Anong hiwaga

4 7
Ano ang hiwaga nitong nadarama
Lagi ng masaya tuwing ika'y nakikita
Ngunit sa kabilang dako, ako'y nalulungkot
Pagkat nalaman kong ika'y may iniirog.

Nais kong magtapat ngunit di dapat,
Pagka't ako'y isang babaeng desente at tapat
Kahit gustong-gusto ko na iyong malaman
Pag-ibig sa puso ko, tunay na ikaw lamang.

Dahil sa iyong ugali ako'y napaibig
Dahil sa iyong  dating lumalakas ang pagtingin
Ikaw ang tipo ko at inaasam-asam,
Paglilingkuran kita kahit hanggang hantungan.

Kaya't sana naman bigyan ng pagtingin
Kahit kauti lang mahalaga na rin sa akin
Kahit ngiti mo ako'y kuntento na
Kaunting sulyap mo,buong mundo'y lumigaya.

1
$ 0.00

Comments

Eto ang mahirap sa mga babae. Yung may gusto tayo pero hindi natin masabi. Kaya nghihintay na lang tayo na mapansin ng gusto natin.

$ 0.00
3 years ago

Eh kasi po ang hirap naman po talaga na babae pa mauna magpahiwatig ng pag-ibig sa lalaki. Kasi ang lalaki hindi dapat torpe para walang pag sisisi sa huli, parehong masaya.. hehe...

$ 0.00
3 years ago

Tama nga naman. Depede din cguro talaga sa culture. Sa culture kasi natin mga Asian hindi appropriate yung ganun. Pero sa ibang bansa okay lang naman.

$ 0.00
3 years ago

Opo nga po.

$ 0.00
3 years ago

Makata ka pala sis hehehe..

$ 0.00
3 years ago