Sino ka?

9 12

Naglilinis ako ng kwarto sa bahay namin na matagal nang hindi nagamit. Habang naglilinis ako, nakita ko yung mga lumang litrato naming magpapamilya kasama na doon ang litrato ng mga lolo at lola kong luma na din. Sa pagtingin tingin ko sa litrato may isang tao ako na napansin na laging nandoon sa lumang litrato ng lolo at lola sa gilid sa bawat lugar at okasyon. Hindi ko ito pinansin dahil inisip ko na baka kamag anak lang namin na hindi ko nakilala. Ngunit nagtaka na ako dahil kahit sa mga bagong litrato andoon pa din siya sa bawat litrato. Lagi siyang nasa gilid sa likod at nakatingin lang. Nagtaka ako kung bakit parang hindi naman tumanda ang itsura nito at kung sino ito. Kinuha ko ang mga litrato at ipinakita ito sa mama ko. Laking gulat niya ng makita ang litrato pero mas nagulat ako sa isinagot niya. Hindi daw niya kilala ang taong ito. Hindi ito madaling makita kapag hindi mo titignan ang larawan dahil nasa likod siya, sa gilid. At sa unang tingin iisipin mong hindi siya kasali sa picture. Ngunit ang nakakapagtaka ay kung bakit nandun siya sa picture na luma at picture na bago sa lahat ng picture na may okasyon o gatherings. Hanggang ngayon ay napapaisip pa din ako kung sino nga ba ang taong ito at kung bakit at paano nangyare na nasa picture siya at hindi tumatanda ang itsura niya.

3
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Jdine
empty
empty
empty

Comments

hala npa ka missteryoso nmn ng taong nkita mo s mga larawan na luma at ngaun nkita mo rin ang itsura niya sa mga larawan n bago pa lng at parang iisang tao kamo na hindi tumatanda. siguro ay kilala ng mama mo yun may nililihim lang siya sa iyo hindi ako sure ah palagay ko alng pero kung curious ka talaga dpt mag saliksik ka tungkol s mga nakita mo hehehehe.

$ 0.00
3 years ago

Fiction story lang po ito eh hehe. hindi po based on real life. Hehe. ayos po ba? hehe.. salamat po sa pag comment. at pagbabasa ng kwento ko :)

$ 0.00
3 years ago

O my totoo poba ito? Kasi kung totoo ang creepy naman. Pati tuloy ako napapaisip sa larawang nakita mo. Kung sino man siya o kung saan siya nanggaling ay paniguradong konektado siya sa pamilya niyo. Pero bakit ngaba di siya tumatanda? Sana may update po kayo kasi interesante yung article nyo

$ 0.00
3 years ago

fictional story po hehehe:) nakakatuwa naman na magugustuhan ng readers ko ang kwento at napapaisip din kayo. prasa sa akin, ibig sabihin maganda yung nagawa ko. cge po susubukan ko po siyang gawan ng part 2 pag may time na ako hehe

$ 0.00
3 years ago

Plsss po kasi ang ganda talaga ng nagawa niyo. Pero buti naman fictional lang siya kasi kinilabutan ako, kalamitan kasi diko tinatapos ang pagbabasa pero yung articel mo tinapos ko talaga kasi nakakapukaw talaga sya ng interest. I hope to read more of your fuctional stories. Ang masasabi kolang ay bravoπŸ‘πŸ‘πŸ‘

$ 0.00
3 years ago

actually habang sinusulat ko yan kinikilabutan din ako. madaling araw ko sinulat yan grabe ahaha. cge subukan ko makagawa ng part 2. isipin ko muna sino ba siya para makagawa ako ng part 2. kasi sa totoo lang ako din sa ngayon di ko pa alam sino siya ahaha..

$ 0.00
3 years ago

Bibisitahin ko iba mopang mga article, akala ko puro updates lang ang meron dito. Meron din palang mga stories. I love reading, kaya siguradong magugustuhan ko mga gawa mo. Pero gusto ko talaga malaman ang part 2, hahaha sans makaisip kana.

$ 0.00
3 years ago

mamaya try ko mejo may mga ginagawa kasi pag ganitong umaga. ang kulit pa ng anak ko hahaa. oo madaming iba't ibang articles dito. subscribe ka sa akin para pag may bago akong post magnotify sayo :)

$ 0.00
3 years ago

Thanks sa pag appreciate at sa compliments mo about sa article ko. naiinspire ako gumawa dahil dito. check my other articles too baka may agustuhan ka ding iba dun :)

$ 0.00
3 years ago