Malapit na mag Halloween ilang araw na Lang kaya ang aking ibabahagi sa inyo ay ang tunay na nangyari sa tatay ko.matapang yon pero nanginginig din sa takot PAg ito ang mga makakasalamuha niya.
Noong kame ay maliliit pa palaging may kwentonang aking ama sa amin habang kame minsan ay tipon tipon na mga magkakapatid sa bahày.
Lalabasin po Ang tatay ko kaya kung minsan nakakatakot na kasama lalo na kung gabi nalalabas kayo .noon daw na may isang pinuntahan siya medyo malalim na Ang gabi meron isang lugar doon sa may amin na kung tawagin ay simsim isang ilog na Tuyo. Kita niya na may makakasalubong si na isang pari at alam niya na ayon ay isang man lalabas pero siya nag magandang gabi at lumihis ng daan para PAg bigyan ng way yong pari pero ito ay biglang nawala.taasan daw ang kanyang buhok sa takot.
At noong pauwi na siya nag dala na siya ng siga para medyo maliwanag minsan takot daw ang mga manglalabas sa apoy o liwanag,noong makalampas siya Doon sa simsim ,ay kanyà ng itinapon Ang daladalang siga.pero noong PAg daan naman niya sa tulay ay iyak naman ng mga tiyanak Ang kanyang naririnig.
At meron pa din ibang insidente na naka kita siya ng isang kapre .isang kubrador Kasi Ang tatay ko mostly sa mga liblib na lugar binobola tapos PAg gabi na siya nauwi may isang ilog siya na dadaanan may dala lng siya na flashlight para makita niya ang daan at ng malapit na siya sa ilog na kanyang tatawirin Ang tulay noon ay isang putol laang na kahoy ng niyog ,andon Ang kapre naka upo at nag tatampisan pa ang paa sa tubig habang naka tabako. umurong na lamang siya at bumalik sa ibang daanan na lamang dumaan.
At may time din siya na siya ay pinag lalaruan na Hindi siya makalabas labas sa isang lugar na di niya makita halos ang palabas na nag paikot ikot siya na doon lang din bumabalik ang ginagawa niya ay binabaligtad Ang kanyang damit. Kasi alam na niya na siya ay inililigaw ng tikbalang .
Ang aming bahày noong una ay nasa gitna ng niyugan malayo sa mga kapitbahay tapos maraming mga puno noon mga kapanahunan daw na si inay ay kabuwanan ay palaging inaaswang at ang amoy daw ng aswang sa mga buntis ay amoy langka .ayon naman daw ay na amoy amoy laang ,pero ayon ay hinahabol ng aking ama. Kung minsan ay nainom na daw siya ng lambanog para siya ay lasing at kanyang hinahabol.
Nakakamis Ang nga ganitong kwento ng aking tatay noon ..kaya Lng matagal na siyang wala Dito sa mundong ibabaw.nakaka miss na din ang aking ama kung pide lng maramdaman mo ulit ang kanyang yakap at halik .kayo ba meron ding kwento Ang tatay at Lolo nyo? Na ingganyo ako sa kwento na ito dahil Kay sis @Ling01 sa kanyang mga article . Pasencya na sis na mention kita .
Hayaan nyo din po aKong mag pasalamat sa aking mga mababait at napaka supportive na mga sponsors. Pedi nyo din po silang dalawin basahin Ang magaganda nila na mga article .at salamat din sa aking 38 na subscribers
October 20 2021
11:26pm kuwait
Love
Jay997
Ang creepy. Kaya natatakot din ako sa mga liblib tapos mag isa. Bukod sa pwedeng maholdap or may masasamang tao, may mga ganto pang nilalang. Naniniwala ako sa mga ganto kasi ako man ay nakakaexperience din. Pati yung tiktik.