Sabi nila prangka daw ako
Kaya kong sabihin lahat ng puna ko
Kahit sinong kausap ko
Inis pag pinuna ko
Minsan salita ko'y nakakasakit
Sobra daw at nakakagalit
Pero ano ba ang magagawa ko
Magsalita man ako'y diretso?
Akala ko lahat kayang ibuko
Prankahin kahit na sino
Pero bakit pagdating sa babaeng tulad mo
Nararamdaman'y di maipagtapat sayo
Kaya yan. Sabihin ang dapat sabihin. Mas maganda na malaman nila ang totoong nilalaman ng pusot isip☺️