Dramedy

0 11

Alas siyete na. Oras na sa pagsubaybay sa mga kinasasabikang telenovela,"tanging usal ni Mayeth sa sarili. Kitang-kita sa kanya ang pananabik nang biglang naalintana sa panonood dahil sa malalaking trak na huminto sa harapan ng kanilang tarangkahan.

"Ooops! may naglilipat pala,"sabay harap ulit sa telebisyon. Wari'y di naapektuhan sa kanyang nakita. Maya-maya pa'y until -unting tumulo ang kanyang luha pero kanina lamang ay kinikilig pa sa mga eksena.

"Bakit anak?"wika ni Aling Marta sa kanyang dalagita.

"Ma...wala lang to, nadala lang ako,"sabay lingon sa ina.

Nagkatawanan /lang sila, magkasabay ding nagpahid ng kani-kanilang mga luha.

"Matulog ka na nga. Nakakahawa ka eh..."

"Opo!"ani ni Mayeth. Dali-daling nagtungo si Mayeth sa asoteya.

Imbis na antukin ay tila nabuhayan ng dugo ang dalaga ng makita ang mga naglilipat sa kanilang bahay. Napokus ang kanyang mga mata sa isang binata na katu-katulong sa pagbubuhat.

"Cute! Yun pala ang bagong lipat!"kinikilig na tinig ng dalaga. (Naku!Ang babae nga naman). Natulog si Mayeth tangan sa kaniyang diwa Ang itsura ng bagong binata sa kanilang bahay. (Tagalaga naman, gusto pa yatang mapanaginipan, sige mag-ilusyon).

Kinabukasan, di niya inaasahang magkasabay sa paglalakad ang binata. Bakas sa mukha ni Mayeth Ang paghanga at pangingislap ng kaniyang Maya na ginantihan Naman ng asiwa at pagsusupladong tingin ng binata (Sige...papansin ka Mayeth).

"Hoy! Di ba ikaw yung bagong lipat, ako nga pala si Mayeth."pagpapakilala sa sarili.

"Jay..."sabay paling ng ulo upang parahin ang rumaragasang jeep. (Hmmp, ano Mayeth sinupladahan ka lang). Magmula noon sinikap ng dalaga na ayusin Ang sarili upang lalo siyang napansin ni Jay. Naandiyan ang magpababalik-balik siya, ilaglag ang panyo, magpabango nang marami, sadyaing makipagbungguan, magmake-up ng pagkakapal-kapal at iba pa (Ang babae nga naman!).

"Kasi ikaw...suplado mo talaga..."

"Ganun lang talaga ako."simpleng sagot ng binata (Ano Mayeth! Karirin mo na). Halos umapaw ang loob ng dalaga ng nakapalagayan na niya ng loob Ang binata. Ngunit ang pagkakapalagayang ito ay nauwi pa sa pagiging mas malapit na pagkakakilanlan ('Kala niyo sila na...hindi pa). Lumaon naging matalik silang magkaibigan (Sakit, hanggang doon na lang ba).

Lumipas pa Ang dalawang buwan hanggang...

"Best, may pagtatapat ako sa iyo."

"O, ano yon Jay?"

"Ah may gusto kasi ako sa kaklase natin."

"Talaga? Eh, sino!"

"Maganda siya...mahaba ang buhok at..."

"Kalog!"pasigaw na pahabol no Mayeth.

"Hindi! Mahinhin nga si Beth, pagtanggi ni Jay. Actually, kami na nga eh, Ok ba?" Hindi napigilan ni Mayeth ang patuluin Ang kanyang luha (Babae nga naman).

"Bakit?" Unisa ni Jay.

"Wala to, tears of joy..." sagot ng may malamyos na tinig (PLASTIK). Mula ng araw na iyon naging malamig ang pakikitungo nila sa isat-isa. Hanggang...

"Mayeth, uwi na'ko sa Bisaya. Kailangan eh." pagpapaalam ni Jay. Tanging ang malungkot na mukha na pilit pinasasaya ng mga labi ang naging sagot ng dalaga (Magpakatotoo ka nga! O sige...paikliin natin, masyadong humahaba... Makalipas Ang dalawang taon...)

"Mayeth, may telegrama ka," sigaw ng kaniyang Ina.

"Si Jay pinapupunta niya ako sa kanila sa Sabado." Pabulonh na wika sa sarili (O tama na ang drama.) Dumating ang Sabado at tinunton ni Mayeth ang address na nasa sulat. Nanlaki Ang kaniyang mga mata nang makita Ang malaking simbahan.

"Ano ba ito? Ayoko Naman ng ganitong surpresa, Sana sinabi niya namang papanasal na kami " (Ang bilis mag-ilusyon). Naluha na lamang siya nang makita na ikakasal si Jay sa ibang babae (Sabi sa iyo, wag ka munang mag-ilusyon).

Ang tagpong ito ang nagtulak sa kaniya upang putulin ang ugnayan sa kaniyang matalik na kaibigan. Tumanda na siyang dalaga...hanggang..

"Mayeth, telepono!"

"Mayeth, punta ka naman sa address na'to, kailangan lang talaga."(Sige Mayteh punta na...aba, Mahal mo pa naman siya). Nagulat ang naging tugon ni Mayeth (Kalungkot no?).

Alam ninyo ba nung tumawag si Jay ay balak na niyang ipagtapat Ang kanyang tunay na pagmamahal kay Mayeth. Di naman siya ikinasal, napagkamalan pang ni Mayeth na si Jay ang ikinasal. Sobrang natorpe lang talaga si Jay. Tumanda na sila bago pa naisipang ipagtapat, hayun!

Sa sobrang excitement, intake na sa puso. Parehas nilang itinago ang tunay na nararamdaman sa isat-isa. Yan tuloy ang napapala ang masyadong torpe ay pakipot.

3
$ 0.00

Comments

Parang Wattpad lang sis hehe nice! Keep it up.

$ 0.00
4 years ago

Hahahaha, kaya guys wag torpe..🤣 ang saya saya..👍👍👍

$ 0.00
4 years ago