Surfing Sa Siargao Island

0 2998
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

Isa sa kilalang magandang Surfing spot ang Siargao Island. Ito ay tinaguriang "Surfing Capital of the Philippines". Ang Siargao Island ay matatagpuan sa Surigao Del Norte. Sabi nila hard to get daw siya pero worth it naman daw. Para sa akin, worth it na worth talaga ang lugar na ito. Sa magagandang tanawin palang, masasabi mo nang maswerte ka na nakapunta ka dito. Pwede ka din magrent ng bike at motor dito s alugar na ito.

May beaches (Doot beach, Secret beach, Pacifico beach, Alegria Beach), cave, natural pools, falls (Snta Monica pier at Taktak Falls), outdoor activies, sea of palm trees view, lagoon (Sugba lagoon), pwede din mag island hopping (Naked Island, Daku Island, at Guyam Island), Corregidor Island tour, at kung anu ano pa.

Sa mga mahihilig mag surfing, nandiyan iba't ibang surf breaks sa Siargao... Ang Cloud9 kung saan matataas ang alon at pang expert talaga ang mga nagsusurf dito. Ang Jasking horse kung saan pwedeng pwede sa mga baguhan sa pagsusurf. Ito din ay madalas na pinagte train-an ng mga baguhan. May mga training lessons na ginaganap dito. Stimpsy, perfect ito sa mga short-boarders. Sa rock Island naman, pag experts lang din ito. Sa mga experienced surfers na. Sa pacifico naman, isa din sa mga pinakamataas na alon ang meron dito. Sa secret beach perfect ito sa mga beginners. short and hindi mataas o malakas ang alon.

Sobrang ganda sa Siargao hindi mo aakalain na nasa Pilipinas ka. Tara na sa Siargao Island!

1
$ 0.00
Sponsors of Jdine
empty
empty
empty

Comments