Why Many Prepare A Diary

0 4

Noong una, ako'y isang estranghero na palakad-lakad sa loob ng isang sulok nang napakalawak na daigdig sa aking hinuha,sa harap ng matataas na gusali sa loob ay mga silid na naghihintay at nakalaan sa mga katulad kong nag-aasam na magsanay. Napansin ko, at ng maglaon ay nakasalamuha ang mga taong "nakamaskara",at noong una'y manakanakang nakakaapekto sa akin, at gayon din naman ako sa kanila. Narinig ko ang iba't ibang tunog at nakita ang pamamaraan ng kanilang mga yabag. Hindi ko maikumparang lubos kung mayroong kahit isang kapareho ng sa akin sa mga bakas at tunog ng mga iyon, dahil humakbang ako ayon sa dikta ng puso at isipan ko. Ngunit iba't-iba man kami ng paraan at uri ng dinaraan, alam kong iisa lamang ang aming layunin sa pag pasok dito sa aming daigdig-upang magsanay sa paglakad patungo sa rurok ng mithiing tagumpay.

Sa paglipas ng mga araw, hindi ko ma n inaasahan, ang iba sa kanila ay nakasabay ko sa paglakad, kasabay sa pagbagtas dito sa masukal at masalimuot naming landasin. Tumutungo kami sa iba't ibang salik nito ng daigdig

1
$ 0.00

Comments