(Tagalog Translated) Interview of Marc De Mesel "The Magnamous"

11 107
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

Ang artikulo ngayon ay napaka-espesyal, kung saan makakapanayan natin ang tao na kilala sa kanyang binigay na pagpondo sa kumonidad ng BCH. Lahat ng tao sa kumonidad ng BCH ay kilala ang nag-iisang pangalan na @MarcDeMesel, madami sa atin ang nakakaalam ng kanyang mga Pondo. Sobra akong nagagalak/nasasabik at nauusisa ngayon sa panayam sa kanya at alam ko madami din nauusisa at interesado tungkol sa tao na ito. Alamin natin ang mga sagot sa tanong para mas makilala natin si Marc.

Mahirap para sa akin ang pagpapakilala kay Marc at hindi ko makakayang bigyan ng katwiran ang kanyang pagkatao sa pamamagitan lamang ng aking mga salita. Si Marc ay isang namumuhunan simula pa noong taong 2008 na may 40% CAGR. Namuhunan si Marc sa BTC (Bitcoin) simula noong taong 2012. Nakita niya ang hindi nakita ng iba sa cryptocurrencies. Mahilig siya sa pagboboluntaryo at alam naman natin na siya ay youtuber. Sa kanyang Youtube, ibinabahagi niya ang kanyang mga karanasan sa buhay kasama na ang mga karanasan niya sa pinansyal. Ayoko na kayo inipin pa sa mga sinasabi ko kaya simulan na natin ang panayam kay Marc.


Q1. Gaya ng sabi ko kanina, hindi kita maipapakilala ng tama. Kaya sabihin mo sa amin, anu ba ang ginagawa ng isang Marc DeMesel?
"Ako'y isang namumuhunan, namumuhunan ako sa cryptocurrencies at mga stock. Karaniwan sinasantabi ko yung investments ko ng ilang taon kasi kadalasan tumatagal din bago ang isang investment ay napupunta mula sa seryosohang walang kahalagahan kapag sinusubukan kong bumili, at papunta sa seryosohang sobrang kahalagahan kapag sinusubukan kong bumili."

Q2. Saan ka lumaki?
"Lumaki ako sa Belgium, Europe, sa parteng hilagang Dutch ng Belguim na tintawag na Flanders. Meron itong magandang maliliit na siyudad tulad ng Bruges, Ghent at Antwerp na merong makasaysayang medieval na sentro ng lungsod kung saan napakasarap maglakad-lakad tuwing tag-araw at uminom ng anuman sa labas ng napakadaming terrasse"

Q3. Sa ngayon, nagsisilbi kang inspirasyon sa libu-libong tao, pero SINO nga ba ang inspirasyon mo?
"Nagiging inspirasyon ko ang mga malalaking negosyante katulad nila Bill Gates, Elon Musk, Poger Ver at mga magigiting na negosyante katulad nila Marc Faber, Roland Vandamme, at Edward Thorp. Inspirasyon ko din ang mga pilosopo, mga liberalismo at mga ekonomista tulad nina Nietzsche, Ludwig Von Mises, Ayn Rand, Julian L. Simon, at Stefan Molyneux. Madami pang iba kasi mahilig ako mag-browse sa internet, sinusunod ang pagkamausisa ko, araw araw na panonood ng videos tungkol sa lahat ng uri ng paksa, kabilang na ang mga babae, pagliligawan, at mga supercars. :) Silipin niyo ang youtube playlist ko na 'My Heroes'"


https://www.youtube.com/playlist?list=PLJsRA97ztzdJxDXQ4LBU98TWCUjjbgDhU

Q4: Ikaw ay isang Serial Investor at ang pamumuhunan ay nangangailangan ng pagkamalikhain. Ano ang malikhaing proseso mo?
"Mahusay na tanong! Madalas kong iniisip ang tungkol sa aking mga pamumuhunan, at tinitignan ito sa magkakaibang anggulo, kung anong pwedeng maging mali, kung bakit ito maaring hindi maging maayos. Sinusubukan kong tignan ng objective and kalamangan at kahinaan, ang mga makatotohanang panganib at mga potensyal na gantimpala. Sinusubukan ko ding makipag-ugnayan sa nararamdaman ko at kung anu ang mga sinasabi tungkol sa isang tao o sa investment."
 
