Bonuan Bluebeach, Pangasinan

0 34
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

Ang bonuan Bluebeach ay nasa Dagupan City Pangasinan na kilala rin bilang Bangus Capital of the Philippines. #-4 hours drive ito kung galing ka sa Manila. Matatahpuan dito ang 'Tondaligan People's Park', 'Japan-Philippine Friendship Garden', at 'Pangasinan Phil. Veteran's park Gen. McArthur Statue's site'. Dito din matatagpuan ang Central Bank of the Philippines Dagupan branch, PAGASA Dagupan branch, Justice Hall Dagupan, Dagupan City Jail, and the Delta Camp of the Philippine Navy Dagupan.

Kamakailan lang ay ni-rehabilitate ang lugar na ito. Mas pinaganda, at pinalinis. Meron na din park para sa mga bata na pwede mag slide at kung anu ano pa. Hindi white sand dito pero maganda pa din ang lugar. Libre ang pagstay dito basta hindi ka magrerent ng mga tents. Pwede ka magdala ng sarili mong tent, or malaking sapin para upuan at oaglagyan ng gamit mo.

Tuwing piyesta ng dagat, sobrang dami ang nagpupunta dito at madami ding mga activities na pwedeng gawin. Nandiyan ang banana boat, beach volleyball, at kug anu ano pa.

Ang mga fresh seafood, pwede mo maorder sa mga nagmamayari ng tent kahit pa hindi ka nagrent ng tent nila. Meron din namang mga tindahan o ihawan sa gilid ng kalsada at meron din retaurants kaya hindi mo kailangan magdala ng mga pagkain. Pero kung gusto mo makatipid, pwede ka magdala ng iluluto at humiram o magrent ng ihawan sa mga may ari ng tents.

Overall, ok naman siya, hindi whitesand pero mababait ang mga tao at malinis ang paligid at higit sa lahat matipid. Kaya pag napadpad kayo minsan sa Dagupan City, Pangasian, bisitahin niyo din ang beacg na ito. Hindi na din kayo magsisisi.

ctto to (C) @SaanKaJohn | @WhatsUpDagupan

1
$ 0.00
Sponsors of Jdine
empty
empty
empty
Avatar for Jdine
Written by
4 years ago

Comments