Ang Makabagong Kuwento ni Tipaklong at ni Langgam

0 93
Avatar for Jeanne02
3 years ago

Disclaimer: Ito ay gawa ng aking kaibigan. Naaliw ako kaya inilagay ko siya dito para maibahagi rin sainyo. Kung susuriin, nangyayari ito sa kasalukuyang buhay natin ngayon. Enjoy reading 🥰

Alam niyo ba yung kwento ni TIPAKLONG AT LANGGAM? Alam Kong alam nyo na iyon, luma na Yun e, meron ng bago. 😂

Narrator: Isang umaga, habang nagbubungkal ng lupa si langgam upang taniman ito ng palay ay taas noong dumaan si TIPAKLONG sa kanyang harapan.

TIPAKLONG: oh, langgam, bakit ang aga-aga nagbubungkal ka kaagad diyan ng lupa.

LANGGAM: kasi kailangan ko ng ma kapag tanim ng palay at upang may makain ang aking mga anak sa pagdating ng tag tuyot.

TIPAKLONG: Ang hina hina mo kasi langgam eh, sinabihan na kitang mag apply ka sa Dswd para maging benefitiary ng 4ps ang mga anak mo e.

LANGGAM: Pumunta na sa bahay namin yung validator ng 4ps at na interview na ako, Syempre hindi ko naman pwede e asa yung lahat ng pangangailangan namin doon,

TIPAKLONG : tingnan mo ko, naghihintay lang ako ng pera na ma kukuha ko sa 4ps, ganda ganda ng buhay namin ng mga anak ko, bahala na ang gobyerno magpakain sa amin.

NARRATOR: makalipas ang tatlong buwan ay masaganang nag ani si langgam ng kanyang tinanim na palay, ang Iba ay benenta nya at ang Iba naman ay pinakiskis nya na maging bigas at tinago sa kanyang kamalig upang reserbang pagkain nilang mag anak sa tag tuyot. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari hindi lang pala tag tuyot ang tatama sa kumunidad nila Kundi isang salot na sakit. Maraming nagka sakit nito at namatay, halos lahat ng kanilang mga ka URI ay nasa loob lamang ng kanya kanya nilang bahay at pinag babawalang lumabas, na bahala si langgam baka hindi sapat ang naimpok nyang bigas para sa kanilang mag-anak, kaya ang ginawa nya ay pinulong nya ang kanyang limang anak.

LANGGAM: Mga anak, alam nyo ba Kung ano ang dinaranas natin ngayon na kapighatian, nais ko lamang na hilingin sa inyo na wag kayong magsasayang ng pagkain at matutung magtipid.

Narrator: tumango lamang ang limang anak ni langgam, at kahit na meron silang naimpok na pagkain, nagtatanim parin sila ng mga Iba pang halamang ugat sa kanilang bakuran. Ilang buwan na ang lumipas, ang salot na sakit ay ma's lalong lumala at lumaganap pa sa karatig baryo nila. Kamusta kaya si TIPAKLONG? Tanong ni langgam sa kanyang sarili, mayamaya'y may narinig si langgam ng isang maliit na tinig, sinilip nya ito sa maliit na butas ng kanyang bintana, laking gulat nya na makita nya si TIPAKLONG.

LANGGAM: oh, TIPAKLONG Kamusta kana, at bakit ka napadalaw?

TIPAKLONG : (umiiyak), langgam, hindi nako magpapaligoy ligoy pa, kakapalan ko na ang aking mukha, pwede mo ba ako mapahiram ng kahit kunting pera, naubos na kasi namin ang nakuha namin sa 4p's, yung bunso ko ay hinihika, kailangan namin syang madala sa ospital.

LANGGAM: (kumuha ng isang libo sa kanyang bulsa) pagpasensyahan mo na yan lang ang aking maitutulong ko sayo ah.

TIPAKLONG: maraming Salamat langgam, babayaran kita pag kami ay nakaraos na.


Panuto: Bigyan ng isang magandang katapusan o ending ang kwento ni TIPAKLONG AT LANGGAM, E komento lamang ito sa ibaba😂

1
$ 0.20
$ 0.20 from @TheRandomRewarder
Avatar for Jeanne02
3 years ago

Comments