My friend

13 25
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Good day to all my read.cash family I hope all of you are fine.

My Indiana friend

Ibahagi ko sa inyo Ang aking kaibigan na Indiana ,

Mabait itong kaibigan ko na ito maganda at magaling din siya magluto.

At mabuting kaibigan siya ang nag turo sa akin noong panahong bago pa lng Ako Dito sa kuwait,

katulong siya ng nanay ng amo ko lahat ng trabaho at pagluluto siya ang nag turo sa akin.

Kahit paano malaki ang naging tulong ng Indiana sa akin kahit di ko siya kalahi.

Bawal ang cellphone

Noong mga panahon na ayon bawal ang cellphone pero meron siya na cellphone.

Kahit ilang ulit na din siya na huli na may cellphone kinuha sa kanyà bibili ulit yan.

Tinatago niya lng ,noon nga na bago ako at kita niya na talagang lungkot

Lungkot ako alam na niya papahiraramin niya ako ng cp niya para makatawag sa amin.

Kahit paano di ako gaano nalungkot kase may ka kwentuhan ako .

kahit na minsan di kame masyado magka intindihan ng salita.

Natatawa ako sa kanyà dati kase ng padating na Ang amo nya at may kausap

Siya sa cellphone nya kung saan saan nya sinasaksak cellphone nya .

meron sa Dede nya sa tiyan nya .talagang matatawa ka sa kanya.

At my time pa na nag huhugas siya ng pinggan tapis biglang dumating ang amo nya

inilaglag talaga niya sa lababo Ang cellphone nya huwag Lng siya mahuli.

Tapos noon tawanan naman kame na dalawa kase nabasa ang cp nya.

Nakailang cellphone na siya ng nabibili pero parang okey lng sa kanyà.

Binigyan niya ako ng cellphone

Yong unang cellphone niya dati ay kinuha ng amo niyang babae

Tapos pilit na pinapa open sa kanyà nag matigas siya na di nya daw na alam ang

password kase na matay yong cp na low battery pero alam nya di lng talaga nya binuksan.

Pero yong cp na ayon ay di sa bahày nila itinago kundi doon sa kaibigan ng amo nya.

Nag lilinis din siya Doon sa bahày ng kaibigan ng amo nya at nakita niya doon.

Na nakalagay lang sa drawer palagi pa din nya na nakikita doon hanggang sa tumagal na andon pa din.

Isang araw sabi nya sa akin kukuhain niya daw yong cp nya kanyà naman yon.

Sabi ko baka mapagalitan ka malaman na kinuha mo.

Saninniya sa akin (kaliwali) salitang Arabic na hayaan daw parang ganon kase kanyà naman yon.

Tapos di ko akalain na ibibigay niya sa akin bawal kase ako mag cp ayaw ko

namang mag sabi na bibili ako kc nga di nila Ina allowed na mag cp Ang katulong

Sabi nya sa akin itago kung mabuti para di nila malaman na may cp ako.

kung di lagot kame na dalawa at ganon nga yong ginawa ko .

Ginagamit ko lng ang cellphone pang txt sa aking pamilya Umaga PAg gising

At bago matulog yon lng ang aking pag gamit.tapos nag charge ako PAg wala sila

Di ko din dinadala kung saan kame pupunta iniiwan ko.

At di nilanyon nalaman na may cellphone ako hanggang sa natapis Ang contract ko.

Kase ginamit ko lngvtalaga siya sa akin pamilya pang txt at call at napakalaking

Tulong noon sa akin noong panahon na ayon .

Na in love Ang Indiana

Alam ko na may boyfriend Ang kaibigan ko pero tahimik lng ako di

ako nag kwento sa amo ko o kahit na kanino.

isangaraw nag kwento Ang Kaibigan ko sa akin na may boyfriend siya.

Doon sa building nila nag wowork bilang isang technical minsan siguro napunta sa bahày nila .

para mag ayos ng anumang sira palibhasa iisa ang salita nila pero di sila magkalahi.

Isang araw na nangyari na andon kame ng alaga ko isinama kame ng nanay palabas

tapos di sumama Ang Indiana siya lng ang naiwanan sa bahay.

