Lingap sa Kawalan

1 21

"Magbago kana!"Di ba yan lagi Kong sinasabi sa'yo? Paano kasi, puro nalang kapalpakan ang ginagawa mo sa buhay mo, para kang dayukdok. Maawa ka naman sarili mo! Tignan mo naman yang itsura mo, para kang may tama. Diba ang talino mo nung high school pa tayo? Tanda mo pa ba? Oh baka naman pati talino mo ibenta mo na!

Ang saya ng buhay natin dati no? Kahit butas na pawid lang ang bubong ng school natin maganda pa rin... paanong hindi laging walang pasok tuwing umuulan. 'Pagpatak ng ambon ay patikad na tayong lahat na magkakaklase sa labas. Mahuli taya! At sabay gulong sa nanggigitatang putikan. Minsan nga ayaw ko na umuwi eh, siguradong pagalitan ako ni Inay. Mabuti na lang at mabait si Miss. Kalampi... Palagi nya tayong pinaliliguan. Ang kapitbahay natin si Biboy, buruin mong kuhain pati labis ng may lapis! Wala talagang disiplina! Buti nalang naandoon ka... tuwing may umaaway sa'ken naging mo akong ipinagtatanggol. Hangang- hanga nga ako sa'yo eh. Ang galing-galing mo.

"Hindi problema ang problema!"Di ba yan ang lagi mong sinasabi sa'ken? Tuwing umiiyak ako lagi kitang hinahanap...idinidildil ko sarili ko ang mga bilin mo. Hanggang ngayon sinusunod pa rin kita! Ang huwag paaapi sa iba... ang pahalagahan ang bagay na mayroon sa buhay... andito lahat yon! Pero ba't ka ba nagkaganyan? Hindi na ikaw ang superhero ko. Ang dati mong lakas... wala na! Ni indi mo man lamang maibangon ang sarili mo. Nasaan na ang tapang mo?! Pero konti problema lang sumuko ka agad! Akala ko ba magaling ka? Bakit hindi ka nag isip?

Kung nakinig ka lang sana sa'ken sana kasama pa kita... hindi sana matigas ang higaan mo ngayon. hindi sana gusgusin ang suot mo. Ang dami mong pangarap... ang taas mong lumipad! Hindi ako makasakay sa pakpak mo.

Inspirasyon kita sa lahat ng bagay. Walang oras na hindi ko ginawa ang mga itinuro mo. Importante ka sa'ken... naramdaman mo ba yun? Pero bakit ka umalis? Mag-aaral ka na pala hindi ko man lang nalaman, wala kahit anong abiso. Pakiramdam ko tuloy wala akong halaga sa'yo. Nakita na lang kita sa laot... tinatanaw ng mga luha ko ang pag-alis mo. Ang tagal kitang hinintay, ilang taon... lagi kong hiling sa dagat na ibalik ka... pero malayo kana... bakit hanggang ngayon malayo ka pa rin!

Gener... gising na... gumising kana! Andito na ko. Iuuwi na kita sa atin. Nakakapagod ang buhay dito sa Maynila. Hindi ka dito bagay... binigo ka lang ng mga pangarap mo... binigo ka ng mundo... alam mo bang may magandang buhay sa liblib ng kawalan? Nahanap ko na ang buhay na gusto mo. Maganda na ang buhay na nilisan mo... liligaya ka na doon, Gener. Hoy... bakit ayaw mong imulat ang mga mata mo? Hihiga ka na lang ba d'yan habambuhay? Ayaw mo na bang bumalik? Sige... hihintayin kong magising ka... sasamahan kita sa kawalan.

3
$ 0.00

Comments

meron kang ginamit na matatalinghagang salita

$ 0.00
3 years ago