Day out sulit
Simula na ang tag init ngayon dito sa Gitnang Silangan. Mararanasan na naman Yong init na nakakapaso ng balat nanpara kang sinasampal ng apoy kahit wala ka sa initan . Sapagkat ang hangin ay mainit din. Na pakiramdam mo ay nasa loob ka ng oven. Ganyan ko mailalarawan ang init dito pag summer.
Lumabas kame kanina ng aking mga amo at may isa kaming pamilya na kasama ang kaibigan ng aking mga amo. Bisita din namin yon kagabi , long time friends na sila simula pa ng college day nila at palagi silang andito sa bahay. Malalaki na din ang mga anak nila dalawang binata may mga trabaho na din at sila ang mganka bonding namin kanina.
Sa tabing dagat kame pumunta sa isang restaurant, Texas Roadhouse at talaga namang napaka sa sarap ng mga pag kain. First time namin na naka punta dito pero Yong friends nila ay customer na dito palagi kasi kaya ko nasabi eh kilala na sila ng manager dito kaya alam ko na suki na silang mag anak at sila din ang nag aya dito sa qking mga amo.
At inorderan ako ng amo ko ng chicken with mushrooms sauce may side pa siya na potato at rice. Puede din salad or corn mamimili ka ng dalawang puede e side . Dito pa lang e busog na busog kana at ang sasarap ng lahat ng mga food na aming na order. Busog pa din ako hanggang ngayon kaya Di na yata ako makakain pa ng hapunan sapat na ang isang saging.
Nag matapos naming kumain ng mga alaga ko nag labas kame sa restaurant ang ganda manood sa labas kasi madaming naliligo sa dagat at madami ding mga nag recent ng jetski . Kaya kahit na mainit ako ay naaliw sa panonood. At madami ding mga nag sisipamasyal sinusulit nila ang kanilang holiday . At nag picture ako ng ng picture sa may tower ng Kuwait tanaw kasi siya dito sa aming puwesto.
Sinulit ko ang aking labas kahit na di ko ito day off ay itinuturing ko na din na off kahit kasama ko ang mga amo ko. Kung tutuusin maswerte pa din ako kahit wala akong off . Kaya lang nahahabag ako sa ibang kapwa ko katulong dito lumalabas na nga sila na naka uniform tapos kasama din sa lamesa di naman pinapakain sa pag babantay sa bata sunod at habol sa alagang maliit . Sana oag ganon iniiwan na lang sa bahay. Tapos meron pang isa din akong nakita na ibang lahi naman andon lang siya sa labas ng restaurant nag aantay siguro sa na matapos kumain maraming kawawa dito sa kanilang mga amo lalo na at napatapat ka sa mga amo na walang puso.
Inaya na kame ng amo ko na umuwi pag sakay pa lang namin ng sasakyan ay sobrang init ng loob talagang para kang nasa oven. Talagang uuhawin ka sa sobrang init ng loob ng sasakyan nakakapaso ang upuan basta summer ganito ang mga sasakyan lalo na at sa labas naka parking. At ng nag pa gasoline ang amo ko pumasok siya sa trolley store at binilhan niya kame ng ICE tanggal ang uhaw namin . Tag iisa kame ng aking mga alaga .
Kaya ayon sulit ang aking gala kahit paano naman ay naka pag pahinga sa work . Mahaba pa ang bakasyon at bukas ay gagala na naman mukhang dito yata sa kagagala ako mapapagod ngayong week na ito.
Salamat po sa pag basa hanggang dito na lamang . Ang lahat ng larawan ay akin.
#174
May 3 2022
11:40 pm
Kuwait
Wow ang ganda nman jan,ang pupiti ng buhangin