Ang buhay ko araw araw bilang isang OFW

25 30
Avatar for Jay997
Written by
3 years ago

Isang magandang araw sa inyo mga ka read.cash family.ibabahagi ko sa inyo Ang aking araw araw na trabaho bilang isang mangagawang OFW.

Sponsors of Jay997
empty
empty
empty

Isa po aKong all around house maid ,sa umaga bago ko simulan Ang aking trabaho magpapasalamat muna ako sa Panginoon sa bagong araw na kanyang ibinigay at hihingi ako ng gabay at lakas at karunungan sa kanyà para magawa ko ng maayos ang aking trabaho sa isang araw.

Ang una kung work mag gawa ng kape at sandwich ng aking among babae. pagkatapos noon Ang sa akin naman among lalaki ang aking gagawan ng baon at almusal.pag nagising na Ang alaga kung lalaki at naabutan niya ako sa kusina mag papagawa na din yon ng kanyang almusal.

Sa pag gagawa ko pa Lng ng almusal sa kanilang 3 nasa isang oras na bago ako matapos.doon pa lng Ako kakain ng aking almusal PAg naihanda ko na Ang sa kanila.(ang akin pong alaga ay 4 isang dalaga ,isang binata at kambal na 7 taong gulang,babae at lalaki) pero yong dalaga ay wala Dito nag aaral sa Malaysia college.

Pagkatapos ko po naman mag almusal ihahanda ko naman Ang aking lulutuin.habang tulog pa ang kambal dalas dalas na ako sa aking pag lilinis ng bahày pinag sasabay sabay Kuna kung minsan ,may nakasalang sa washing machine,may niluluto sa kalan or sa oven. Para mas mabilis Ang aking trabaho.tapos sasabayan ko na din ng PAg lilinis ng bahày.

Dapat matapos ako bago mag 10 am doon ko na gigising Ang aking mga alaga na kambal para Naman sila pakainin at ihanda sa kanilang online class ,at kailangan na andyan din ako sa tabi nila PAg nag simula na Ang kanilang klase kase kung hayaan ko di nila ginagawa Ang kanila mga dapat gawin .natatapos yon hanggang 1:10pm

Tapos sAka pa lng ulit ako mag papatuloy sa pag lilinis ng iba na part Ng bahày na di ko natapos noong Umaga.tapos mag papakain naman ulit ako sa kanila ng tanghalian .kase papasok sa trabaho ang alaga kung lalaki,

Nag tambak na noon Ang aking mga hugasin sa mga oras na ayon . At mga bandang alas 4:30pm oras ng uwian ng aking mga amo mag hahanda naman ako ulit para sa kanila ..

Tapos mga matutulog Ang aking amo pagkatapos nila kumain kahit paano makapahinga din Naman ako PAg sila ay tulog.nakakaidlip din ako kahit papaano .

Sa Gabi naman nasa kusina na ako may kaunting gawain tapos nakaka hawak na ako ng aking cp nag iintay na Lang ng tawag na utusan mag pagawa ng kape or tea o kaya mag serve ng mga prutas or sweet.

Bago naman matapos ang Gabi mag bibigay na ng papalansahin na damit Ang aking amo para sa isusuot niya kinabukasan.

(Mas malaki ang inialwan ng aking trabaho kumpara noong maliliit pa sila )

At nasanay na din ako sa takbo ng aking buhay .di naman sila mahigpit kagaya ng ibang mga amo.okey lng gumamit ng cellphone basta nasa tamang lugar at oras.

Wala ako ditong off Kung Pasko lang ako lumalabas dito,ayaw ko din Nan ng may off kase una magastos pangalawa nandon lahat ang tukso sa labas mahirap na mabuti na yong umiwas na lng kase di ko din alam kung ano ang pd mang yari.nakakalabas naman ako kasama ang mga amo ko kada Friday .or kada gabi basta nagyaya sila.

Minsan may araw din na dinadala ako ng amo ko sa tatay niya para mag linis ng bahày .kawawa din Naman yong matanda nagsosolo kaya kinukuha ko ang labahin niya.

Ang kagandahan lamang sa mga amo

Di din maselan Ang aking mga amo ,at Hindi sila pala utos gaya ng iba ,minsan sila na Ang gumagawa ng kanilang hapunan.hindi din sila madamit sa pagkain,

Kame nga pàla Ng aking mga amo ay halos magkakasing edad lamang halos sabay sabay na kaming nag ka edad kaya parang kilala na namin Ang isat isa .di din naman maiiwasan minsan na nag kakasagutan kame pero natural lang naman yon ,at Maya Maya naman ay okey na ulit.

Maliit lamang Ang aming bahày at Hindi din kame palaging may mga bisita kaya di ka gaano pagod.

Pero kung Ramadan doon na talaga asahan Ang pagod na Hindi mo maipaliwanag sa daming lutuin at trabaho.pwri pagkatapos naman noon sulit naman kase nag bibigay naman sila sa iyo ng konsiderasyon.

