Kwentong Kamote

0 179
Avatar for Jeanne02
3 years ago

Ang kamote ay parang buhay natin.

Hindi ito yung parang mga rider o driver. Kapag walang masiyadong alam sa daan, tatawaging kamote rider/driver.

Kaway-kaway jan sa mga may tanim na kamoteee! Awoohh! Haha

Kung napapansin ninyo, habang tinatalbos mo ang kamote lalong lumalabong diba?

Kagaya yan ng buhay natin, habang mas hinahasa ka ng buhay, mas lumalabong ang ating kaalaman.

Isang araw, kinain ng mga kambing ang mga tanim kong kamote, sobrang labong na nun. Kaso hayun nakalbo, nasira nila yung ginawa kong bakod na gawa sa stick ng talahib. Ilang beses nagkakadahon pero laging sinisira at kinakain ng kambing hanggang sa natutuyo na at napagod na rin akong magdilig at pinabayaan ko na. Pero mga nakaraang araw, inayos ko na rin naman yung bakod at dinidiligan ulit, at hayun, nabuhay ulit sila.

Ganyan din tayo, parang kamote. Madalas dumating ang mga pagsubok sa buhay natin, may maninira sa atin, mga pinag-ipunan o pinaghirapan natin pwedeng mawala, iyong trabaho natin pwede ding mawala kahit na sobrang tagal mo na at umasenso kana duon.

Dahil walang permanente sa mundo, balang araw sisibakin ka sa trabaho dahil mahina na ang kitaan okaya ay kailangan mo ng umalis dahil matanda kana at may nakita na mas bata. Yang mga negosyo, pwedeng malugi dahil di naman araw-araw ay malakas ang bentahan jan. Yang mga bahay, lupa, kotse o anu man naipundar mo, pwedeng mawala yan kung may magkasakit sainyo or magkasakit ka at kailangan niyo ng malaking halaga.

Pero alam niyo? Kagaya ng kamote na kahit na maubos ang lahat ng dahon niyan ay laging magsisimula sa umpisa, diligan mo lang at tutubo ulit yab. Kagaya natin na tao, mawala man ang lahat-lahat, wag tayong mawalan ng pag-asa dahil sa lahat ng pagbagsak ay may matututunan tayo at babangon tayo. Sa lahat ng pagbagsak, makakapagsimula tayong muli.

Iyong bakod ay sumisimbulo din ng ating katatagan, kung mahina ka, madali kang masisiraan ng iba at ikaw din ang kawawa sa bandang huli. Pero wag kang mag-alala, manalig ka sa Diyos dahil igagawa ka niya ng sarili mong bakod na wala ng makakatibag o makakasira sayo at syempre kailangan mo ring tulungan ang iyong sarili. Ika nga "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."

Sa lahat ng pagsubok, wag kang sumuko, kung paulit-ulit kang bumabagsak at sinsisiraan, wag kang magsawang bumangon dahil habang may buhay may pag-asa. Kagaya ng kamote na namumunga kapag tumagal, lahat ng paghihirap mo lahat ay matutumbasan ng saya at ginhawa. Kaya tara! Lagi na nating diligan ang ating kamote, patatagin ang bakod natin at ng madami tayong uulamin na talbos at makakain na bunga ng kamote. Oppsss! Wag magpasobraaaa, baka kapag ika'y mautot. 😊

1
$ 0.46
$ 0.46 from @TheRandomRewarder
Avatar for Jeanne02
3 years ago

Comments