Disclaimer: Isa itong malayang tula. Walang sukat at tugma. Isinulat ko ito noong panahon na di ako makatulog sa kakaisip sa mga bagay-bagay. At lagi nalang binabangungot sa sa sobrang pag-iisip. Sana ay maenjoy ninyo. Di ko na rin po inedit. Salamat 😊
Nakakatakot, nakakalungkot.
Gusto kong maramdaman ang mga magagandang panaginip ngunit bawal,
Lungkot ang nadarama sa tuwing makakasama na kita,
Nakakabinging katahimikan kapag anjan kana.
Nababahala't natataranta kapag oras mo na,
Gabi ng Lagim anjan na siya.
Kapaligiran, puso't utak ko'y binabalot mo nang dilim.
Ginawa na lahat para ika'y maiwasan,
Ginawa ko na lahat para hindi kana masulyapan,
Ginawa ko na lahat para aking tulog ay maging mahimbing.
Ngunit wala na siguro akong magagawa, pumasok kana sa aking mundo,
Pumasok kana sa aking sistema.
Sa tuwing darating na ang oras mo,
Pinipilit kong iwasan na ika'y makasama,
Pinipilit kong pinipikit ang aking mga mata,
Ngunit duon ka ata masaya,
Kapag dilat ang aking mata.
Kapag anjan kana,
Para bang 'di nako makahinga,
Lahat ng sakit iyong pinapadama,
Lahat ng sakit ng kahapon ay iyong binabalik pa.
Heto ako ngayon,
Wala nang magagawa,
Dahil sayo'y nakadikit na.