Privilege

16 21
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

March 5 2022

Kuwait 10:05 pm

Hello mga kaibigan ko ,isang magandang araw ang aking pag bati sa inyo,na miss ko kayong lahat, mga ilang araw din akong di nakapag sulat,sapagkat sobrang busy ko ng mga dumaang mga araw ,meron kasi ako ngayong part time job,sa isang Linggo isang besee akong mag lilinis sa bahay ng tatay ng amo ko mga dalawang oras lang akong mag tatrabaho kasi maliit lang naman ang bahay. 20kd sa isang buwan nasa $150 din,kaya kinuha ko tinanggap ko na lang Yong offer.

=====

Pero hindi ito ang aking ibabahagi sa inyo,kung hindi gaano ka swerte ang maging isang kuwaity.kung ano ang kanilang nakukuhang tulong sa kanilang gobyerno.di naman ligid na ang Kuwait ay isang mayaman na bansa lalo na sa gas at natural oil.kaya nasusuportahan nila ang kanilang mga mamamayan.sa lahat ng kanilang pangangailanagan.

Katunayan simula pagkaanak ng batang kuwaity meron na itong sustento na matatanggap kada buwan sa halagang 50kd.at libre din sila sa paaralan,sa medical at maging kung mag aral na din sila ng kolehiyo sa ibang bansa sila ay patuloy na sinusoportahan ng kanilang gobyerno.

At pati kung sila ay mag aasawa na at maging sa pabahay.napuputol na lang ang buwanang pension pag sila ay may trabaho na pero kung mag senior na ay mag sisimula na ulit ang kanilang pension.

Pero itong mga prebilihiyo na ito ay sa mga purong kuwaity lamang kung ang magulang mo ay isa lang ang kuwaity di ka makakatanggap ng buong prebilihiyo.kada lugar dito ay may isang super market na para sa kuwaity na kung saan makakaboli ka ng murang bilihin halimbawa ang isang kaban na bigas kung sa normal price ay 25kd sa kanila ay 12.50kd lamang.meron talaga silang kanila na pamilihan na tinatawag na supply ng mga kuwaity,

Nakaka avail din diyan ang aking mga amo kasi may kaibigan sila na kuwaity na ginagamit na card kasi Di niya na gagamit ang kunsumo niya kada buwan.kaya ipinapasa sa aking amo.ng kalahati na presyo kumpara sa normal na presyo. Kagaya ng bigas,asukal, gatas,mantika,manok,ayan nabibili niya ng mura.

Ang sarap sana kung may ganito tayo na gobyerno.pero paano nga ba mag kakaroon ang ating gobyerno ng ganito kung wala naman nakukunan ng natural na yaman? Kalimitan pa nga sa mga naka upo sa gobyerno natin na sila sana Yong aasahan ng taong bayan,pero ang nangyayari ay sila pa ang sinisimulan ng pag hihirap ng tao.

Kaya sana itong darating na election sa ating bansa ay magising na sa katotohanan ang mga tao,pumili ng nararapat na ma mumuno sa ating bansa.at nawa kung sino man ang siyang maloklok sa pwesto ay gabayan siya ng Ginoo sa tamang landas na kanyang tatahakin,at Di lamang pang sarili na kapakanan ang kanyang isipin kung Di sa kapakanang ng lahat ng mamayan Pilipno.parq sa ikauunlad ng ating bansa.

Maraming salamat sa inyong pag basa .hanggang dito na po lamang hanggang sa muli. Lead images from Google

Love

Jay997

7
$ 1.06
$ 0.88 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.03 from @Ling01
+ 4
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Comments

Mayayaman ba halos citizens dyan Sis?

$ 0.01
2 years ago

Mostly sis

$ 0.00
2 years ago

Maganda yung pamamalakad ng gobyerno nila jan sis noh? Kaya walang Kuwaiti na naghihirap eh.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis kita mo naman Yong mga kuwaity mayaman

$ 0.00
2 years ago

Wow! Maganda pala government diyan sis. Ngayon ko lang alam. Sana ganyan din satin sis nuh. Ganyan yung government natin. Ang ganda siguro pero di natin alam kung kailan yan mangyari sa bansa natin sis. Sana soon sis.

$ 0.01
2 years ago

Mukhang malabo ito sa ating bansa sis

$ 0.00
2 years ago

Wowww gnyan kaganda ang pamamahala ng Kuwait pala sis. Now ko lng nalaman yan at sana mn lng umabot sa pinas yan no.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis ganyan kaganda

$ 0.00
2 years ago

Maganda talaga ang pamamalakad sah government nila Dyan sis, kaya ganyan, plus every month may matatanggap pah sila galing sah government.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis kasi isang pamilya lang ang namumuno dito Al sabah lang transfer lng ng transfer

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis ehh, kaya hindi talaga corrupt.

$ 0.00
2 years ago

Oo sis kadi isang lahi lng ang namamahala

$ 0.00
2 years ago

Maliit lang din kasi ang population ng mga kuwaite sis kaya maliban sa petrol na meron sila kaya na susuplayan sila ng government.

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis ,at sila din ang may pinakamataas na currency ng pera

$ 0.00
2 years ago

Ah, wow naman. Yes, if full kuwaity citizen nga ang dami privilege.

$ 0.01
2 years ago

Oo madami halos lahat nakukuha nila

$ 0.00
2 years ago