Di ko sinasadya...Kung Alam mo lang...

0 3
Di ko sinasadyang kausapin ka,
Di ko din sinasadyang makasama ka,
At di ko lalo sinasadyang isama ka na isama,
Dahil kung alam mo lang...
Ayaw na kitang mawala...

Di ko sinasadyang mapalapit sa'yo,
Di ko sinasadyang maging special ka sa buhay ko,
At di ko lalo sinasadyang isama ka sa mga kakaibang trip ko,
Dahil kung alam mo lang...
Pag kasama kita sobrang saya ko...

Di ko sinasadya maging close tayo ng ganito,
Di ko din sinasadyang hanapin ka sa bawat minuto,
At di ko lalo sinasadyang masanay ka na laging kasama ko,
Dahil kung alam mo lang...
Di ko alam ang gagawin ko
Pag nawala ka sa paningin ko...

Di ko sinasadyang mapasama ka sa mga panaginip ko,
Di ko sinasadyang gawin ang mga panaginip ko kasama mo,
At di ko sinasadyang mapasama ka sa mga plano ko,
Dahil kung alam mo lang...
Ang dami kong nagawa dahil sayo...

Di ko sinasadyang maramdaman to
Di ko din sinasadyang mapatunayan to
At di ko lalo sinasadyang ipakita ito
Dahil kung alam mo lang...
Mahal na mahal na mahal...kita
At yon ang totoo

1
$ 0.00

Comments