Q5:Nagsimula ka sa mundo ng Crypto noong taong 2012 sa bitcoin at ngayon isa ka na sa mga nangungunang tagasuporta/tagapondo ng BCH. Anu ang naging dahilan ng pagbabago mo sa paniniwala mula sa BCT hanggang BCH?
"Unang bahagi ng kalagitnaang 2013 napansin ko ang pangit na saloobin o ugali ng ilang tao sa Bitcoin, masyado silang mapagpabalewala at may poot pa sa ibang coins tulad ng Litecoin o kaya Peercoin, ganun din ako sa simula, iniisip kong wala silang panama at pagkakataon na laban sa napakalakas na epektong network ng Bitcoin. Pero sa pagtatapong g 2013, napagtanto ko na ang kumpetisyon ay maganda pala dahil inillalabas nito ang pinakamahusay na kakayahan ng tao, at kahit pa hindi maging matagumpay ang handog nito, ang ilan ay maaaring makita ang hinaharap na potensyal ng crypto currency market ay napakalaki at lalabas ang iba't ibang niches.
Habang nagpapatuloy ang mga taon sa Bitcoin "Maximalism", kung paano nila ito magalang na tawagin, naging malala lamang sa puntong ganap na idiyotikong kaisipan na ang paningin sa bitcoin blockchain ay isang mahirap na makuhang pag-aari kung saan ang mga nagbabayad lamang ng mataas na presyo ang makakakuha ng access, ang mga may kalamangan.
Sa unang bahagi ng taong 2017 kung saan naging malinaw na hindi nila nadardagan ang block size at maaaring maging mas mahal ang mga transaksiyon sa hinaharap, napuno na ako at ibinenta ko lahat ng BTC ko para sa ibang cryptos, sumakto naman dahil ilang buwan lang ang nakalipas ang BTC market share ay nagsimulang bumaba mula 85% hanggang 35% sa isang taon lamang. Sa kalagitnaan ng 2017, ang Bitcoin Cash ay hinati ang Bitcoin. Sobrang saya ko na nangyari na iyon at namuhunan ako ng malaki dito mula sa umpisa dahil may Bitcoin na muli tayo na namumunuhan ng maayos, kung saan ang onchain na transaksiyon ay nananatiling mura at mabilis, at kung saan malakas ang pananaw ng pagpapatuloy na pagbabago at mang-akit ng lahat ng klase ng kaso ng pag gamit at application sa Bitcoin."

Q7: Sinuportahan mo ang Flipstarter nodes campaign na may malaking pondo. Sinuportahan mo ang Read.cash na may malaking pondo. Nag-iisp ang mga tao kung anong makukuha mo dito dahil isa kang investor, at ang mga investor ay namumuhunan para sa kita. Anong kita ang makukuha mo mula sa mga donasyon mong mga ito?
"Madami akong nakuha pero madami din naman akong ipinuhunan sa Bitcoin at Bitcoin cash na sumunod, hindi lamang sa pera, kundi pati na rin sa oras. Ang mga donasyons na ibinigay ko sa @flipstarter team ay maliit na parte lamang kumpara sa mga pagmamay-ari ko, at kung hindi ko iyon gagawin, mabibigo ang pagkakataon ng Bitcoin Cash at ang BCH ko na bababa ang value ay mas lalaki ang pagkakataon. Perpektong makatwirang pinansiyal para sa akin na magbigay ng malaking donasyon sa readcash halimbawa, dahil isa sila sa mga promising na application na gumagamit ng Bitcoin Cash bilang currency na maaaring makahikayat ng napakalaking adopsyon at ipamahagi ang BCH sa mga kamay ng mga bagong tao na kinita ito.
Madaling bumuo ng cryptocurrency sa panahon ngayon, mahirap bumuo ng natatanging use case na nakakahanap ng malakas na adopsyon. Nangangailangan ito hindi lamang ng mahusay na kasanayan sa pag-coding, kundi pati kasanayan sa pagnenegosyo, kumbinasyon ng mga talento na mahirap mahanap at ito ay malinaw na meron sa read.cash team pati na din ang  BCHN team na nagbubuo ng alternatibong kliyente para mangibabaw sa BitcoinABC na kliyente, at ang team na may mahusay na track record, malakas na pananaw at etika sa trabaho, respeto sa komunidad, mga users, at investors, samakatuwi, kung bakit ako naginvest / nagdonate ng malakasan sa kanila."

