Taguan
Noong panahong maliliit pa kame mahilig kame mag laro ng tagutaguan ng aking mga kalaro kung saan saan kame nakarating sa PAg tatago huwag lamang kaming makita ng manghuhuli sa amin . Pakiramdam ko para aKong nakalaya sa kung saan basta oras na ng laro takbo tago . Para kang isang malayang bata sa mga panahong nag lalaro .di alin tana Ang pagod pawis init kahit mag dumi pa ang mga damit siksik sa kung saan makatago laang. Nang biglang may sumitsit sa akin at ang sabi Dito ka dali dini ka magtago di ka mahuhuli PAg Dito ka tumago at ako naman ay sumunod sa kanyà ,mukhang malayo na yong aming nararating sabi ko sandali wala na yong mga kasamahan ko. Sabi naman niya hayaan mo na lng sila Dito di ka makikita di ka din nilà mahuhuli , patuloy pa din ang aking pag sama dahil ayaw ko nga na ako ay mahuli,at ang ganda na ng aming pinuntahan mga nadadaanan na magagandang Hardin na parang noon ko lng siya nakita . parang isang paraiso ang kanyang tahanan . Nasayahan ako sa king mga nakita at hanggang nakalimutan ko na Ang mga kalaro ko . Dinala Na niya ako sa lugar kung saan madaming pagkain na parang ang sasarap. Ang sabi niya sa akin kumain ka masarap ang lahat ng ayan . Pero sabi ko sandali bibigyan ko ang mga kalaro ko para makakain din sila pero ayaw na niya ako pabalikin Kasi malayo na daw yon sa aking pinanggalingan Dito na lamang daw ako tumira sa kanyang lugar , pa ako mapapagod kagaya ng andon ako sa amin . Ang lahat daw ay aking magagawa doon sa kanyang lugar kahit ano.pero Ang sabi ko Hindi gusto kung bumalik sa amin hahanapin ako ng aking mga magulang at nang aking mga kapatid mas masaya ako doon sa amin kaya ayaw ko di ko gusto Dito. Pero hinahawakan pa din niya ako sa kamay para di ako maka alis hanggang hinarangan na din ako ng iba pa niya na mga kasamahan na di ko alam kung saan Ng galing bigla silang dumami ang liliit nilang lahat .ako ay tumakbo na lng ng tumakbo at ng di ko napansin na may balon pala doon at akoy nahulog. Buti na lng nahulog ako sabay ng aking pag hulog ang aking pag gising...alam mo ba yong tulog ka tapos bigla kang nahulog sa panaginip ayon nanaginip laang pala ako ng gising. Kathang isip lang po ito sumusubok gumawa ng isang kathang isip na story .sana nagustuhan nyo gusto ko Sana mag try ng isang nakakatakot pero parang di ko kaya ako yata yong unang matatakot baka di ako makatulog sa takot. Samalat po sa aking mga taga basa at sa mga upvoters ganon din po sa aking mga sponsors gusto ko po sila ipakilala sa inyo . Lead photo from Facebook
#32 October 27 2021 9:40 kuwait Love Jay997
30 comments
Semi bangungot na yon sissy kung dika nagisung agad
Mabuti na nahulog sis kaya nagising sa katotohanan
Nakakatakot ang ganong panaginip sissy, ang iba sabi aasawahin ka ng mga di nakikita
Naku ayaw ko noon may asawa na ako
Pero kapag engkanto daw may gusto sissy mahirap takasan db
Nahulog din ako sa kwento mo sis hehe😁
Nahulog ka din ,buti nga nahulog ako eh
Grabe kaya yong feeling kapag nahulog o nadulas sa panaginip, yong kaba sobra sobra,😅
Oo sis parang totoo
Tagutaguan maliwanag ang buwan magtago na kayu at huhulihin ko hihi naalala ko tuloy ang kabataan sis.
Ang saya nga noong maliit pa
Akala ko sis totoo.. Hehehe... Pero alam mo parang nabasa ko dati na kapag daw biglang parang pakiramdam na nahuhulog ka habang natutulog, biglang baba daw ng dugo kapag ganun... Pero di po ako sure ha..
Ay talaga now ko lng din nalaman ,Kasi bigla ka talagang nagulat eh
Ou.. Ramdam ko yun minsan.. Yung nagising ka dahil para kang nahulog sa malalim na balon.. Biglang babba daw ng blood pressure ata kapag ganun.. Either biglang baba or biglang taas.
Wala na atang naglalarong tagu taguan hehe
Mukhang puro gadgets na Ang hawak
Kakatakot naman kung totoo yun sis heheh.
Kaya nga eh
Mga kathang isip na minsan sabi ng iba ay totoo na may mga engkanto. Noong kabataan namin pagkagat ng dilim hindi na kami pinapalaro ng tagu tagoan. Ang ganda ng storya mo lods hehe
Salamat Lodi at nagustuhan BMO ,ayon din ang sabi noon ng matatanda
Mahilig din kami maglaro ng tagu tagoan dati sis..at may mga ganito din akong naririnig kaya hndi na kami pinaglalaro lalo na pagsasapit na ang alas saes ng hapon, kc baka daw makasagi kami ng mga engkanto.
Oo nga nga daw sis kaya PAg ganyang iras pinapatigil na kme
Kaya nga sis..kaya usong uso ung tabi tabi po 😂😂 lageh kaming sinasabihan na magtabi tabi po para daw Di mamaga mga paa namin..
Ay oo totoo yan kami kung iihi kung saan saan kahit hanggang ngayon PAg may pinasok ako na Cr ,tabitabi pi makikiihi po.
Hahahaha ako din sis... parang naging ugali na natin yan kc kinalakihan natin
Hehhe ganon ka din para talagang iuusal mo na talaga sa sarili
Akala ko totoo Sis, pero maganda sya akala ko dinala ka ng engkanto
Natatawa talaga ako sa sarili ko first time ko gumawa ng ganitong story sa edad kung ito
I have a bad memory about taguan, kasi nong elem days ko, naglalaro kami ng taguan ng schoolmates ko, ako ang taya, tapos nong hahanapin ko na sila, nagkabangga kami ng isa kong kalaro, napuruhan sya sa mata. Kaya ayoko na sa laro na yan.
Naku Ang sakit noon ,di knà ulit nag laro