Naniniwala ba kayo sa swerte?
Ako, oo. Naniniwala ako. Pero mas naniniwala ako sa sipag at tiyaga, samahan mo pa ng tamang diskarte sa buhay.
Sabi nila, kapag may nunal ka daw sa kanang kamay, swerte ka. Madali lang ang pera sayo, madali kang yumaman at hindi mo daw poproblemahin ang pera.
Para sa akin, hindi naman masamang maniwala. Kung ang paniniwala mo ay sasamahan mo ng pagpupursigi sa buhay. Ika nga "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa." Naniniwala ka nga na yayaman ka sa nunal mo sa palad, pero tamad ka naman. Nonsense din.
Ako? Ang nunal na nasa kamay ko ay nagsisilbing inspirasyon para sa akin. Baket? Kase kada nakikita ko to, naiisip ko na aasenso kami sa buhay. Naniniwala ako na swerte ito kaya ang ginagawa ko ay nagsusumikap ako sa buhay. Trabaho dito, sideline duon. Basta lahat ng puwedeng pagkakitaan papasukin ko. Lahat naman ng yumaman nagsimula sa pinakababa diba? Sa tuwing nahihirapan ako, napapatingin ako sa palad ko ba may nunal at napapasabing, "pagsubok lang ito, malalampasan ko rin 'to para sa pamilya ko".
Hindi tayo aasenso sa puro pangarap lang. kKailangan natin ng gawa. Kaya ikaw? Tama na kaka-ml mo hahahhaa mag-aral ka ng mabuti. Kubg tapos kana mag-aral, wag ka tamarin pumasok sa trabaho. Kase para sa atin din yan at sa pamilya naten. Wala namang instant millionaire. Kailangan nating magbanat ng buto. At alam mo ba kung ano ang sikreto sa tagumpay? Ang pagiging mapagkumbaba at masayahin. At syempre ang pagiging mabuti. Kapag meron ka nyan, napakagaan ng buhay.
Sabi nga ni Tinay sa my little nanay, "dapat happy langgggg." Kaya alam mo na ang gagawin mo ha? Hihi k.bye 🤣