Bakit kaya ganun?

2 10

Bakit ganun? Kung sino ang mayaman ay s'yang yayaman ng lubusan

At ang mahirap ay lubos ang kamusmusan

Bakit kaya ganun? Kung ano ang bawal ay s'yang gagawin

At ang nararapat ay babaliwalain

Bakit kaya ganun? Kung sinong nagmahal ng lubusan

Ay s'yang iiwan ng walang dahilan

Bakit kaya ganun? Kung sinong may-awa s'yang kinakawawa

At kung sinong may puso ay s'yang inagawan ng pag-asa

Bakit kaya ganun? Kahit anong bigay mo ay kulang pa rin

At ang pangarap ay kay hirap abutin

Bakit kaya ganun? Kung kailan ka natutong magmahal

Ay s'ya ring araw ng pagkahangal

Ang dami kong tanong na walang sagot noon at ngayon

Mga katanungan kung "bakit kaya ganun"

2
$ 0.00
Sponsors of JasmineC
empty
empty
empty

Comments

Ang mayaman yumayaman pa lalo dahil umiisip sila ng mga paraan para lalo umunlad ang kanilang pamumuhay.

Kabaliktaran nito ang mgabtaong mahirap.

$ 0.00
4 years ago

Oh2x nga at ganun. Mayaman na sila nag strive pa sila na maging mayaman pa. Hindi sila humintong mangarap.

$ 0.00
4 years ago