Kwentong Pusa

0 221
Avatar for Jeanne02
3 years ago

Iba't ibang uri ng pusa.

Kung may alaga kang pusa, sigurado akong makakarelate ka dito. 😁

  1. Pusang tahimik - ito yung pusa na bibihira mo lang marinig umiyak. Yung tipong di mo alam na nasa tabi mo na pala siya or naapakan mo o nadaganan, di man yan iiyak. Maririnig mo lang yan umiyak kapag sobrang gutom na at pikon na pikon na siya sa paglalato mo sakanya. May pusa kaming ganito, ang pangalan ay PUPIN (puspin dapat yan dahil pusang pinoy, kaso hirap kami sa S. Kaya pupin nalang hahaha)

  2. Pusang Sindikato - ito yung pusang anak ng anak. Ngiyaw dito, landi duon. Bibihira mo lang itong makita sa bahay dahil nga laging nakikipaglampungan sa mga lalaking pusa. At kapag sa hapag kainan, number 1 sa pagnanakaw ng ulam. Malandi na nga , magnanakaw pa. Hmp! 🤣 . May pusa kaming ganito, ang pangalan ay LULU.

  3. Pusang Pasipsip - kung sa tao may mga pasipsip, aba'y syempre! Meron din sa mga pusa! Ito yung pusa na kapag kakain na, magpapakandong sayo at sobrang tahimik. Magagawa mo lahat ng gusto mong gawin sakanya, halikan, haplusin, buhatin at ihug. Basta ba, pagkatapos mong gawin yun e, bigyan mo siya ng makakain. Hahaha . Ang ganitong pusa namin ay pangalanan nalang natin na LUNA, kakambal siya ni LULU, kung si lulu ay haliparot pero panget. Ito namang si Luna ay mahinhin, malambing at dalagang Pilipina este pusang pilipina hahahaha

  4. Pusang Iyakin - ito yung pusang di ka lang makita o maamoy , ngaw-ngaw ng ngawngaw. Yung tipong gustong-gusto mo nalang siyang ibalibag sa sobrang ingay niya. Lalo na sa madaling araw. Iyak ng iyak at mangangagat pa yan kase gustong lumabas sa kwarto okaya ay gustong magpalambing sayo. Ang ganitong pusa namin, sarap itapon e hahaha ang pangalan ay LUNOX, ipinangalan sa character ng mobile legends. HAHAHA

  5. Pusang Ligawin - hindi ito yung tipo ng pusa na laging nililigawan ha? Ligawin, baket? Kase siya yung tipo ng pusa na laging naliligaw HAHAHA Paano ba naman, pupunta lang kami sa likod ng aming bahay at sasama siya, tapos iiyak ng pagkalakas-lakas. Feeling niya nawawala siya kaya ang ending magmamadali kami sa pagdidilig ng halaman at bubuhatin namin siya papasok sa loob ng bahay. Kapag ito ay nakakalabas na ng bahay, naku po! Siguraduhin mong, makakarinig ka ng malakas na iyak dahil sa akala niya siya ay naliligaw kaya magmamadali kang lumabas para kargahin lang siya hahaha . Ang pangalan nito ay PUTOT, putot dahil putol ang kanyang buntot, hindi na tumubo saka ang kapampangan ng PUTOL ay PUTOT.

Oh? Heto na ang huli. May idadagdag ka pa ba sa mga pusang yan? Ikaw? Anong kwentong pusa mo? Hihi

1
$ 0.50
$ 0.50 from @TheRandomRewarder
Avatar for Jeanne02
3 years ago

Comments