1st of October 2021
Unang araw ng Oktobre, at sisimulan ko ito sa paglathala nga isang Tagalog na Artikulo. Sa, totoo lang naging Tagalog ito sapagka't ito ay hindi aking gawa.
Ang aking kabiyak (chaarrr) ay gumawa ng isang tula patungkol sa kanyang nag iisang laro ang "CHESS". Oo, mahilig siya sa chess bago ko pa man siya nakikila bagama't naging representante siya sa aming skwelahan sa kolehiyo sa larangan ng chess. Siya yung pinapadala sa skwelahan kapag may paligsahan ng mga palaro at kasali dun ang chess.
Kahapon, nakita ko siyang nagsusulat. Pero bago yan, sabi niya sa akin na tutulungan niya raw akong gumawa ng artikulo pero gagamitin niyang lenggwahe ay Tagalog sapagkat sa Tagalog lang daw komportable. (Dahil dito nagpapasalamat ako dahil kadalasan wala akong maisulat at sa kanyang artikulo ay hindi na ako mag iisip pa ng todo kung anong paksa ang isusulat ko sa araw-araw. Yeppeyyyyy!)
Ayun na nga, kahapon nagsusulat siya kaya tinanong ko siya kung ano ang kanyang isinulat at sabi niya isang TULA raw patungkol sa kanyang minamahal na laro. Kaya nais kong ibahagi sa inyo ang tula na kanyang gawa.
"CHESS"
By: Junix
Simula Elementarya ay naririnig ko na ang salitang "CHESS♟️" sa bibig nang iba. Ano nga ba kaya ito'ng bago sa pandinig ko? Sa isip ko'y nais malaman ito.
"Ama, sa chess ay may alam ka ba?" Tanong ko sa kanya. "Ito'y larong isip, mind game ba ga". Simpleng sagot niya.
Lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Chess ay nanatiling malaking kwestiyon. Paano ito laruin nang wasto at paano ito ipanalo nang na aayon sa paraan nito.
Noong ako ay nasa Ika-6 na baitang sa Elementarya, ay sa wakas nakita ko na rin kung paano ito laruin. Noong nakita ko aking mga ka-klase na nag lalaro nito. Ang ginagawa nila'y tinitingnan ko'ng maigi upang ako ay matuto.
Ako ay nagtataka, naguguluhan- marahil ako ay baguhan. Kaya hindi ko ma intindihan, sa isip ko ay mahirap maunawaan.
"Hindi ko gusto ang larong ito" wika ko sa sarili ko. Marapat pa siguro na ako ay manatili at paghusayan ang larong DAMA na aking pinili.
Ngunit pag-dating ng High School. Ni Isang ka klase, sa DAMA ay wala ako'ng ka laro. Mas tinatangkilik nila ang chess, Oo chess...
Check!... Wika ng ka klase ko'ng nag lalaro. King, Bishops, Knights... Queen, Rooks, at Pawns. Passpawn... Casting Kingside, Casting Queen side, Checkmate, Stalemate. Salitang kailangan malaman upang matoto.
Itinuro ng mga ka klase ko ang galaw ng bawat pyesa, at pa unti-unting nalalaman ko na. Mahirap sa umpisa, sapagkat naglalaro ka ngunit di mo alam ang plano kung paano talunin sila.
Pinilit ko'ng maglaro kahit hindi ko ma intindihan kung bakit ako nag-lalaro. At pinilit ko'ng maunawaan ang mga bagay na hindi ko lubos maunawaan.
Pero parang hindi talaga para sa akin ang chess. Kaya tumigil muna ako sa paglalaro nito, dahil hindi talaga namin plano ang maging magaling at gusto lang namin malaman paano ito laruin.
Hanggang naka pagtapos ako nang High School. Naging tambay at akala ko ay hindi magtatagal ay sa kolehiyo na maka pag-aral. Ngunit kapos, kaya nag trabaho ng marangal.
Dito ko siya muling natagpuan, ang kay tagal ko nang nakalimutan, kay tagal nang na pag iwanan, at na lipasan na nang panahon.
Ang chess ♟️, sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na napagdaanan ko sa buhay ay natuto akung mag laro nang chess. Sumabay sa laro nang buhay ganon din sa "64 squares" nang chess board.
Dumating sa punto na pagtingin ko pa lang sa chess board ay may buhay na ang mga pyesang naka latag dito. Talagang nagustohan ko na ang laro. Basta, It is a chess thing na mahirap ma-intindihan.
~wakas
At ayun na nga ang kanyang tula. Sa totoo lang di ko akalain na marunong pala siya gumawa ng tula. Kaya tinanong ko kung ba't siya marunong at napag alaman ko na mahilig pala talaga siyang sumulat ng mga tula nung siya'y hayskul pa lamang.
Kaya siguro naman magagawa ko nang makumpleto ang lahat ng araw sa buwan na ito na makapaglathala ako 31 na artikulo sapagkat mayroong 31 na araw ang buwan ng Oktobre. Sana.
Tanong ko lang. Sino ba rito ang naglalaro ng chess online. Kagaya ng sa lichess.org at chess.com. Kasi pwede raw kayong maglaro sapagkat ako'y hindi marunong maglaro ng chess. Kaya, kayo na lang muna ang maglaro. Sa chess lang okay at wala ng iba pang lalaruin. (Haha charroot, may pabilin. Joke lang naman)
Sis @bmjc98 laro raw kayo. Hehe
Ito ang username niya sa gusto lang makipaglaro.
Chess.com -Ioryyagami24
Lichess.org - LANSOY
That's all for today everyone and I apologized for I know my Tagalog isn't good. Haha I really had hard time writing in Tagalog because I felt like I'm just trying hard to write it. What can I do, my partner were comfortable for it. So I just bare with it though. It saves my day as well. Maybe this will also help me improved my writings in Tagalog version.
Anyways the poem was written by my partner and I never edited something on it. Then, the rest was mine.
Have a great day ahead everyone. Then let's make this October productive for us.
"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz
My bugo mind can't relate sa chess. Hahahahahaha di gyud ko kasabot. 🤣 Lain ako hunahuna sa ibang lalaruin. Charoooooot!