TAYO
Umupo ka muna, usap tayo.
Kwento mo naman lahat ng tungkol sayo.
Kasi sa palagay ko
Yung kwento mo ay may kwenta.
Kasi ako, wala naman akong kwenta sa kwento mo.
Gets mo? Ang gulo ko diba?
Kasing gulo ng nararamdaman ko sayo.
Ano nga ba ako sayo?
Kaibigan? Kasama? Katropa? Kakilala?
Madami pang pwedeng pagpilian, ayaw ko lang talaga malaman ang masakit na katotohanan-- Na walang tayo.
Meron lang ikaw at ako.
Ikaw na masaya sa piling niya,
At ako na nandito't nakatanaw sainyo.
Upo ka muna. Wag kang aalis
Usap pa tayo.
Kwento mo sakin ang halaga ko sayo.
Kwento mo kung ano nga bang kwenta ko sa buhay mo
Kung meron ba o wala.
Kwento mo lahat ng gusto mo.
Nandito lang ako, nakikinig sayo.
Nandito lang naman ako lagi para sayo.
Upo ka lang, wag kang magmadali. Ikwento mo lahat ng gusto mo.
Upo ka lang.
Darating din naman yung oras na aalis na tayo eh
Darating yung oras na tatayo na tayo.
Kwento ka pa ng marami.
Ikwento mo kung gaano tayo kasaya dati.
Ikwento mo lahat, wag kang magmamadali.
Ikwento mo kung totoo ba ang mga ngiti sa mga labi mo tuwing magkasama tayo. Tapos ka na ba?
May ikukwento ka pa ba?
Ako naman, pwede ba?
Pwede bang ako naman?
Ikukwento ko kung gaano ako kasaya sa tabi mo kapag magkasama tayo. Ikukwento ko kung paano mo binigyan ng kasiyahan ang puso ko. Ikukwento ko ang lahat ng nararamdaman ko--
Lahat ng sakit na aking dinanas,
Lahat ng luhang aking ikinubli,
At lahat ng sugat sa aking puso
Masabi ko lang na ayos lang ako kapag tinatanong mo,
Maipakita ko lang na okay lang ako kapag nakikita kitang masaya sa piling niya, Na hindi ako nasasaktan,
Na hindi ako nagdaramdam.
Pagod ka na ba?
Itigil na natin to.
Masyado na pala tayong natagalan.
Pero kahit gaano tayo katagal dito,
Hindi parin sapat yun para maikwento natin lahat ng alaala na meron tayo. Pero ito na yung oras eh.
Tatayo na tayo.
Biruin mo yun, kahit sa simpleng paraan ay nagkaroon ng "tayo".
Pero ang sakit lang isipin na kahit nagkaroon ng tayo,
Tuloy pa rin ang pamamaalam at paglayo.
Kasi, yung tayo na yun ay simula ng isang proseso ng paglimot; Paglimot sa mga sakit at poot na dala ng isang malungkot na kahapon. Tara na, simulan na nating maglakad.
Maglalakad tayo sa magkahiwalay na direksyon palayo sa isa’t–isa. Ikaw, palayo sa ating masasayang alaala.
At ako naman, papunta sa mga piraso ng aking puso.
Pupulutin ko lang, di mo naman kasi pinansin nung nahulog eh.
Nahulog pagkatapos ay nadurog
Nadurog pero pinabayaan ko lang.
Masaya ka na naman eh.
Ano, paalam na? Aalis ka na ba?
Ingat ka, patawad kung masyado kong naubos ang oras mo.
Patawad kung pinagod kita sa kaka-kwento sa kung anong meron tayo
Sa kung anong meron tayo pero kinalimutan mo,
Sa kung anong meron tayo na inaasahan ko.
Oo nga pala, walang tayo
Meron lang palang ikaw at ako.
O sige na, masyado nang mahaba ito.
Sisimulan ko na ang paglayo.
Masyado pa kasing malayo ang lalakbayin ko.
Ingat ka ha? Mahalaga ka sa akin.