Ayan ang aking ipinapasalamat sa Diyos na binigyan nya ako ng mga amo na mabait .kaya itiy akin lamang binabalik balikan .

Pero alam ko na darating Ang panahon na Hindi ko na din kakayanin na mag trabaho kaya ako ay nag iipon para maka pag for good na din sa Pilipinas sa mga darating na taon kung loloobin ng Ginoo.

Marami pong salamat sa Inyo sana po ay inyong magustuhan.

Pangalawa ko po ito g gawa na article marami ping salamat.

9
$ 1.22
$ 0.97 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Khing14
$ 0.05 from @Ling01
+ 6
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
3 years ago

Comments

Pakatagtag lang po diyan ate... Grabe sunod-sunod trahabo diyan ate noh halos wala ka ng pahinga..Ingat po lagi diyan ate .

$ 0.01
3 years ago

Salamat po , Oo sis lalo na kung andito ang mga amo di ka pa tapos sa isa may kasunod na agad

$ 0.00
3 years ago

Matatapos din ang lahat ate tiwala lang..

$ 0.00
3 years ago

Oo nga sis may awa ang Diyos

$ 0.00
3 years ago

At marami kapang online sis nakaka bilib naman . Ganyan ang dapat tularan walang reklamo sa trabaho bagkus nagpapasalamat pa , ingat palagi sis ,God bless.

$ 0.01
3 years ago

Oo sis ako pa din Ang naupo sa kanila

$ 0.00
3 years ago

Pakatatag ka lang jan kabayan.. Tama yang ginagawa mo, nag iipon.. Ipagpatuloy mo lang po.

$ 0.01
3 years ago

Maraming salamat sa PAg papalakas ng aking loob para ko magawa ito sis .. Sana makabawi ako sayo sa sususnod

$ 0.00
3 years ago

Naku sis.. Wag yun ang isipin mo.. Basta nag eenjoy ka dito sa platform tuloy tuloy lang.. Saka gaya nga ng sinabi ko makakatulong yang pagsusulat mo para mabawasanang homesick mo dito sa mga pamilya mo sa pinas

$ 0.00
3 years ago

Sinabi mo pa sis kase ang oras Ang bilis .noong nag noise pa lng Ako masaya na tapos Dito pa sa read

$ 0.00
3 years ago

Yes po.. At the same time kumikita.

$ 0.00
3 years ago

Korek ka dyan sana maka ipon Tayo

$ 0.00
3 years ago

Ou naman sis.. Tuloy tuloy lang

$ 0.00
3 years ago

Laban lng lagi sis at mabilis ang oras diba soon pasko na hehehehe.. Buti nga sis mabait mga amo mo ang iba hindi. Gaya ng kapitbahay ko dati sa singapore pati pgkain binibilang tlaga

$ 0.01
3 years ago

Oo nga sis malapit na Ang Pasko ,pa siyam ko na na Pasko di ako nakakauwi. Dito hindi sa food wala aKong problema

$ 0.00
3 years ago

Hirap din po pala ng trabaho sa ibang bansa, halos wala talagang pahinga, you are very lucky po at mabait naging amo mo.

$ 0.01
3 years ago

Kaya nga sis ayon talaga ang aking ipinag papasalamat sa Diyos na ako ay binigyan nya ng mabait na ako . Thanks sis sa PAg dalaw

$ 0.00
3 years ago

Ingat always Sis. Laban para sa future and family. Blessed at mababait amo mo, matanong ko lang ikaw lang ba mag-isa na nagtatrabaho sa kanila or may kasama ka?

$ 0.00
3 years ago

Good morning sis Ako lng mag isa sis dati noong maliit pa yong kambal may part time na taga linis Salamat ukit

$ 0.00
3 years ago

Salute to you Sis, stay strong lang dyan. Btw, paki accept ng request ko:)

$ 0.01
3 years ago

Magingat ka lagi sis jan.. and swerte mo po mababit amo mo isang blessing ng maituturing yun.. at tumgal kayo sa knila.. mahirap lang tlga mg alaga ng mga bta pero kapag npamahal n sila saiyo ay parang mga anak mo na din sil kung ituring db po?

$ 0.01
3 years ago

Opo tama pi kayo dyan,lahat pi ng mga alaga ko ako Ang nagpalaki para ko n din silang mga anak.

Marami ping salamat sa PAg basa ng aking article

$ 0.00
3 years ago

Opo relate po ako sayo naging kasambahay din po kc ako dati...

$ 0.00
3 years ago

Laban lang tayo sissy, mahirap ang ating pinagdadaanan bilang kasambahay pero masasabi pa din nating maswerte tayo kung saan man tayo ngayon kumpara sa iba. Laban lang lagi sissy kaya natin to

$ 0.01
3 years ago

Oo nga sis malaking swerte pa din natin sis ikumpara sa iba na walang food tapos sinasaktan.. salamat ulit sis bawi ako sa susunod

$ 0.00
3 years ago