Tourist Spots sa Luzon Part 1

0 339
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

Madaming magagandang tanawin sa Luzon na pwedeng pasyalan. Sa article na ito, magbabanggit ako ng ilan sa mga magagandang pasyalan sa Luzon na pwede niyo puntahan.

INTRAMUROS

Kung mahilig ka sa history isa ito sa magandang lugar na mapuntahan mo. Ito ay isang distrito sa Manila na kung saan ang paligid ay spanish-era ang impluwensiya.Ito at tinaguriang "walled city" dahil na din sa pader na pumapalibot dito. Nandito din ang Fort Santiago Park. Madami ding events katulad ng concerts ang isinasagawa dito.

Walled city of Intramuros

BANAUE RICE TERRACES

Hagdan hagdan palayan kung tawagin ito. Ito ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Man-made ang rice terraces na ito, ginawa ng mga katutubo ng Ifugao. Itinuring din itong 8th wonders of the world dahil sa angkin kagandahan ng lugar. Dito matatagpuan ang Batad Rice Terraces at Bangaan Rice terraces. May mga rice terraces din na malapit dito, ito ang mga Mayayao Rice Terraces, Hungduan Rice Terraces, Nagacadan Rice Terraces.

Taal Volcano

Ang Taal Volcano ay na sa probinsiya ng Batangas pero maari mo itong makita sa Tagaytay. Maraming lugar sa Tagaytay kung saan makikita mo ang ganda ng Taal Lake at Taal Volcano. Pero dahil sa recent na pagsabog nito, hindi na daw advisable muna pumunta dito dahil madami pa din daw ashes sa kapaligiran, pero sa oras na ok na ang lugar, malamang after ng pandemic crisis ok na ito, Maganda mapuntahan ang lugar na ito.Ito ay volcano in a lake in a volcano kung tawagin. Madaming volcanoes ang nakapaligid dito at may isang Mother volcano (yun yata tawag nila).

Corregidor island

Kung mahilig na din sa historical places tulad ng Intramuros, isa din ito sa dapat mong bisitahin. Ito ay matatagpusan sa Bataan. Ito ay battleground noong World war 2 at matatagpuan pa din dito ang mga naiwang mga gamit pandigmaan at barracks at maririnig mo ang samu't saring kwento mula sa tourguide mo habang namamasyal dito.

Hanging Coffins in Sagada

Ito ay matatagpuan sa Sagada sa Mountain Province. Ang mga ito ay nakasabit sa cliff ng bundok. Ito ay isa nilang tradisyon. Naniniwala sila na ito ay mas maglalapit sa mga pimanaw nilang mahal sa buhay sa langit. Ito ay maaaring naka pako sa bundok or di kaya ay nakatali ng lubid.

Sana nagustuhan niyo ang article ko at sana abangan niyo din ang iba pang part ng article na ito.

1
$ 0.00
Sponsors of Jdine
empty
empty
empty
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

Comments