Ngayong Alam ko na

0 4
Palagi akong nalulungkot
Ang puso'y nakararamdam ng takot
Palagi na lamang nagmumukmok
Ayaw pag buksan sa puso ay kumakatok.

Sa araw-araw, nag-iisa
Laging walang kasama
Ni Hindi marunong tumawa
Nang dahil sa masakit na alaala.

Hanggang sa ikaw ay dumating
Nang di man lang napapansin
Di ko pag-ngiti ay iyong 
Gusto mo bang ako ay aliwin?

Sa tuwing magkikita, ito'y bumabalik
At ako'y natutong ngumiti
Tinulungan alsin mga hikbi
Sa buhay nagdadala ng lunggati.

Salamat ikaw ay nakilala
Pinigilan ang pagpatak ng mga luha
Sa buhay mo ba ako'y kasama?
Ngayon alam ko na
Ngiti mo sa akin ay nagpapasaya...

1
$ 0.00

Comments

Bakit malungkot kaba mam

$ 0.00
4 years ago