Ayaw kong may mangyaring masama sa’yo,
Dahil mahal kita.
TAYO Umupo ka muna, usap tayo. Kwento mo naman lahat ng tungkol sayo. Kasi sa palagay ko Yung kwento mo ay may kwenta. Kasi ako, wala naman akong kwenta sa kwento mo. Gets mo? Ang gulo ko diba? Kasing gulo ng nararamdaman ko sayo. Ano nga ba ako sayo? Kaibigan? Kasama? Katropa? Kakilala? Madami pang pwedeng pagpilian, ayaw ko lang talaga malaman ang masakit na katotohanan-- Na walang tayo. Meron lang ikaw at ako. Ikaw na masaya sa piling niya, At ako na nandito't nakatanaw sainyo. Upo ka muna. Wag kang aalis Usap pa tayo. Kwento mo sakin ang halaga ko sayo. Kwento mo kung ano nga bang kwenta ko sa buhay mo Kung meron ba o wala. Kwento mo lahat ng gusto mo. Nandito lang ako, nakikinig sayo. Nandito lang naman ako lagi para sayo. Upo ka lang, wag kang magmadali. Ikwento mo lahat ng gusto mo. Upo ka lang. Darating din naman yung oras na aalis na tayo eh Darating yung oras na tatayo na tayo. Kwento ka pa ng marami. Ikwento mo kung gaano tayo kasaya dati. Ikwento mo lahat, wag kang magmamadali. Ikwento mo kung totoo ba ang mga ngiti sa mga labi mo tuwing magkasama tayo. Tapos ka na ba? May ikukwento ka pa ba? Ako naman, pwede ba? Pwede bang ako naman? Ikukwento ko kung gaano ako kasaya sa tabi mo kapag magkasama tayo. Ikukwento ko kung paano mo binigyan ng kasiyahan ang puso ko. Ikukwento ko ang lahat ng nararamdaman ko-- Lahat ng sakit na aking dinanas, Lahat ng luhang aking ikinubli, At lahat ng sugat sa aking puso Masabi ko lang na ayos lang ako kapag tinatanong mo, Maipakita ko lang na okay lang ako kapag nakikita kitang masaya sa piling niya, Na hindi ako nasasaktan, Na hindi ako nagdaramdam. Pagod ka na ba? Itigil na natin to. Masyado na pala tayong natagalan. Pero kahit gaano tayo katagal dito, Hindi parin sapat yun para maikwento natin lahat ng alaala na meron tayo. Pero ito na yung oras eh. Tatayo na tayo. Biruin mo yun, kahit sa simpleng paraan ay nagkaroon ng "tayo". Pero ang sakit lang isipin na kahit nagkaroon ng tayo, Tuloy pa rin ang pamamaalam at paglayo. Kasi, yung tayo na yun ay simula ng isang proseso ng paglimot; Paglimot sa mga sakit at poot na dala ng isang malungkot na kahapon. Tara na, simulan na nating maglakad. Maglalakad tayo sa magkahiwalay na direksyon palayo sa isa’t–isa. Ikaw, palayo sa ating masasayang alaala. At ako naman, papunta sa mga piraso ng aking puso. Pupulutin ko lang, di mo naman kasi pinansin nung nahulog eh. Nahulog pagkatapos ay nadurog Nadurog pero pinabayaan ko lang. Masaya ka na naman eh. Ano, paalam na? Aalis ka na ba? Ingat ka, patawad kung masyado kong naubos ang oras mo. Patawad kung pinagod kita sa kaka-kwento sa kung anong meron tayo Sa kung anong meron tayo pero kinalimutan mo, Sa kung anong meron tayo na inaasahan ko. Oo nga pala, walang tayo Meron lang palang ikaw at ako. O sige na, masyado nang mahaba ito. Sisimulan ko na ang paglayo. Masyado pa kasing malayo ang lalakbayin ko. Ingat ka ha? Mahalaga ka sa akin. Ayaw kong may mangyaring masama sa’yo, Dahil mahal kita.