First Love
Isang pag ibig ng kabataan sa maling panahon.na mauuwi lamang sa isang masakit na karanasan.
Nakilala kita sa Di inaasahang panahon,nagkatagpo tayo sa di din inaasahang pagkakataon,nagkasalubong ngbtingin ang ating mga mata at alam ko sa sandaling iyong doon nag simula ang kwento nating dalawa.kwento ng pag ibig na sadyang kay sarap.
Sabi nila masarap daw magmahal sabi ko study firts mula mas importante ang pag aaral.pero Di talaga maiwasan pag puso qng tinamaan.sapul ka agad ni kupido ng Di mo inaasahan.
Takot noong una dahil sa mga haka-haka nasa unang pag ibig daw masasaktan ka ng sobra sobra.pero sinubukan ko pa rin dahil alam kung mahal kita.at alam ko din sa sarili ko na di mo ako sasaktan ng basta basta.sinuway ang magulang ng dahil sayo.
Mahal mo ako yon ang sabi mo,naniwala ako kasi ayin din ang nakikita ko.nararamdaman ko sa mga ginagawa mo.ginagaw mong nakakakilig at matamis na saluting nanggagaling sayo.
Tama nga sila ang sayang magmahal.ang gaan sa loob at ang saya sa pakiramdam. Nag kakaroon ka ng inspiration gumising sa umaga.makita ka lamang at masilayan ang ngiti sa iyong mukha ay ayos na.
Ang saya pa natin noong una lagi tayong magkasamang dalawa.lagi mo pa akong sinusundo at inihahatid sa eskwelahan.at lagi ding nag tetext at tumatawag kung gabi hanggang sa mapuyat tayong dalawa.
Pero tama nga siguro sila sa una lang masaya.sa una lang mag papakita ng magandang motibo.at pag nagsawa na mawawala na lang bigla.
Pero pilot kang iniintindi dahil ayon ang sabi nila.nasa pag ibig di naman palaging masaya.hindi puso palaging kilig at tawa.dahil mararanasan mo din ang iyak at pangamba.
Ngunit ang akala ko ganon lang ang mahiging problema. Na minsan magkakalamigan pero maayos din naman.na minsan mawawalan ng gana pero magkakabalikan naman.
Pero hindi sobrang making mali pala ako.dahil ang alam kung mahal mo ako ay di pala totoo.pag papanggap lang pala ang lahat ng ito.
Isang pustahan ng kaibigan ninyo na ang hangad ay masaktan lamang ang isang tulad ko.napakasakit ng unang pag ibig ko.kung sanay nakinig lamang ako sa magulang ko.di sana nasaktan ng ganito.
Sana pala di ko na lang sinubukan.hindi ko na lang sanang sinubukang magmahal.hindi sana ako nagsisisi at nasaktan ng ganito.at di sana mapupunta ang unang pag ibig ko sa isang taong tulad mo.
#111 January 28 2022 1:37 am Kuwait
Love Jay997
Ganyan talaga ang buhay pg ibig sis may halong sakit kaya kahit anong iwas ay masasaktan ka talaga.