Kalayaan ng batang maglaro
Magandang buhay aking mga ka read.cash, sana po ay nasa ayos kayong lahat,
May karapat ang mga batang maglaro at hanggang maaari habang sila ay bata huwag Alisin ang mga kalayaan at karapatan na ayon sapagkat sa sandali lang naman maging bata,basta hindi makakasama sa kanila, hayaan nating maging masaya kanilang buhay bata.
Dito iba ang mga bata di kagaya ng mga bata sa atin na malayang nakakapag laro sa labas ng ating tahanan sa ating mga bakuran at kung minsan sa kalsada at kung saan na lugar na puede silang mag laro.
Ang mga bata dito halos gadget TV buong maghapon gustohin mang lumabas minsan Di puede,pero nitong mga huling araw dinadala ko na sila sa Park para makatakbo takbo pag wala silang training ng swimming.
Kahapon dinala ko sila sa Park para mag laro ,kaya inaayos kugar na kanolang pinag lalaruan kaya medyo pinag bawalan muna silang maglaro sapagkat may ikinakabit sila na tarapal.pero kahit na ganon eh deretso pa din ang laro nilang magkapatid.
Hanggang napadpad sila doon sa kabilang Garden na may mga hise ng tubig at doon silang dalawa ng habulan na tuwang tuwa na sila ay nababasa,na kahit aking sawayin ay di nakinig kaya hinayaan ko na lang sila sapagkat nakita ko kung gaano sila kasaya na magkapatid na sila ay parang naligo sa ulan na basang basa na talaga,ito ay kana unahan nila na ginawa,at ang sabi pa ng aking alaga ngayon alam na niya kung ano ang pakiramdam ng mga napapanood niya sa video na mga nag lalaro sa ulan,masaya daw sila .
Kaya sabi ako ng bahala kung mapagalitan man kame lalo na ako kasi hinayaan ko na maglaro sila at nabasa pa,pero di pa din kame umuwi kasi medyo mainit pa naman hinayaan ko muna silang makipag laro sa ibang bata at ng alam ko na ang oras ng ina na tulog na ay inaya ko ng umuwi ang dalawa at sinabihan ko na huwag maingay para di magising ang ina ,kasi kung makita talaga Yong hitsura nilang dalawa siguro na magagalit kaya pinapaligo ko sila ng sabay at nilabhan agad ang mga damit nila.di ba kahit paano sumaya ang mga bata.minsan kailangan din nilang maranasan na mag laro ng malaya hindi Yong parang palaging nakatungtong sa numero.kaya kung minsan din ang behavior ng mga bata ay di maganda sa sobrang higpit ng mga magulang.basta di makakasama sa mga bata payagan natin.pero sa susunod di ko na yon uulitin at Di ko na din sila dadalahin ng maaga sa Park yong time na tapos na Yong pag didilig ng tubig doon ko na sila dadalahin.
==
Kayo ba nakaranas ba kayo lahat ng laro noong mga bata pa kayo?sa ngayon bibihira na din na nilalaro ng mga bata maging ng ating mga anak ang ating mga laro noong una.pero meron pa din naman na mangilan ngilan na nag lalaro ng mga ito.suguro ang mga nasa probinsiya.pero miss ko na din ang mga laro natin noong una gaya ng mga ,patentero, luksong tinik,tumbang preso, Chinese garter,at ang paliligo sa ulan
Images Source
Mga batang 90s sinong relate dito maliligo sa ulan basta umulan takbo agad sa labas minsan naka salawal lang ang suot,maraming beses ko itong naranas,marami din beses ako napalo at napingot hahaha pero uulit ulit .
Images Source
Ito pa ang isa kung paborito na laro tumbang preso,dapat magaling ka dito tumama sa lata at mabilis ka din tumakbo para madali mo makuha ang iyong sinelas, nalaala ko ba dapat spartan ang gamit mo na sinelas para mabigat at matibay.
Images Source
Luksong tinik ayan palagi zng aming nilalaro bago mag uwian galing sa school at kahit pag nasa bahay na din kaming mag kakapatid.
Images Source
Piko ito Yong laro na palaging hinahanapan ko ng magandang pambato kalimitan kung gamit ay ang nasirang paso,pero grabe ang iyak ko dito kasi Di ako manalo sa aking pinsan hahaha
Images Source
Chinese Garter,ayan kahit high-school na ay nilalaro pa din namin na kung minsan nag kakanda labas labas na Yong mga panty sa pag Chinese pero magandang mga laro na dapat sana ay nababalik balikan.
Ang sarap balikan ng nakalipas noog malaya pa tayong nakakapaglaro,parang kailanan lang na sa ngayon ay alaala na lamang ,kaya huwag alisin ang karapat mg bata na maging isang sapagkat sandali lang naman ang pagiging bata.
March 23 2022
6:32 pm Kuwait
Present! I'm batang 90's hehehr. Nkakamiss ang maligo sa ulan tska mga laro nong bta pa ako. Chinese garter talaga sakalam hahaha.