Pero kaagad agad din Naman kame na bumalik, gabi noong mga panahon na ayon.

Nag doorbell na kame sa bahày nila tapos ang tagal niya na nag bukas ng pinto.

Sabi ng matanda bakit ang tagal mo mag bukas,sabi niya nag lilinis siya sa balcony

Noong nasa kusina na kame na dalawa sabi niya sa akin andon Ang bf nya .

Nagulat ako bakit mo pinapunta Dito,pero sabi niya pinalabas daw niya doon sa balcony.

Sabi ko di naman kaya siya makita doon ,pero ang kasamaang palad

PAg labas niya ng balcony doon dumaan sa gilid ng building sa gilid din ng

balcony ng ibang mga bahày at may nakakita sa kanyà na kalahi ng nanay ng amo niya.

okey lng sana kung hindi gabi kase hindi ka hinahinala sapagkat doon Naman siya nag tatrabaho.

Isang araw siguro nakapag kwento Ang kapit bahày na may nakita na tao na dumaan doon sa

balcony nila hanggang parqng nagkahinala na Ang amo niya sa kanyà.

Kaya sinabihan ko siya na mag ingat àt mahirap na .

kalahi pa naman ng amo niya ang ibang workers sa building na ayon baka

pinapasubaybayan na sila ayon ang sabi ko sa kanyà.

Araw araw kada hapon andon kame ng aking alaga sa bahày nila doon kame iniiwan ng aking amo

Nag kita Ang mag bf

Isang hapon tapos na kame kumain sa kanilang bahày.

pahinga Ang lahat ang amo niya tulog pati Ang kanyang alaga na binata.

Kame ng alaga ko ay nanonood ngbtv sa sala at pinapatulog ko na din.

Nag sabi siya sa akin na baba siya kase matagal na din sila na di nag kikita ng bf

niya simula noong nag pinadaan niya sa balcony siguro na miss na nila Ang isat isa.

Sabi ko saan kayo mag kikita ?sabi niya sa second floor daw may bakante na flat na walang nakatira.

mag usap lng daw sila na dalawa sabi ko bilisan mo ha abka hanapin ka.

Sabi niya sa akin di ko isasara Ang pinto tapos buksan daw niya ang tubig sa banyo

at binuksan nga niya at inilock pa niya pero na sa kanyà ang susi ng banyo.

PAg daw nag tanong sa kanyà sabikin ko na naliligo siya.

Pero sinabihan ko siya na bilisan niya kase baka hanapin siya .

Mga tulig naman daw kaya di siya hahanapin tapos ,

Tapos umalis na nga siya di niya inilapat Ang pagkakasara ng pintuan.

Kase PAg binuksan niya yan maingay malalaman na lumabas siya.

Bago siya umalis iniwanan niya ang cp niya itinago sa ilalim ng sopa .

Sabi niya sa akin tawagan ko daw bf niya oag hinanap na siya.

Bigla naman lumabas ang alaga niya na lalaki at hinanap siya sabi ko na cr

dinig niya na bukas Ang tubig siguro tinawag niya walang nasagot tapos bukas Ang pinto.

Doon na nag hinala Ang alaga niya ginising Ang Ina galit na galit Ang laki ng mata.

Alam na nila na wala si shiela sa bahày sa takot ko sinabi ko na baka bumili ng load.

Nag kagulo na silang lahat hinanap sa baba di siya makita di ko na din siya matawagan.

Hanggang Ang mag asawa niya na amo ay galit na galit na biglang bumukas Ang elevator.

sinalubongbagad siya ng sampal ng amo niyaat tanong kung saan ka galing.

Mabuti na lng sabi niya bumili siya ng load a ganon din yong sabi ko.

Pero Ang di malusutan ay ang PAg bukas niya ngbtubig sa cr at PAg lock.

Hanggang nagalit na din sa akin ang matanda pero tahimik lng ako.

Ganon din ang amo ko nagalit din bakit ko daw siya pinagtatakpan .

Ano ba ang sasabihin ko ang totoo na may bf siya wala silang narinig sa akin.

Hanggang ipinag bawal na sa amin ng Indiana na mag kita o mag kausap.