Q8:Isa kang mahusay na ama at nakikita namin ang pamamahal mo sa mga anak mo sa mga videos mo. Ang mundo ay mabilis na nagbabago ay ang rebolusyon ng teknolohiya ay mabilis binabago ang mga bagay bagay ng mas mabilis kesa dati. Bilang isang ama, anong kakayahan ang sinisugurado mong meron ang mga anak mo upang makaligtas o mabuhay para sa hinaharap?
"Maraming salamat. :) Ang pagiisip para sa sarili mo ay napakahalaga, mahirap na gamitin ang sarili mong lohika, sarili mong rason, at posibleng pag iisip ng konklusyon na napaka-kontrobersiyal, naghahanap pa ng lakas ng loob para kausapin sila, para sundan sila, para mamuhunan sa kanila. Kami ay social creatures at ang maibukod mula sa grupo noon ay nangangahulugang kamatayan, kaya naman lagi kami sumusunod sa grupo, gayunpaman, sa pagnenesgosyo at investing, ang grupo ay madalas mali or nahuhuli makita ang dapat. Kailangan nauuna ka sa grupo kung gusto mong kumita, at dahil siyan, sariling pag iisip ay napakahalaga.
Bilang mga bata, madalas na itong binibilin ng mariin sa atin ng ating mga guro at ga magulang na gusto kang pasunurin at paparusahan ka kapag sumosobra ka na. Sana nakakapagbigay ako ng mas madaming oras, pagmamahal at atensiyon sa mga bata, kesa sa naibigay sa akin ng mga magulang ko. Ang pagbibigay sa kanila ng masaganang kapaligiran kung saan natututo sila ng marami sa pamamagitan ng nakikita nila, sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng kalayaan na sundan ang pag-uusisa nila sa halip na gustuhin ko silang matutunan kung ano ang gusto ko or maging kung ano ang gusto ko sa kanila, sa halip na ipilit ko sa kanilang pag aralan ang mga  boring na paksa. Ang bata kapag inalagaang mabuti, hindi inabusado may magiging kasing talino mo sa madaming paksa bago pa nila marating ang taong 18 at maaaring maging dalubhasa sa larangan kung saan maaari silang kumita. Pero nangangailangan ito ng tamang gabay para makarating doon."

