Aswang kumakatawan sa depression

17 31
Avatar for Jay997
Written by
3 years ago

Halloween November 1 madaming mga nag sipagdiwang ng Halloween sa ibat ibang panig ng Mundo kahit pandemic yong iba di naka punta sa mga puntod ng mga yumao na mga kamag anak dahil nga sa Pandemic.

Ano nga ba ang aswang ?

May ibang klaseng aswang na minsan ay atin ding gawa.

Isa sa pangunahing Folkloric characters ng kultura natin ang aswang.sila raw yong mga lumalabas sa gabi,naninipsip ng dugo, kumakain ng atay at pagka magbukang liwayway na at nagliliwanag nawawala sila at nagtatago.paano kung Ang aswang ay isang talinghaga na inimbento ng ating mga ninuno?paano kung Ang aswang pala ay kumakatawan sa ating depression? Di ba madalas sa Gabi dumating ang depression lungkot pangungulila at takot?

Dun Tayo nakakaramdam ng walang sigla,lakas at buhay, panghihina na parang sinisipsip Ang ating dugo at kinakain Ang ating atay,pero pagka Umaga na nawawala Ang ating inip at pagka balisa.

Para sa maraming tao Ang gabi nila ay inaaswang.dahil sa marami silang galit.panghihinayang at kapaitan sa buhay.inaaswang tuloy sila ng sarili nilang mga alaala.hindi sila makatulog puro takot at nerbyos,marami silang hinanakit , galit puot bitterness, regrets na Hindi mabunot bunot sa puso.

Kaya madaming nang aaswang sa kanila ang totoo sila din Naman iyon,inaaswang sila ng kanilang guniguni budhi damdamin at galit sa Mundo. Di ba ganyan kalimitan PAg alam mo na nakagawa ka ng mali bigla ka na lng din nayang aaswangin.at iyong ikinakatakot.

Minsan may gusto sana tayong gawin pero di natin nagawa,Tayo ay nag sisi kung bakit di natin nagawa,minsan naman may nanakit sayo or ikaw yong nakasakit.kung mayaman lang sana kame nakapag aral ako,kung di lang sana inagaw sa aking Ang mahal ko masaya sana ako. But no situation is our to keep us. We must be above all situations,we are empowered to have say in our lives.

Kalimutan na yong mga nakalipas na di mo nagawa. Yong mga masasakit ihingi ng tawad Ang kailangan na ihingi at patawarin Ang kailangan patawarin. Para walang sumbat ng budhi.di ka aaswanging ng iyong nakaraan.

Salamat po sa aking mga mambabasa at sa aking mga super supportive nga mga sponsors at upvoters @TheRandomRewarder aka Rusty thank you.

#37

November 1 2021

5:00pm kuwait

Love

Jay997

9
$ 1.36
$ 1.20 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.05 from @GarrethGrey07
+ 2
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
3 years ago

Comments

Ang gandang basahin Ng kwento haha nakakatuwa,,totoo Po yan aswang sa ating sarili minsan kapag my nagawa Kang mali natatakot ka malaman Ng iba..

$ 0.00
3 years ago

Sa mga hindi pa nakakakita ng aswang talagang parang guni guni lang ,pero hindi pa ako nakakita ng aswang naririnig ko lang dati kapag nag uusap yung mga matatanda .

$ 0.01
3 years ago

Yes sis pero ito ay aswang ng budhi sa mga nakalipas na ginawa ng tao kaya inaaswang siya ng kanyang sarili

$ 0.00
3 years ago

Sanay na po ako sa mga kwentong aswang dahil lagi po yan nakwekwento ng Lola ko nung nasa probinsya papo kami nakatira,at siguro gawa na rin po yan ng isip ng mga tao.

$ 0.01
3 years ago

Meron din sis ibang klase ng aswang yon ang depression,yong sarili mo ang umaaswang sayo

$ 0.00
3 years ago

Maari yang mangyari noh yung isip mo nalang gumawa nalang ng guni-guni na parang ng totoo dahil nga balisa at depress ang isang tao.

$ 0.01
3 years ago

Oo sis

$ 0.00
3 years ago

Possible din yan sis..ung depression ang bumubuo s aswang at overthinking na din.. kapag sobra kc mag isip ang isang tao, ang dami nyang nabubuo sa isipan nya.

$ 0.01
3 years ago

Kaya nga sis

$ 0.00
3 years ago

Nakakatakot ang aswang sissy o bka tinatakot ko lang sarili ko hehe

$ 0.00
3 years ago

Huwag takutin Ang sarili may paraan para makalabas

$ 0.00
3 years ago

Tama ka sissy faith to God

$ 0.00
3 years ago

Sometimes ganyan din Ang nararamdaman ko ehh,, kung inaaswang Ang tawag dyan parang mas lalong nakakatakot,, at si god nalang ang bahala sah lahat2x.

$ 0.01
3 years ago

Oo sis Lord na Ang bahala gumawa noon

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga sis ehh

$ 0.00
3 years ago

Naaswang na ng madaming beses ang aking diwa, sis at sa awa ng Dyos ay nalampasan ko din sya.

$ 0.02
3 years ago

Salamat mabuti talaga si Lord sa ating buhay

$ 0.00
3 years ago