Bouquet or Candle?
Narinig nyu na ang ganyang tanong? First time kong narinig yan sa teacher ko noong junior high school ako. Napa tanong nga kami bakit Bouquet or Candle?
Diba dapat bouquet or chocolates sir? Kasi yan ang common na binibigay pag Valentine's or nanliligaw.
Natawa si sir. Kasi iba pala ang ibig nyang sabihin.
Bouquet
Literal na papasok sa isip natin pag narinig ang Bouquet ay bulaklak, isang bungkos ng bulaklak, iba't ibang klase at may designs pa para maganda tingnan.
At nakakatanggap lang ng bouquet pag mayroong okasyon - birthday, valentines karaniwang okasyon na makakakita tayo ng bouquet.
Since NBSB, first time ko lang makatanggap ng bouquet noong birthday ko bigay ng kapit-bahay namin. Simple bouquet lang, orchid na flowers yung ginawa nila.๐
Candle
Pag kandila (candle) naman. Yung kandila para pang ilaw pag brown out.๐Kandila pang sindi sa namayaong mahal sa buhay. Scented candle para pang relaxation. At yung kandila na sinisindi sa simbahan na iba't ibang kulay rin at may iba't ibang ibig sabihin bawat kulay.
Pero lahat ng yan, di pala dahil para kay sir iba ang kahulugan.
Bouquet
Ito ay sumisimbolo ng pag-ibig sa tao o mag-aasawa ka. Bakit? Kasi mostly sa mga binibigay ng kalalakihan ay bouquet sa mga iniirog nila.
Candle
Ito ay sumisimbolo na hindi ka mag-aasaw o pag sisilbihan mo ang Panginoon. (Ang pagsisilbi di ibig sabihin na kailangan mong mag madre at pumasok sa kumbento.)
Candle kasi pag nag sisimba tayo nag sisindi tayo ng kandila para sa mga panalangin natin. Ikaw lang mag isa at ang Panginoon ang pinag-alayan mo ng kandilang yun.
After mag explain ni sir tumahimik kami.
Tapos nag tanong sya ulit kung ano gusto namin.
Bouquet or Candle?
Yong bigla na lang nag labas sa isipan ko ang candle na di pa nga ako nakakapili. Kaya di na lang ako sumagot kung ano nga ba ang gusto ko.
Sa isip ko sign na ba to na di ako mag-aasawa๐. Pero tingnan na lang natin kung ano ang kapalaran ko sa bagay na yan pag dating ng panahon.
Di ko lang natanong if yung isang tao ba na nakaranas ng makipagrelasyon, tapos di na mag aasawa, Candle pa rin ba ang pinili nya?? hehehe
Ikaw anong gusto mo?or na pili mo?
Sa mga may asawa na Bouquet na sila, may mga kasama sa buhay.
Sa mga laon or matandang dalaga candle.
Pero sa mga single dyan? Ano sa inyo?
Kung ano man ang decision mo. Always have God in you. Kasi no matter what you choose God is always there.
Thank you for reading ๐
Have a blessed day!
Don't forget to click ๐๐๐
And comment below๐
Published: February 21, 2022
Bouquet even Hindi pa ko nakaksreceive. Haha pero candle isnt bad choice. Kasi ang magsilbo sa panginoon ay isang magandang gawain.๐