Pamilya

13 27
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago
Topics: About family

Ang sarap isipin na ang bawat pamilya ay buo at masaya.pero ang reality hindi lahat buo at masaya ,di din naman lahat kasing lungkot,kung anong nasa iyo minsan ayaw mo,kung ano namang wala sayo yon ang hinahanap mo,sabi nila mapipili mo mga kaibigan mo pero di ang pamilya mo,dahil bago mo pa piliin at panindigan o kalimutan mahalin at kamuhian.sa simula sa kanila ka saiyo sila.sa simula wala munang ikaw kung walang naging sila.

Mag kababata si Gabriel, Aries, at Rita sa Probinsiyana pero mayaman si Aries trabahador sa kanilang hacienda ang mga magulang nila ni Gabriel at Rita silang dalawa ay magka sintahan.

Habang pinapanood nila sa Rita na kumakanta sa isang singing contest ng kanilang baranggay tuwang tuwa si Gabriel sa kanyang nobya, pero lihim din palang humahanga si Aries dito.napaka swerte ko talaga saiyo mahal sabi ni Gabriel bukod sa maganda kana magaling pang kumanta , na lalo namang ikinainggit ng kaibigang si Aries .

Nag babalak na silang mag kasintahan na magpakasal ngunit tutol dito ang mga magulang ni Rita ,sapagkat gusto nila si Aries para dito.at ipinag kasundo ng kanyang ina si Rita sa ama ni Aries. At masamang masama ang loob ni Rita ,pero sabi ng kanyang ina may sakit ang kaniyang ama at kailangan na ipagamot.labag man sa loob ni Rita wala siyang nagawa dahil mahal niya ang kanyang mga magulang.

Idinaos ang kasal nila Aries at Rita habang sa isang sulok nanonood si Gabriel ng kasal na lumuluha pero wala siyang magawa kung di tanggapin ang kapalaran.

Lumipas ang mga panahon na nag karoon ng anak si Aries at Rita ngunit masama ang ugali ni Aries sinasaktan siya nito .hanggang di na niya matiis ang pakisamahan ang asawa nag balak siyang takasan at dalahin ang mga anak.subalit nakita siya nito habang itinatakas ang mga anak kaya sinaktan siya nito at Di niya nakuha ang lahat ng kanyang mga anak kundi ang bunso lamang ang kanyang nadala.nag balak din siya na balikan ang mga bata pero inilayo na ni Aries ang mga anak nila dinala niua sa ibang bansa at doon sila nanirahan na mag aama.

Malungkot man mahirap pero kailanniyang itaguyod ang kanyang bunsong anak.hanggang isang araw ay nagkita silang muli ni Gabriel at handa siyang tanggapin ang mag ina at aring kanyang anak ang bunso nila Rita.sapagkat mahal pa din niya ito.at sila'y nag sama na parang totoong pamilya masaya silang tatlo.

Tay sigaw ni nikka tingnan mo ang taas ng aking grado,tuwang tuwang balita ni nikka sa kanyang ama,mana talaga ako saiyo tay,at masayang kinarga ni Gabriel si nikka ,Halika nga dito nakakatuwa ka talaga .sabi ni Gabriel.

Ngunit isang araw may natanggap silang balita na bumalik na sa Pilipinas ang mag aama ni Rita.natakot man si Rita pero kailangan niyang harapin ang dati niyang asawa para sa kanyang mga anak na matagal na din niyang di nakikita.kaya gusto niyang makausap ang dating asawa para makita ang mga anak.

Nag paalam siya kay Gabriel na kailangan niyang kausapin si Aries para sa mga bata ,at pinayagan siya nito at ipinag tapat na din nila kay Nikka kung sino ang tunay niyang ama.masakit man kay Gabriel pinayagan siya ni nito na makipagkita sa dating asawa.pero tuso si Aries gusto niya na bumalik sa kanila silang mag iina kung gusto niyang maging inang muli sa kanilang mga anak .

Mahirap man pero pumayag si Rita alang alang sa mga bata na muli silang mabuo na pamilya, mahal ni Rita si Gabriel pero para sa kanyang mga anak at mabuo muli ang kanilamg pamilya pinili niya ang kanyang sariling pamilya.galit man sa kanya ang kanyang dalawang anak pero dahil sa kanyang pag mamahal at pag aasikaso sa mga ito ay muling nanumbalik ang pag mamahal nila sa kanilang ina .

Muling nag paubaya si Gabriel sapagkat mahal niya si Rita at nikka.at sa huli naging maayos ang kanilang pamilya sapagkat sila ay nag kapatawaran.

Kung mahal mo ang isang tao handa mong isakripisyo ang lahat maging maligaya lamang siya ganon ang nag mamahal.at ang pamilya kahit na anong sakit anong kasalanan na nagawa sa huli pamilya pa din sila na kailangan na mag damayan at mag patawaran.

Maraming salamat sa pag sama hanggang sa muli.

Love

Jay997

March 30 2022

11:30 pm

11
$ 1.38
$ 1.33 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @MommySwag
$ 0.02 from @BCH_LOVER
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago
Topics: About family

Comments

Ang pagmamahal ng ina ay walang katulad,gagwin ang lahat mapasaya lamang ang mga anak,saludo ako kay rita isa siyang dakilang ina.

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis ganyan talaga ang ina

$ 0.00
2 years ago

At kahit ano mangyari, sa pamilya parin tayo makaka feel ng totoong pagmamahal at aruga. Based sa experience ko ngayon ha. Medyo matagal akong nawala sa kanila pero once umuwi ako, grabe yung pa welcome nila.

$ 0.01
2 years ago

Korea ka diyan sis,bakit saan ka ba ng galing

$ 0.00
2 years ago

Bigla akong na sad. May mga babae talaganh kaya magsacrifice alang ala sa mga anak. At bibihira sng mga katulsd ni Gabriel.😢

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis meron talagang mga babae na ibibigay ang lahat alang alang sa mga anak,maynawain at mapag mahal si Gabriel handang isakripisyo ang lahat maging masaya lamang ang kanyang mahal

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga sis. Wala ng makikitang katilad ni Gab, at kasing martir ni Rita.

$ 0.00
2 years ago

Tama dahil sa anak kaibigan kahit ano pa man ang pinagdadaanan ay pilit pa ring maibabalik ang magandang samahan. Sa bandang huli marerealize ang ating pagkakamali

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis ,basta may handang mag patawad at umunawa ang nasira ay mabubuong muli

$ 0.00
2 years ago

Ang ina gagawin lahat para sa anak kahit pa sariling kaligayan handang isakripisyo,masakit man pero kailangan niya pagpaubaya para sa mabuo ulit ang pamilya niya alang alang sa mga bata

$ 0.00
2 years ago

Balik-baliktarin man ang mundo, ang pamilya ay pamilya mo habang buhay. Kahit minsan nasasaktan ka at napapagod pero lahat ay kakayanin alang-alang sa mga anak. Hanga din ako kay Gabriel, minahal niya pa din si Rita sa kabila ng lahat at handa siyang magpaubaya ulit para lang makasama ulit ni Rita ang kanyang mga anak

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis kahit anong mangyari pamilya pamikya pa din, Ganon daw sis pag nag mamahal pipiliin na mag pa ubaya para sa ikaliligaya ng kanyang minamahal

$ 0.00
2 years ago

Yan ang tunay na pagmamahal sis, handang magparaya para sa ikakaligaya ng kanilang minamahal

$ 0.00
2 years ago