Selos

0 17
Mula ng makilala ka
Halos maraming nag iba
Noo'y laging nag-iisa
Ngunit ngayo'y kasama ka

Binigyan mo ako ng saya
Na di ko pa nadarama
Sana ito'y lumawig pa
Nang wala kang pangamba

Buhay ko'y naging parte ka
Sa pangarap na darama
Sa panaginip naroon ka
Doon ay tayong dalawa

Loob mo'y nahulog na, gayundin naman ako
Na di natin alam kung paano
Kung alam natin ito,
Tumagal kaya tayo?

Isang araw nakita kita
May kasama kang iba
Ang mundo ko'y nagunaw na
Sa selos na nadama, aking sinta

2
$ 0.00

Comments

Wow ahh...Ganda basahin hehe

$ 0.00
3 years ago