Q9:Bakit na naniwala sa Bitcoin cash?
"Sapagkat ito'y Bitcoin na ginawang mas mabuti kung saan napatunayang isang matagumpay na. Laban sa lahat, nagtagumpay ang Bitcoin bilang isang independent private currency, sa panahong ilegal maglunsad ng sarili mong currency at makipagkumpitensiya sa mga lokal na gobyerno. Ang mga taong sinubukan ito dati ay nabigo at ang iba ay nakulong.
Nagtagumpay ito dahil perpekto ang tiyempo, noong taong 2009 kami ay nasa pinakamalaking pinansiyal na krisis sa nakalipas na isang daang taon at maging ang mga pinuno ng buong mundo na pinakanakinabang sa fiat banking system, habang nagpi-print sila nito araw-araw ay inilalagay nila sa kanilang bulsa, ay nagaalinlangan kung  ito ba ay makakasurvive. Nagtagumpay din ito dahil sa kung paano ito idinisenyo at ini-market, sa desentralisadong fashion, kung saan naging mas mahal para sa mga pinuno na habulin ang mga taong kasangkot, marahil dahil kailangan nilang ikulong ang mga batang coders at idealists na walang penalty record, at hindi pa din mapupuksa dahil ito at global movement na, samakatuwid, nagpasya silang wag nalang nilang -crack down ito tulad ng dati nang may brutal na cease and desists orders at hinayaang ang mga govermental agencies katulad ng mga banko na mag deklara ukol dito, sa gayon ang pagkumpirma dito at itinuturing nang hindi ito illegal gamitin to pag-invest-an.
Gayunpaman, gumamit sila ng ibang taktika para mapabagal ang paglago nito. Sa USA ay kinategorya nila hindi bilang pera, kunsi isang pag-aari, na naging dahilan para mga gumagamit na bilangin ito at posibleng magbayad ng capital gain tax sa bawat transakyon. Madaming iba pang bansa ang hindi pinahintulutan ang mga tradisyunal na banko nila para ilunsad ang anumang  serbisyo o produkto na gumagamit nitong mga bagong cryptocurrencies at ang mga komersyal na banko ay madalas na lumayo at nakita itong bagong kumpetisyon na di nakaisnais at sinara ang mga accounts ng mga kliyente nilang nakita nilang naginvest dito.
Gayunman, ang kanilang pinakamalaking tagumpay ay ang pag-inflitrate sa Bitcoin at pagbabago ng direkyon kung nasan ito naroroon, mula sa currency na naglalayong maging global peer to peer currency ay magbugay ng kalayaan sa ekonomiya sa buong mundo kahit na sa mga pinakamahirap, hanggang sa currency na naglalayong maging investment asset, kung saan ang onchain settlement ay abot kayang lamang sa pinakamayayaman at ang pagiiskala ay maaari lamang offchain bilang pangalawang layer, kung saan mas malaki ang counterparty na panganip at gastos.
Kaya't, kung bakit kailangan ang bitcoin cash na mag fork off, para hindi sumunod sa madilim na landas at sa halip ay ipagpatuloy ang maliwanag na landas kung nasaan siya, para maging global private currency, sikat sa nakararami dahil sa kanyang kilalang tatak, mura, mabilis at maaasahang onchain transactions, at mag madaming gumagamit. Madaming cryptos na ang sumubok na mag-alok nito, ngunit Bitcoin Cash ang may pinakamahusay na pagkakataon na maging ganito."

Q10: Pinahihintulutan ng Bitcoin cash ang mga tao mula sa thrid country na mag-adopt dito bilang daluyan ng pagbabayad ay ang konumidad ng BCH at naglalari bilang Vital role dito. Ano ang maipapayo mong gawin ng mga tao sa ganitong bansa para maging matagumpay at kumita ng pera sa ganitong kumonidad?
"Simple lang para maging maagumpay sa crypto world, pero mahirap ito ito gawin. I-save lang ag mga coins niyo, malamang ito ay tataas ang value, ngunit ang karamihan ay ibinebenta ito bago pa man mangyari iyon para sa makapagbayad ng iba't ibang klaseng bills. Subukan niyong magkaron ng masa madaming coins sa paglipas ng panahon sa pamamagitan ng pag-alok ng mahalagang bagay sa mga tao at humingi ng mapagkumpitensiyang presyo para dito. Maaari kang maging aktibo sa iba't ibang cryptos bilang isang marketer o coder o dikaya'y magbuo ng negosyo mula sa coins o dikaya naman ay magsulat para dito sa read.cash. Maging maingat sa madaming scams, at matuto kung paano i-secure ang ligtas ang iyong mga coins, dahil ito ang wild west ng internet na madaming kalokohan at nakawang nagaganap."

