I recieve a good message
Kumusta mga kaibigan? Sana okey lang kayong lahat at nasa maayos na kalagayan sa gutna na anumang ating mga hinaharap sa buhay, tagalogin ko na lang at akoy nahihirapan na mang English. 😅
Ito ang kwento ko, bless ako sa aking mga in laws mapa sisters or brothers in law man. 5 mag kakapatid ang ang aking asawa, asawa ko ang panganay sa kanilang mag kakapatid at ang apat na sumunod sa kanya ay lahat ay holder degree, ang asawa ko lang ang hindi naka tapos ng kanyang kurso 3rd Yr. College lang kanyang na abot. Kaya ayon sa lahat sa kanila siya ang kulilat sa buhay, pero sa kabila noon di siya pinabayaan ng kanyang mga kapatid. 3 kapatid niya ay Canadian Citizens na, ang fully support sa kanila diyan ang ang bunso niyang kapatid na lalaki.
Kanina nagulat ako ng nag chat ang bunsong kapatid ng asawa ko. Di kame nito gaano nag chachat minsan mag chat lng ako pag nabalita ko na nag padala ng pera sa anak pang tuition at akoy nag papasalamat ganon lang Di kame gaano nag kwekwentuhan. Kaya medyo na surprise ako ng nag chat siya. Nangumusta muna tapos nag tanong kung kailan ang uwi ko. At kung kailan ang uwi ko sinabi ko nga na ganon ang uwi ko at kung kailan ang Graduation ni nene. Tapos sabi niya na siya na daw ang sagot sa Graduation dinner ng anak ko . Ay kagandang gift Di ba. Kaya nag pasalamat talaga ako , at least medyo Di ako kakapusin, yan Yong palagi kung ipinag papray na .God will provide what we need.
Simula ng nag College ang anak ko kada semester nag bibigay qng bayaw ko ng 10k pasalamat ako at malaking tulong na yon sa amin. Walang palya yan sa pag bigay kada sem. May bayaw din akong lalaki na nakakabigay din sa amin pag malaki ang bayarin namin sa school. Minsan naka recieve din ako ng message galing sa kapatid niyang babae na kung kailangan ko at gipit ako sa pang bayad sa eskwelahan ng anak ko , mag sabi lang daw ako kasi alam nila ang buhay ng nag papa aral ng college kasi naranasan nila noong student pa lang sila. Kung gaano kahirap.
Kaya laking pasalamat ko sa Diyos na di niya kame pinababayaan. Sa oras ng tuition day nakakabayad kame ng oras. Kahit pa sa allowance at pambayqd sa dorm ng anak ko nakaka provide. Sabi nga ng asawa ko sa anak ko sa lahat ng naging students sa pamilya anak ko ang pinaka swerte,ni hindi na moroblema sa pang bayad or kahit sa baon or allowance. Kumpara sa kanila noong una na mag e exam na humahanap pa ang biyanan ko ng pang bayad. or kung Di makabayad promissory notes muna para maka pag exam
Kaya naman di yon sinayang ng anak ko nag porsige siyang makatapos. At palagi kung nilin sa anak ko na makatapos ka at magkatrabaho ka na ng maayos huwag mong kakalimutan ang mga taong tumulong sa iyo.
Naalala ko noong maliit pa ang anak ko , may mga kapit bahay or kaibigan kaming pupunta sa akin. Need nila ng pambayad sa school Para maka exam, wala akong pinahindian lahat yon sila ay aking napahiram kasi katuwiran ko darating ang araw na baka ako naman ang nasa kalagayan nila na mangungutang para pang tuition ng aking anak. Pero salamat sa Diyos na di ko yon dinanas. Ganon yata siguro basta may tinulungan ka bumabalik din saiyo. Kaya huwag tayong manghinayang na gumawa ng maganda at tama kasi atin Yong aanihin di man sa ngayon pero darating din Yong panahon na parang ang gaan lang ng buhay.
Meron akong isa pang natutunan sa buhay share ko lng sa inyo minsan meron tayong mga suliranin financial man yan o ano mang problema, minsan patuloy tayo sa pag iisip kung ano at paano masusulusyonan , pero once na na e lift up mo na kay Lord ipag katiwala mo na gagawin niya. Huwag mo ng balik balikan or bawiin pa kasi alam niya kung ano ang makakabuti sayo at kung ano ang kailangan mo.
Salamat sa PAg basa.
June 13 2022
5:55 pm
Kuwait
Love
Jay997
Ang bait pala ng mga kapatid ng asawa mo sis. Maganda yung ganyan sis. Meron kasing iba na hindi. Hindi nagkakaintindihan. Minsan hindi pa nagpapansinan. Super generous nila sis at matulungin.