, ang dami ng kalawang noong tambutso at sa makina. Kailangan ng palitan o pinturahan.
Napaisip ako at parang naiugnay ko sa buhay natin. Kagaya nalang ng mga mag-jowa o mag-asawa.
Ang motorsiklo para sa mga normal na tao ay pangservice, pangnegosyo. Malaking tulong sa atin ang mga sasakyan, tipid sa oras sa byahe at pamasahe pero sakit sa ulo kapag nasira at nadisgrasya.
Sa mga riders naman, ang motorsiklo ay parang jowa na daw nila. Kaya sobra nila itong inaalagaan at iniingatan. Ayaw nga magasgasan at laging pinapaliguan at pinapaganda e. Haha
Sa buhay, di naman natin maiiwasan na, masira ang motorsiklo, minahal natin sila, inalagaan kase kailangan natin sila sa buhay natin lalo na kung nagnenegosyo ka or pinagseservice mo nga. Kapag ba nasira kailangan na nating bumili ng bagong masasakyan? Parang sa jowa o asawa, kapag ba sira na ang relasyon ninyo, kailangan na bang palitan agad at maghanap kana ng bago? Hindi diba? Kailangan muna natin, malaman kung anong sira ng motor, para maayos ito. Kagaya sa relasyon, kailangan muna nating pag-usapan kung ano ang pagkukulang ng bawat isa, kung bakit nasisira na ito. Para malaman natin kung paano ito ayusin.
Yung mga rider jan, sobrang alaga mga motor nila, pero papalitan na kapag may mga sira na kahit gasgas lang or pinagsawaan na at may bagong labas na motor.
Parang sa buhay natin yan, kapag ba luma na, kailangan ng palitan at maghanap ng bago at mas maganda? Paano naman ang inalagaan mo ng ilang taon? Minahal mo din naman diba? Kung naluma na ang motor, pwede naman yang pagandahin ulit e, bili ka ng ibang parts kung gumagana pa naman ng maayos ang makina, hindi naman kailangang palitan kase nagsawa kana. Isipin mo yung nilaan mong oras jan at mga memories na kasama ang motor mo diba?
Kung mahalaga sayo ang isang bagay, hindi mo agad ito maipagpapalit ng bago. Kagaya ng kahalagahan ng jowa o asawa mo sayo. Madami na kayong pinagdaanan, tao tayo na tumatanda. Kung pumapanget man siya dahil sa katandaan, pwede mo naman siya pagandahin kagaya ng pag-mmake up mo sakanya okaya ituring mo ulit siya na siya ang mundo mo. Pasayahin mo siya, kase kapag masaya ang isang tao, gumaganda ito.
so deep naman ng realizations nayan haha