Sa makakabasa ng artikolong ito sana ay maging daan ito upang maalala natin dapat nating maging saloobin at karapat-dapat na pagsamba kahit pa nasa panahon at nasa pagkakataong ito ng pandemic. Gusto ko lamang ipaalam sa lahat na sa dinaranas natin ngayon na krisis ay dapat na mas higit tayong manalig at sumampalataya sa Panginoong Dyos na hindi nya tayo pababayaan.
Kahit pa ipagbawal ang pagtitipon dahil sa kailangan nating sumunod sa batas at sa utos ng mas nakakataas na "Social distancing" ay hindi tayo dapat na tumigil o huminto sa pagsamba mana pa'y dapat tayong mas lalong sumamba upang tayo ay patuloy na ibukod at iligtas sa patuloy na paglaganap ng epidemya.
Ngunit papaano natin ito isasagawa ng hindi lumalabag sa batas at utos ng pamahalaan o namumuno sa ating bansa??
Simpleng sagot lamang po ang masasabi ko.. sa pamamagitan ng "Sambahayang pagsamba" na hindi na kailangan pang magpunta sa kapilya upang maging ligtas ang buong sambahayan natin at nakasusunod tayo sa pamhalaan at sa utos ng Dyos na dapat nating gawin upang hindi nya tayo iwan at patuloy nya tayo saklolohan sa lahat ng ating mga pagsubok at hilahil na nararanasan at mararanasan pa. Manalangin tayo ng taimtim na mula sa ating puso't isip na sumasampalataya tayo sa magagawa ng Dyos sa ating lahat at sumasampalataya sa kapangyarihan nya. Ni hindi tayo dapat mapagod sa pagsamba kahit sa pananalangin dahil ito ang natatanging paraan upang tayo ay manatiling ligtas at patuloy na bakuran ng kapayapaan at kaligtasan ang loob at labas ng iyong sambahayan.
Magsagawa po tayo ng sambahayang pagsamba. Sa loob ng ating tahanan upang kahit sa gitna ng ganitong sitwasyon ntin na pandemic ay hindi natin nakakalimutan ang sumamba at magpasalamat sa Panginoong Dyos.
Siya ang pangunahing sandigan at gabay natin sa bawat segundo ng ating buhay habang tayo ay patuloy na nagpalakbay pa sa munding ito huwag nating hayaang mahadlangan ng kahit sino o anopaman ang paglilingkod at pagsamba ntin sa kanya, dahil hndi nya tayo pinababayaan kaya dpat lamang na hndi rin natin siya kalimutan o balewalain.
Sa patuloy na paglaganap ng epidemya sana ay mas paigtingin pa natin ang pagsasagawa ng "Sambahayang Pagsamba" huwag nating hayaang wasakin ng epidemya ang paglilingkod natin sa kanya. Huwag nating hayaang sirain ng epidemyang ito ang napakahalagang kaunayan natin sa Dyos. Dapat tayong magtumibay at lalong magpalakas at patatagin natin ang pananampalataya natin sa kanya. Sa pamamagitan ng taos puso at taimtim na pananalangin, idalangin natin sa Panginoon ang patuloy nya tayong iligtas, pagpalain, gabayan, at yakapin ang bawat isa upang walang mapahamak at patuloy tayong ingatan sa araw araw na pamumuhay natin at paglalakbay sa munding ito. Patuloy tayo nakakasunod sa utos at batas ng pamahalaan na "Social distancing" sa pamamagitan ng ganitong sistema na "Sambahayang Pagsamba" patuloy din tayo sa pagsamba sa Panginoong Dyos. Pareho nating nagagawa at natutupad ang dalawang yan.. walang nilalabag na batas ng tao at utos ng Dyos. Huwag natin kalimutan ang Panginoong Dyos na mapagmahal. Maging mabuting mamamayan tayo at mabuting lingkod ng Panginoon. Hindi nya tayo pababayaan kung uunahin natin siya at hndi siya kalilimutan.
Sana ay nakapagdulot ng magandang bagay at mahalagang bagay ang artikolong ito na iyong binasa dahil nais ko lamang na ipaalaala at ipaalam na mahalaga ang pagsamba gawin natin ito ng naaayon sa utos ng Dyos. Siguradong 100% hindi nya tayo iiwan at patuloy nya tayo ilalayo sa ano mang uri ng kapahamakan. Maging lakas natin ang Panginoon, wag tayong manghina dahil siya ang mas higit na nakaaalam ng iyong tunay na kalooban. Kaya't siya rin ang magbibigay ng iyong pangangailanagan. Kailangan nating mas lalong maging matatag sa panahong ito. Walang impossible sa nagagawa ng Dyos dahil siya ang makapangyarihan sa lahat. Kaya't purihin natin siya, luwalhatiin ang kanyang pangalan. Ang "Ama" na siyang lumalang ng lahat ng bagay dito sa mundo maging tayong mga tao ay siya ang lumikha.
Pagsambang pangsambahayan o pagsamba sa loob ng bahay o tahanan. Sumunod tayo sa utos ng pamahalaan at lalo't higit sa utos ng Panginoong Dyos.
Maraming salamat sa iyong matiyagang pagbabasa. Nawa'y nagdulot ito sayo ng ibayong lakas ng loob at napagaan ko ang iyong kalooban at pag iisip.
Maraming salamat at pagpalain pa kayo ng Panginoon. Patuloy nya tayo kaawaan, iligtas at ilayo sa kapahamakan.
Salamat po sa inyong iginugol na oras sa pagbabasa ng aking artikolo.
Maraming salamat sa iyong pang unawa. Salamat sa iyong pagbabasa.
💕❤