Q11:Masasabi kong pagtapos ng pagkakalantad ng iyong pagiging mapagbigay na donasyon sa maraming poryekto sa BCH community na maraming tao ang may mga ideya ang lumalapit sa iyo at nagjajangad na makuha ang iyong atensiyon.Anong payo ang maibibigay mo sa kanila upang makuha ang supporta mo?
"Respetuhin mo ang oras ko, kung kaya't maging maiksi at nasa punto kaagad. Ipakita mo sa akin kung paano ka makakatulong sa paglago ng Bitcoin cash, at matutuwa akong tulungan ka. Gayunpaman, madami ang nag-aalok ng kauntinghalaga, mas mahusay sa salita kesa sa paggawa, titignan ko ang track record mo, madalas sa mga nakaraan o aktwal na mga resulta. Mga kwento at pangako na bihira ko binibili. Maari mo akong makontak sa Telegram sa @MarcDeMesel "

Q12:Sa panghuli anu sa tingin mo kung paano magbabago ang BCH sa susunod na limang taon?
"Sa tingin ko ang BCH ay magpapatuloy na maging top 5 coin at maaring umakyat pa ng pwesto sa masket share. Salamat sa mga mas madaming tao sa paglipas ng panahon na mapagtanto na ito ang tunay na Bitcoi, garantisadong mura, maaasahan at mabilis na transakyon tulad ng sinabi ng sikay na si Roger Ver. kasalungat ng BCT kung saan ang pundasyon ay nagbago at nakikita natin na ang transakyon ay pataas ng pataas o dikaya'y ang paglago ay paunti ng paunti sa paglipas ng panahon."


Salamat @MarcDeMesel ang pasasalamat ko na binigyan mo ko ng oras para sa panayam na ito. Namangha ako sa mga sagot mo at ang pagbasa dito ay nakapagtanto sa akin hindi lamang ito panayam, ito ay karanasan ng 8 na taon na ibinahagi mo sa amin. Mapapdali sa isang tao na mailigtas ang kanyang 8 years sa pagbabasa lamang ng mga karanasan mo patungkol sa Cryptocurrencies at "paano ito gawin". Sa mga mambabasa, manunulat at sa @Read.Cash team masasabi ko na kayo ang mga totoong bayani sa kung ano ang BCH ngayon at kung kailan ito mangunguna sa lahat ng Crypto sa hinaharap. Sana katulad ko lahat tayo ay madaming matutunan mula kay Marc at dahil siyan pwede niyo po masundan ang channel niya sa youtube. Maniwala kayo na sa video niya matututo ka ng mga golden tips sa iba't ibang kaso.


Youtube Channel: https://www.youtube.com/user/Marcdemesel
Twitter account : https://twitter.com/MarcDeMesel
Telegram: @marcdemesel

6
$ 4.10
$ 3.00 from @MarcDeMesel
$ 1.10 from @ralak
Sponsors of Jdine
empty
empty
empty
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

Comments

Why don't you make the questions bold or italize the answers?? that can make it differ enhancing "clear" presentation for reading and also leave a link to the original content

$ 0.00
4 years ago

oh okay I'll do it. Thanks! hehe... oooh I didn't put the link cause it wasn't on the instruction. I didn't even tagged the host. Should I do that? Is it okay?

$ 0.00
4 years ago

...

$ 0.00
4 years ago

I am testing different things . So I can use full potential of this platform . I don't copy any one and I am glad when other follow my trend, this is why I do what I do So it can be done by masses , If you think as a marketer way its kinda free marketing of BCH , will help in adoption .

$ 0.00
4 years ago

You are really one of the people who knows what they're doing... I'm just curious, can I include your link in this post?

$ 0.00
4 years ago

I think you are mistaking

Once you complete it you can Send it to me on Telegram @ralaks or email me at ralaks31@gmail.com, Don't publish it on read.cash until I say to do it Thank you

This was what he wrote. He intends publishing it himself I must say that is why he is paying you to do it. I think so

$ 0.00
4 years ago

I sent it to his email and he replied to me saying I can publish it already and send him my article link but he never mentioned anything about tagging him so I didn't :)

$ 0.00
4 years ago

Ok

$ 0.00
4 years ago

thanks @ralak ... should I include you link too in my this article?

$ 0.00
4 years ago

Nice work there! I'm still on my own, hoping to get it done soonest. Well-done!

$ 0.00
4 years ago

Oh I see... What language are you translating it to?

$ 0.00
4 years ago