Pa rant lang once

10 32
Avatar for Jeaneth
4 years ago

May mga kaibigan o kilala din ba kayo na ang bait bait kung kailangan sila sayo? Usapang pera in specific. Pero pag siningil niyo na, ang daming rason. Kwento ko lang iton karanasan ko tungkol sa utang-utang na yan.

May kaibigan akong nanghiram ng pera sa halagang 1600 pesos ($32.01). Kasamahan ko kase sya sa review. Nag review kami para sa licensure exam last year. Eh may kailangan na kaming bayaran para maka take kami ng mock board exam sa review namin. Nagkataon nman na may extra, so pinahiram ko sya kase kawawa naman. Hangga't may maitutulong ako na kaya ko, tumutulong din naman ako.

So, yun. naka take kami ng mock board exam. Eh kaso ngkasakit ako so hindi ako nakatuloy sa pag take ng exam last year March 24. Nasayang lahat ng binayaran ko pati pagod ko. Siya naman ay nakatuloy. Nung dumating ng araw ng resulta, pumasa sya kaya sobrang masaya din ako para sa kanya.

Dumaan ang mga buwan, hindi na ako nakarinig sa kanya tungkol sa utang niya. Nahihiya din kase ako maningil sakanya kase parang ate ko na sya. 8 years yata agwat namin.

Nag cha chat naman ako sa kanya, ne reremind ko sya tungkol sa utang niya pero wala pa daw syang pera kaya inintindi ko narin. Ngayon, kailangan ko na talaga ng pera eh wala na akong extra, yung utang lang niya ang tanging naiisip ko na pagkuhanan ng panggastos.

Ayaw ko naman sya dini distorbo araw araw kase baka makulitan sya sakin. Pa minsan minsan lang. Kaso, 1 year na mahigit eh. 1600 lng naman yon. Ayoko sya awayin kase ni rerespeto ko bilang ate.

Pasensya na't dito ako naglabas ng sama ng loob. Di ko kase masabi kina mama. Ako pa pagagalitan nila. Hay nako.

Ano kaya gawin ko? Isawalang bahala ko nalng ba yon? Isipin ko na lang ba di nonate ko yon?

5
$ 0.00
Sponsors of Jeaneth
empty

Comments

May mga tao talagang ganyan. Nandyan lang sila kapag may kailangan hahaha. Ako tulad mo may pautang din. 33k yun. Nilista nalang sa tubig yta. Hindi na nagpakita sakin. Yung isa naman 8k tapos kapag nakasalubong mo parang wala lang..grabe. hindi ko na yun siningil. Nakakapagod e. Ibabalik naman ni Lord yan. Siksik liglig at umaapaw. Promised! I claim mo lang 😊 Mas doble yung blessings na dadating sayo. Basta wag ka magtatanim ng galit. Hindi nalang siguro sila makakaulit pero forgive them :)

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Sana nga po. Si mama din, ginamit pangalan niya sa pautang kaya ayun, sya kinukulit ng naningingil. Halos umiiyak sya araw araw dahil sa stress na dinulot ng mga kasamahan nya sa trabaho πŸ’”

$ 0.00
4 years ago

Natatawa ko 😁 Diko alam kung destiny nagpacomment sakin dito hhha. Si Mama din ganyan hhha. Almost 80k inakuan nya tapos ngayon sya binubuliglig dahil nga hindi na makabayad gawa ng pandemic tapos ang sama hindi yon alam ng papa ko. Josko! Kaya ngayun mama ko laging aligaga.

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Kaya di rin natin maiwasan magalit sa mga taong yon eh. Wala talagang konsensya. Ayaw kong nahihirapan si mama ko, masakit pag nakita mo syang umiiyak. Sobrang stressful kaya 😩

$ 0.00
4 years ago

Hirap talag kapag usapang pera na.

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Minsan tlg may mga pagkakamali tayo sa buhay. Ako naman ngkaroon ng kaibigan. Pinagkatiwalaan ko sya. Pinagamit ko name ko sa kanya para kumuha ng home credit na cellphone. Tapos nung mga first few months ngbabayad naman sya. Pero nung mga bandang huli na, hindi na sya nagbabayad at ako na ang kinukulit ni home credit para bayaran yung cellphone nya. Without a choice dahil pangalan ko nmn yun binayaran ko na. At halos worth 3500 yun. At siniraan nya pa ko. Kesyo nggigipit daw ako. Ang sama ng loob ko nun kasi pinagkatiwalaan ko sya. Yung feeling na ang tanga tanga ko. Hanggang sa napagod nlng ako kakahabol sa kanya at na realize ko na hindi worth it ang 3500 sa stress na nararamdaman ko. Kaya hinayaan ko na lang. Ng.let go na ako and move on. At natuto na ako. Never na ako ngtitiwala lalo na kapag usapang pera na.

$ 0.00
4 years ago

Yun nga din eh. Ang masaklap pa eh kaibigan mo pa talaga. Sabagay, may pinagsamahan na pero ang tiwala bigla na lang sinira. Marami talaga pagkakaibigan nasisira dahil sa pera. 🀦

$ 0.00
4 years ago

Totoo. Kaya dapat matuto na tayo. May kaibigan ako n pinahiram ko. Maliit na amount lang. Kpg ng bayad sya thanks. Kapag hindi edi hindi ndin sya mkakaulit.. nkakasad pero FO na sya sakin. Sinira nya tiwala ko..

$ 0.00
4 years ago

Nakakainis lng minsan , nong nangangailangan sila satin my luhod2 pa silang nalalaman para maawa ka SA kanila... Halos lahat NG pakiusap ginagawa ngayon sila Naman Ang Hindi mo makausapπŸ˜…πŸ˜‚πŸ€£...worst sisiraan kpa SA mga taong nakapaligid sa inyo... Yong tipong tapos nya na lamunin pera mo d ka na nya kilalaπŸ˜‚πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
4 years ago

Oo nga eh. Di nman natin inasahan to kase kaibigan eh. Pero lahat pwede mangyari. Di na dapat magtiwala 😩

$ 0.00
4 years ago