Pero ok lng naman sa amin na dalawana di nag kita at mag kausap

accept ko na nag kamali ako dahil sa PAg takip ko sa kaibigan ko.

Hanggang sa phone na lng kame nag uusap Kumusta pero di kame pareho nag salita.

Hanggang nakauwi siya sa India may kumunikasyon pa din kame ng mga ilang taon.

Na miss ko talaga siya naputol na din ang kumunikasyon namin ngayon.

Message

Di Naman siguro masama na suportahan mo ang kaibigan mo pero yong nasa tamang lugar lng . Na hanggang maari huwag masisira Ang oagkakaibigan nyo.

Salamat po sa PAg basa ng aking maikli na article thanks sa king mga upvoters at readers

Salamat pi sa support nyo at Kay @TheRandomRewarder thanks sa PAg visit ng mga article ko. Sà aking sponsorship maraming salamat

Love

Jay997

6
$ 2.20
$ 2.10 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @GarrethGrey07
$ 0.02 from @Sweetiepie
+ 3
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Comments

Ang naughty ng friend mo ate hehe daming kalokohan hehe

$ 0.01
2 years ago

Ay sinabi mo pa , mabuti na nga lng na nakauwi siya ng maayos

$ 0.00
2 years ago

Oo nga po eh bait pa rin Lord hindi siya nagpapabaya hehe

$ 0.00
2 years ago

Naku naman, minsan jan tau napapahawak sis eh. Ung pagtolerate sa maling gawa ng kaibigan. Mabuti at hndi ka din nasaktan. Tsaka mali namn ung ginagawa ng Indiana. Nagpunta Siya jan para magtrabaho hndi para maghanap ng jowa.🤦 Mabuti nlang at hndi na kayo magkasama.

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis ,kung iimik pa ako pati ako madadamay kaya tumahinik n lng ako kahit anong tanong nila sa akin. Ayan talaga yong mali n ginagawa Dito kalimitan

$ 0.01
2 years ago

Buti nalang sissy dika din dinamay sa ngyari, mabait parun amo mo. Naranasan ko pagbawalan ng cp pero bumilibparin ako kasi anlaki ng binabayaran ko kapag telephone card gamit ko, itinago ko ang cp ko pero nong nahuling meron ako cp kinuha ni madam ng 1day at 1night, siguro sunubukan kung meron ba lalaki na tatawag pero wala naman kaya ibinalik sakin anv cp at pinayagan nako mgka cp , un ung first time pa ako mg abroad

$ 0.01
2 years ago

Di na kami pinayagan na magkita ng indiana kase baka daw ma inplowensiyahan ako ,bawalq talaga sis bago pa lng Ako noon pero itong Indiana ay may dati na kinuha ng amo niya tapos kinuha niya binigay sa akin tago ko lng sis . Hanggang nakauwi ako di alam ng amo ko na may co ko,tapos second na balik ko nag sabi na ako na bibili sila yon bumili, mabuti nga lng sis basta di na lng ako umimik kahit tanong nila kung may bf nga yong India di naman nila nakita na mag kasama eh ..hinala lng

$ 0.00
2 years ago

Mabuti na lang po di siya pinadeport, istrikto pa nman Sa kuwait. Kahit siguro ako pagtatakpan ko siya hanggat maaari hehe.

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis ,salamat ko na nga lng na nakauwi siya ,pasaway siya sis pero mabait Naman siya ,di na nga laang ako umimik mas mahirap pa na pati ako e madamay ,

$ 0.00
2 years ago

Tama ka isis ang magkaibigan nagsusuportahan pero dapat nasa tama. At ang kaibigan itinatama din ang kaibigan kapag may pagkakamali.

Pag-ibig nga naman sis noh, haha.

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis ang PAg ibig di talaga masasabi kung kanino at kailan darating..

Sinabihan ko nman siya kaya Lng in love . pasalamat na nga lng ako na nakauwi siya ng maayos noon

$ 0.00
2 years ago

Kakatakot naman mag boyfriend dito pa talaga sis , pero wala naman kaya siyang asawa sa India?

$ 0.01
2 years ago

Oo nga sis meron siya Asawa hiwalay 4 Ang anak nakalimutan ko na ilagay heheh pero mabait siya sis

$ 0.00
2 years ago